TEASING XXIX

13.1K 425 298
                                    

BURST

It's Monday afternoon and I am at her office right now. Wala na kasi akong klase saka walang ojt ngayon pero busy ako sa paggawa ng thesis. Actually by group ito at noong last year pa namin sinimulan kaso pachill-chill lang kami kaya ngayon magiging hectic na ang oras dahil kailangan naming tapusin ang thesis na ito. Abala ako sa pagsusulat habang siya'y abala rin sa ginagawa nito. Parang wala nga ako dito kasi tutok na tutok siya sa ginagawa niya. Napagdesisyunan kong tumayo para magtanong dahil siya naman ang prof namin sa paggawa ng thesis.

"Maam?" agaw ko ng atensyon niya kaso hindi ito tumingin agad. Susubukan ko sana ulit ng mag-angat ito ng tingin sa akin at saka binalik ulit ang atensyon sa laptop niya.

"What is it?" sagot nito sa akin kaya sobrang nagalak ang aking puso. Akala ko kasi ay hindi na ako nito papansinin pa.

"Maam paano po itong part na ito?" pinakita ko sa kaniya ang sariling thesis niya na binigay nito sa akin kanina para daw may pagbasehan ako. Seryosong nag-explain ito sa akin about sa part na iyon. Namamangha nanaman tuloy ako dito dahil napakagaling niya. Isa siyang huwarang guro na kahit na abala ito sa kaniyang trabaho ay may oras pa itong iexplain ang hindi ko maintindihan.

"Thankyou Maam!" nakangiting bumalik ako sa aking upuan nang masabi ko iyon sa kaniya. Mas lalo tuloy akong ginanahan dahil sa effort na ipinapakita nito sa akin.


Makalipas ang ilang durasyon ay nakaramdam ako nang pagod at gutom. Nakakawala ng lakas itong thesis na ito. Bakit kasi required sa mga graduating ang ganitong aktibidad? Napagdesisyunan ko nang tumayo dahil 4:00 pm na. Binalingan ko ang gurong busy pa rin sa pagtitipa ng laptop nito.

"Maam hindi ka pa ba uuwi? Or gusto mo ng meryenda?" iling ang sagot nito na nagpabuntong hininga sa akin. Namimiss ko na kasi itong kakulitan kaso ay abala pa rin ito. Ganito nga siguro talaga ang feeling kapag nakikipagrelasyon ka sa isang propesor.
"Mauna na po ako" sambit ko at saka inayos ang mga gamit na ginamit ko kanina. Walang salitang lumakad ako papunta sa pintuan para hindi na ito maabala pa. Akmang pipihitin ko na sana ang seradura nang magsalita ito.

"Just go home okay? I will go home later." iyon na lang ang katagang sinabi nito na nagpagdagdag sa kalungkutan ko. Ngunit pipigilan ko ang anomang lungkot dahil isang guro ang aking kasintahan na dapat kung intindihin. Agad na akong lumabas at saka naglakad pauwi.


Nang makarating ay nagpahinga muna ako at saka napagdesisyunan na lang mag-order. Tinatamad na kasi akong magluto pa para sa dinner. Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa dumating na ang order ko. Bago ako kumain ay kinuha ko lahat ang aking gamit para ituloy ang pinagkakaabalahan ko kanina. Nagsimula na akong kumain habang abala sa pagsusulat. Nakalipas ang ilang minuto at nasa ganoon akong sitwasyon ng marinig ko ang pagring ng phone ko ngunit agad ding namatay. Sumunod ang doorbell ng aking pintuan kaya napatingin ako doon. Agad na tumayo at pinagbukasan ang taong nasa labas ng pintuan ko.

"I'm so tired" bago pa ako makapagsalita ay nayakap na ako nito. Naawa naman ako sa pinakita nito kaya niyakap ko ito pabalik, mukhang pagod na pagod nga talaga siya.

"Kumain ka na ba Maxine? Tara kainin mo na kinakain ko kanina" sabay nang pagsabi ko non ang pagyakap ko sa kaniya. Kahit na mas matangkad ito sa akin ay sinuksok nito ang ulo sa crook ng leeg ko. Napangiti tuloy ako sa gesture niyang iyon.
"Hmmmm" pang-aamoy niya sa parteng iyon na nagbigay ng kakaibang sensasyon sa aking katawan. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hindi dapat nararamdaman.

"Kain na" mabilis na lumayo ako saka siya hinatak papunta sa couch. Para na rin mawala itong weird na bigla kong naramdaman.

Nang mapaupo ko siya'y sinandig na nito ang katawan sa couch. Binagsak na rin nito ang gamit na hindi man lang inintindi kung masisira iyon sa way ng pagbagsak niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pag-aalala nang pumikit ito. Inasikaso ko pagkain na kakainin nito saka ko tinanggal ang stilettos niya. Bahagya siyang namulat ngunit tumango lang ako na okay lang.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon