Chapter 1: King of Iceberg

38 6 2
                                    

(Kaye's POV)
 
 “Friend! Do I look okay today? My make-up? My smell? Or what?"-aligagang tanong ni Shana Rameses, my dear bestfriend na busyng-busy sa pag aayos ng mukha niya ngayon.

“Wow Sha! Pag kalandian gumagaling ka sa English. Pero pag sa klase ang tahimik mo -_-"-sumbat ko sa kanya at sumubo ulit ng kanin na may fried chicken na siyang baon ko for lunch.

“Wow! Hiyang-hiya yung capacity ng utak ko sayo Kaye ahh?”

“Aba dapat lang na mahiya yang utak mo. Hello! Mas mataas yung grades ko sayo sa English!"

“Sa English oo, pero sa rank, bottom ka pa rin! Bleh!”

“Huwaw Shana! Isang rank lang ang tinaas mo sakin! .1 nga lang lamang mo sa grades ko eh. HAHAHA!”

“Ohh, ohh, nagpagalingan ang dalawang bobo oh.”-Singit naman ni Paches sa usapan namin.

“Che!”-Sabay na reaction namin ni Shana at parehong umirap sa maloko naming classmate.

“Sige na Beshywap! Mamaya na tayo mag usap ulit. Paparating na si Prince Hellix kasama ang mga oh-so-yummy niyang ka-teammates at mga bodyguards!”-Parang kiti-kiting nagtatakbo na si Shana sa hallway at nakiabang na sa maraming estudyanteng babae at mga bakla sa school na patay na patay sa itinuturing na Campus Prince ng Hellder...

No other than:

“Hellix Andsen Hellder!! Noticed me please! Pa-birthday mo na sakin!!”-Umalingawngaw sa hallway ang malakas na sigaw ni Shana kaya napatakip nalang ako sa mukha. Seriously? Ako yung nahihiya para kay Shana. -_-'

Sa loob ng tatlong taon na hindi manlang siya tinitingnan ni Hellix, yan at yan pa rin ang sigaw niya. Gaano ba katagal ang birthday niya? xD

Dahil common naman ng nangyayari 'to sa araw-araw ng buhay ko dito sa Hellder Academy, itinuloy ko nalang ang pag ubos sa baon ko.

Btw, I am Amarah Kaye Legazpi-Hellder.

Yes! Hellder na din ang surname ko, pero Legazpi pa din ang ginagamit ko sa school and I am secretly married to a Campus Prince.

----------

Malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sa mahimbing na pagkakatulog ko.

“Uhhhhm.Last 5 minutes pa please.”-bulong ko habang nakapikit pa ring kinapa-kapa ang alarm clock.

Nung lumalalim na ulit ang tulog ko. Isang malakas na kalampag ng mga metal naman ang nagpabalikwas sakin ng bangon.

“ASAN?! ASAN ANG KALABAN HELL??”-Sigaw ko habang nakatayo sa ibabaw ng kama at naka-porma ng lalaban yung mga kamao ko.

“Walang kalaban Señorita Kaye. Kailangan niyo na pong bumangon dahil mali-late na kayo sa school. Mas magigising pa ata si Sleeping Beauty sa alarm niyo kesa sa inyo eh!”-nakaismid na paggising sakin ni Daldalita ang mataray na maid sa Mansion habang hawak ang sandok at takip ng kaldero na siyang pinangkalampag niya kanina.

Napasimangot naman ako at bumaba na sa kama.

After niya kong irapan ulit, lumabas na siya ng kwarto.

Aba Daldalitang 'to! Ang taray-taray! Drawing naman yung kilay! :3

Wala na kong choice kung hindi gumising na talaga totally, bago pa bumalik si Daldalita at bumuga ng apoy.
.
.
.
Hell & I are sleeping together in one room but in different bed, I mean iisa lang ang bed namin, pero may pang ilalim pa na layer, kumbaga,ako yung sa main bed tapos hinihila nalang ni Hell yung bed sa ilalim at ibinabalik din sa umaga para di halata na magkahiwalay pa din kami matulog tutal siya naman yung nauuna matulog saming dalawa. Later in the story, You will understand kung bakit kami nasa ganitong situation. Pero sinisiguro ko sa inyo, Hindi ko pa sinusuko ang Bataan at wala din naman siyang balak angkinin ang Bataan ko dahil bukod sa pagiging fan ng iceberg dahil sa malamig na personality niya--Oww, depende nalang pala pag binwiset ko siya kasi namumula siya lagi sa galit kapag ako ang kaharap kumbaga auto-switch yung katauhan niya pag dalawa lang kami.

I am secretly married to a Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon