Chapter 19 Upgrade

114 6 0
                                    

Chapter 19 Upgrade

Elixyvette's Point of View


"Your world is beautiful Lady" halos atakihin ako sa puso ng bumungad agad sa akin sa loob ng game ay si Kennocha. Tinutukoy niya kasi ang outside world, our world.

Naninibago tuloy ako sa ginagalawan ko, i feel like i am being followed by this kid everywhere. Siya din ang huli 'kong nakita bago ako maglaro.

"Akala mo lang 'yon" napairap ako ng nandito na si Killian/ Aki.

I am not expecting any of them to play tonight dahil sa pagod. Looks like i should expect the unexpected. Saka siya nangunguna ngayon bakit nga ba hindi ko naisip na malamang maglalaro ito

"Mister!" I frowned when Kennocha hug him. Unexpected kailan pa nagkaroon ng ka-close si Killian -,-

"Ngumiti ka nga jan baka mamaya magmukha ka ng uod" umirap ako rito saka pumasok sa loob.

Kukunin ko sa loob ang mga tinatago kong inventory na nakuha ko.

Ipapaupgrade ko na ang scythe ko. I already completed the lists ng napili kong design na naayon sa level ko.

"I'll come with you" tumango nalang ako rito saka lumabas. Nakasunod pa din sa amin si Kennocha saka tumitingin sa paligid

"Magpapaupgrade ka din ba?" Sumama kasi siya e malay ko ba kung ano gagawin niya

"Nah, may pupuntahan ako malapit sa Blacksmith e" sagot nito na ikinatahimik ko

Saan kaya punta non? Level Up? Pero level 25 na kami. Yep. 25 naghabulan kaming dalawa.

Lagi naman. Aso na nga 'yan sa paningin ko. Tss.

"Wait" tumigil kami sa paglalakad ng tumakbo si Aki papunta sa isang stall ng pagkain.

Fruits to be specific. Pagkabalik nito may hinagis ito papunta sa akin sinalo ko ang isang mansanas saka inabot kay Kennocha

"Here" saka niya ako binigyan ng isa pang mansanas.

"What?" Umiling ako sakanya saka naglakad ulit. Nasa dulo pa ng second wall ang Blacksmith at malayo pa kami papunta doon. Magdidilim pa kasi alas singko na.

"Saan ka ba pupunta at gusto mo sumunod?" Saka ako kumagat sa mansanas at tinignan ito

"Ah, may hahanapin at kukumpirmahin lang" sabi nito saka ngumisi sakin. That smirk... Ayoko silang ngumingisi sa akin.

Dapat ako lang.

"Gusto mo sumama? Baka akalain mong nambabae ako" nasamid ako sa sinabi nito.

Tangina, ano?

I heard his devilish laugh saka ako hinimas likod ko at patuloy na nagtawa.

Tangina, medyo may pagka-assume pala 'tong lalaki na 'to?

Sana pala hindi ko na tinanong

Polaris: The North StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon