HORRENDOUS
*Play the media above while reading this for more drama*
"B-breeze"
Agad na hinabol ko siya dahil mabilis na itong lumabas. Mali ang halik na nakita niya. Hindi iyon dapat dahil alam ko sa aking sarili na hindi ko iyon ginustong mangyari. Baka anong isipin niya na mas lalong magpagulo sa aming dalawa. Sana naman ay pakinggan niya akong magpaliwanang sa nakita niya kanina. Ngayon pa na okay na, nasabi ko na kay Amber na kami na ulit. Wala na akong paki kay Amber na itinuring kong kaibigan.
"Maxine!" hinabol ko ang kotse nitong umandar na. Sobrang natatakot ako sa maaaring mangyari dahil sa kaniyang nakita. Natatakot ako na baka hiwalayan na niya ako ng tuluyan sa maling nangyari kanina.
Agad na sumakay ako kotse at pinaharurot iyon. We need to talk. Nanginginig pa ang aking kamay dahil sa halo-halong naiisip at nararamdaman ko. Andaming what if's na hindi ko mapigilang tanungin sa sarili ko. Hindi pwedeng mangyari ang mga posibleng sinasabi ng utak ko.
Lakad takbo ang aking ginawa ng makarating ako sa hotel. Nasa taas ang penthouse niya kaya kelangan kong bilisan. Nang makasakay ako ng elevator ay nanginginig ang daliri na pinindot ko ang button papuntang taas. Nang makarating ako ay sunod-sunod na pinaingay ko ang bell ng door niya. How many times na pinaingay ko iyon. Kulang na lang ay masira ko ito.
I waited for 5 minutes yet no signs of Maxine. Wala ba talaga siya sa loob o ayaw lang talaga niya akong kausap? Teka, mayroon na ba yung kotse niya sa labas?
Bumaba akong muli para tanungin iyong dalawang receptionist sa lobby. Kilala na nila ako dahil alam nilang girlfriend ako ng boss nila.
"Did you saw Aery?" tanong ko agad pagkarating ko sa baba na ikinagulat nila. Agad kasi akong nagtanong pagkarating ko kaya ganoon nalang sila magreact.
"Hindi pa po siya bumabalik. Akala po namin magkasama kayo" umiling-iling ako dahil doon. Sana nga magkasama at okay kami ngayon. Naiiyak ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nafrufruatrate ako sa mga nangyayari. Parang hindi ko na siya kakayanin.
"Thanks, I just call her na lang" hindi ko pinahata na hindi ako okay. Lumabas ako para tawagan siya pero ring lang siya ng ring. Ilang ulit iyon hanggang sa cannot be reach na. Pinatay na niya siguro ng tuluyan ang phone. Galit na galit na siguro iyon sa akin. Napakahusay talaga hayss.
Iyong puso ko iyak na iyak na ngunit pinipigilan ko. Pinipigilan ko kasi ayokong makita nila na mahina ako. Wala akong choice kung hindi ang pumasok sa hotel. Pagkapasok ko ay muntikan na akong matumba, buti na lang at may nag-alalay sa akin. Nakaramdam ako ng hilo dahil sa pagod at wala pa akong kain mula umaga. Nawalan kasi ako ng gana dahil sa nangyayari sa amin.
Dinala ako sa upuan at iyon naman ang paglapit ng dalawa sa akin."Miss okay lang kayo? Hindi po namin matawagan si Miss Aery" nag-aalala ang boses na wika ni Lara. Ngumiti ako ng pilit saka tumango.
"Kumain na ba kayo Miss Zaira?" umiling-iling ako at saka yumuko. Nahihiya ako kasi may kasama kaming ibang tao. He's the one who help me nang muntikan na ako matumba. Naiintindihan siguro ni Mond ang gesture ko kaya kinausap niya ang lalaki.
"Thank you sir for helping. We will accompany her na lang po." nag-angat ako tingin saka binigyan ng isang simpleng ngiti ang lalaki. He just nodded while smiling at me then he walk away.
BINABASA MO ANG
TEASING HER |StudxProf▪️GxG|
RomanceAERO UNIVERSITY SERIES 1 T E A S I N G P L A Y I N G U N I N T E N T I O N A L F E E L I N G S "Teasing her makes me fall harder." -Aeryelle Maxine Montez - - - - - - - - - - - - * * * * * COPYRIGHT! ALL RIGHTS RESERVED. No part of this publica...