TEASING V

17K 548 147
                                    

FAINTED

Lutang akong nakasay sa kotse ngayon, I can't move on to what happened yesterday pero laking pasasalamat ko talaga kasi Wednesday ngayon. Hindi ata siya nainform na wala kaming klase sa subject niya. Nagagalak ako dahil hindi ko ito makikita at hindi kami makakapag-usap dahil sa nangyari kahapon. Masasabi kong napakaswerte ko ngayong araw na ito dahil doon. Nasa ganoon akong pag iisip when kuya ask na nagpabalik sa akin sa totoong dimensyon ng mundo.

"Maam hindi pa po ba kayo papasok?" tumingin ako sa labas and to my surprise, nasa parking lot na nga kami. Ganoon na ba ako kalutang para hindi ko mapansin iyon? Walang salitang bumaba ako para iwas pahiya kay kuya. I walk straightly hanggang sa makarating ako sa room. Pagkapasok ko my eyes search for two person, my best friends na abala sa pag-uusap. Kung hindi ko lang kilala itong dalawa ay pagkakamalan kong magjowa sila. They really look good together, I will ship them at magkakatotoo iyan soon. Lumapit ako sakanila at uupo na sana sa upuan kaso may nakapatong doon na Milk Tea na hindi ko alam kung kanino.

"Kanino ito?" nagtatakang tanong ko sa dalawa na kibit-balikat lang ang tugon sa akin. Dinampot ko ito nang makitang may note na nakapatong. Kanino naman kaya ito at inilagay pa talaga sa upuan ko.

"Guys? Kanino ba talaga ito? Pakikuha naman para makaupo na ako oh" walang sumagot kaya naman tumayo na ako at nilagay ito sa lamesa ni Sir De Guzman tsaka ako bumalik sa upuan. Uupo na sana ako ng biglang pigilan ako ni Mitch.

"Bakit mo nilagay doon? Paano kapag pagalitan ka ni prof? O hindi kaya para sayo yon? Kunin mo at tignan natin yung note" naisip ko rin iyon pero sino naman ang magbibigay diba? Makaisip naman ng ganoon si Mitch, or baka naman alam niya kung kanino ito nanggaling?

"Ikaw Mitch magsabi ka nga ng totoo sa akin. May alam ka ba kung sino ang nagbigay non? Sabihin mo kung hindi malilintikan ka sa akin." pagbabanta ko dito na hindi man lang niya ikinatinag. Umiling-iling lang ito para ipahayag na wala siyang alam. Sinunod kong tignan si Luke na walang imik kanina pa.

"Ikaw Luke may alam ka noh? Sabihin niyo na kasi para kunin ko na, sayang naman effort nang nagbigay. Tatanggapin ko lang but it doesn't mean na papayag ako sa balak nito kung sino man siya" hindi ko alam kung imagination ko lang iyon ngunit parang may sakit na lumandas sa mga mata ni Luke ng tignan ko ito. Ipinagsawalang bahala ko nalang dahil alam kong guni-guni ko lang iyon.

"Aray para sa taong iyon kung sino ka man. Nakikiramay na ako agad sa puso mo" pang-aalaska ni Mitch sa taong iyon. So sa akin pala talaga iyon? Pero saan naman ito nanggaling?

"Sige kukunin ko nalang, salamat sa nagbigay kung naririnig mo ako. Next time huwag kana mag-abala please? Hindi ako fan ng milk tea" walang gatol na sabi ko, akmang tatayo na sana ako ng pumasok ang isang taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon. Nagsimula nang kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa presensya niya. Hindi ito maaari! Hindi ba wala kaming klase sakaniya? Bakit naman nandito siya ngayon? Change schedule? Tanginis naman! Ayokooo!

"Prof De Guzman is on leave so I'm the one who will teach his subject today. Kaya sa mga nagdidiwang na hindi ako mamemeet ngayon, magdiwang ka lang." walang emosyong sabi nito na ikinagulat ko. Tamang tama kasi ako sa sinabi nito. Wala namang sumagot sa sinabi nito. No violent reaction naman kasi sino ba namang maglalakas loob diba? Ngunit napunta sa milk tea na nasa table niya ang tingin nito. Kinakabahan ako baka kasi para sa akin talaga iyon. Issue nanaman ito kapag nagkataon.

"Kanino ito? Why did you put this tea on this table?" wala sa amin ang sumagot kaya naman binuksan nito ang plastic. May note doon na alam kong makikita niya. Kinuha niya iyon kaya pasimpleng tumingin ako kay Mitch ngunit nasa harap ang tingin nito.

"You're like a moon that shines my world Elliane from star?" pagbasa nito sa note at tumingin ito sa bandang gawi ko. Namula ako dahil totoo ngang para sa akin iyon. Bakit kasi hindi ko naisipang basahin iyong note?
"What a chessy note from whom? Who is star? Kayo ha three days palang tayo may nagliligawan na" napangiti ng konti si Miss Aery sa nabasa nito. Mas lalo pa akong namula dahil sa sinabi nito na pinasundan naman ng mga kablockmates ko. Seriously?

"Kunin mo na kasi Bree, huwag mo namang hayaan na mapunta sa wala ang effort ng nagbigay sayo." sumabay naman si Luke sa pagkantyaw ng mga kaklase ko. Ipinagtaka ko dahil hindi sila pinapatigil ni Miss Aery. Tumingin ako dito na kasalukuyang nakatingin sa amin ngayon. Parang enjoy na enjoy pa ito sa pang aalaska sa akin.

"Get this Joaquin but before that alamin muna natin ang salarin." napaface palm ako dahil sa pinagkaisahan nila talaga ako. At pati itong propesor na ito nakikisali naman ampk!

"Aamin na yan" iyong isang kablockmate ko ang nagsalita na sinundan na ng iba. Nakisali na rin si Maam sa sinasabi nila na bahagyang ngumingiti pa. Napatingin naman ako sakaniya dahil sa ngiting iyon. Mas gumaganda pa ito dahil sa ngiting iyon, totoo at walang halong kapekehan.

"Look like I already know who he is. Kalma ka lang nahahalata na kita." nang magsalita si Mitch ay tumingin ako sa gawi ng taong tinitignan niya ganoon din ang iba. Mahahalata naman sa taong iyon ang kaba.

"Aiven Sarmiento?" nagtatakang tumingin ako kay Luke, hindi dahil kilala niya ito ngunit dahil sa bakas ang inis sa boses niya.

"Wait kilala mo siya? Paanon- Oh my Lukeee!" dali-dali kong hinawakan ang braso ni Luke dahil sinugod niya yung lalaki.

"Walang hiya ka! Pinagkatiwalaan kita!" galit na sigaw ni Luke at muling sinugod si Aiven. And this time nasuntok na niya ito.

"You two! Tumigil na kayo!" pagsingit na rin ni Maam na nasa harap para tumigil na silang dalawa. Ngunit hindi sila nagpapigil kahit na si Maam na ang nagsuway sakanila.

"Hindi kasi ako katulad mo na walang lakas para gumawa ng hakbang para sa gusto niya! Gumawa lang ako ng paraan para mapansin din ako ni Zaira at walang masama doon!" Nagkagulo na kami sa loob dahil susugod na naman si Luke na gigil na at ganoon na rin Aiven. At ako? Hindi ko na namalayang nasa harap na ako. Hindi ako sanay sa gulong ganito. Lumakas pa ang kabog ng puso dahil sa pagsugod nila ulit sa isa't isa. Sabay non ang pagbalik ng ala-alang pilit kong kinukubli sa nakaraan. The last time I encountered like this scenario was--

Hindi! Hindi ako pwedeng magpatalo sa kahinaan ko! Hindi pwedeng magpakain nanaman ako sa nakaraan. Ngunit bago ko pa iyon mapigilan hindi ko na ito kinaya pa.




"TAMA NA!" after that, everything went black.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon