K-10

3.8K 120 2
                                    

"Room 309" saad ng nurse agad agad naman na kaming pumuntang elevator para makapunta na sa sinabi niyang room

Mas lalong umusbong ang kaba sa akin at pag aaalala kaya naman atat na din ako makarating sa room

Pagkatunog ng elevator ay agad agad na din ako lumabas at hinanap ang number sakto malapit lang ito kaya naman tumakbo na ako dito

Narinig ko pa ang tawag sakin nila mama pero di ko na sila nalingon dahil sa pagkabalisa

Pagkabukas ko ng pinto nakita ko agad si tita na nakahiga at tulog nasa tabi naman niya si Killian na nagitla saglit ng makita ko

Agad naman ako lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit, narinig ko naman ang mumunting hikbi niya sa aking balikat

"I miss you di ko na alam kanino ako hihingi ng lakas" mahinang sambit niya at humihikbi pa din

Hinagod ko naman ang likod niya at pinapatahan siya

Sakto naman dumating na sila mama at lumapit na din samin

"Ano nangyari iho sa mama mo?" saad ni mama halata din ang pag aalala sa kanyang mga mata

"Nung aattend na daw po sana ng meeting si mommy bigla nalang daw po nahimatay, few days ago mommy is always going home late and always doing her work" saad niya saka bumitaw sakin at nagpupunas ng mga mumunting luha

"The doctor said she was over fatigue and need a few days of rest, di pa din po siya nagigising simula nung nahimatay siya"

"Ilang araw na ba kayo dito?" saad ni papa at umupo na din sa tabi ni mama

"Nung isang araw pa po, di pa po ako nakakatulog ng maayos dahil ako lang po ang bantay ni mommy tsaka inaantay ko din po siya magising" nakatitig lang siya kay tita at nakahawak ang kamay sa kanyang ina

"Nako kami na magbabantay sa mommy mo magpahinga ka na muna sa bahay, Reese anak asikasuhin mo muna siya" agad naman umiling si Killian

"Wag na po dapat kayo nga po ang nagpapahinga kasi galing pa po kayo byahe b-" pinutol na agad siya ni mama at binantaan na iuuwi nila ako sa pilipinas pag pinilit pa din niya gusto niya

Wala na siyang nagawa kaya naman naghanda na muna siya at sinabi ang mga kailangan ni tita

"Sigurado po ba kayo bukas po ako na magbabantay kay mommy nakakahiya po kasi tita" saad niya sabay kamot ng kanyang batok

Ngumiti naman si mommy at hinatid na kami sa sasakyan

"Sige sige na kaya namin ito tsaka malakas ka samin iho wag ka mag alala" kinindatan naman siya ni mama na parang may secret silang signal

"Tara na tingnan mo yung eyebags mo ang laki na" saad ko at tinawanan pa siya pero di manlang siya natawa at nakakunot lang ang noo sa akin

"Ang lakas mong tumawa jan may lalaki ka naman kiniss na kita lahat lahat tapos" irap na saad niya at sininghalan ako mas lalo naman ako natawa sa akto niya

"Akala ko ba okay lang sayo tsaka kuya lang naman para sakin si Tob" umirap nanaman siya at lumayo sakin

"Kuya daw pero tawag mo Tob" tinawanan ko siyang muli at lumapit pa sa kanya

Sakto naman dumating na yung sasakyan kaya naman sumakay na kami pero sa passenger seat siya sumakay at iniwan ako sa likod

Natawa nalang ako sa sarili ko at pinabayaan na muna siya

Tumingin nalang ako sa kalsada buong biyahe

Pagkadating namin ay agad na ako nagpasalamat sa driver at tumabi na sa kanya para pumasok

After We Broke Up (PDS#2)Where stories live. Discover now