TEASING XXV

14.6K 467 203
                                    

COMPETITION

One month passed yet memories is still repeating in my brain. Happy memories that made me smile priceless each day passed. It all started after my birthday dinner. Mula noon lagi na akong nakakatanggap ng mga chocolates, flowers, coffee, lunch at ano pang regalo. Nalaman ko lang kung kanino iyon nanggaling noong kasal nila kuya. Kung sino man ang nasa isip mo ay siya nga po. Noong una ay binabalewala ko lang lahat ng iyon hanggang sa unti-unti ko nang nagugustuhan. May saysay pala mga ginawa ko dito ng isang buwan. Kaya ngayon ay siguradong may feelings na ito sa akin at unti-unti ng nawawala si Miss Ynah sa kaniya. So ngayon sino ba naman ako para tanggihan pa siya kung alam ko naman na may pag-asa na. Konting push na lang bibigay nanaman ako and this time ay susugal na ako. Hinihintay ko lang na magconfess siya sa akin kaso matagal pa yata. Busy rin kasi ito sa pagkakaalam ko.

"Tara na sa gym Bree hinahanap na lahat ng mga kasali." agad na naglakad na kami ni Mitch papunta sa gym. I feel nervous because this is the day of battle. Nandito na rin ang mga kasali sa bawat University. There are five University na makakalaban namin. Stanfield University, Campbridge Univ, Smith Univ, Harvard Univ and Bryant Univ. Pero ayon sa mga sabi-sabi the top 1 University of all is Stanfield, they are consist of intelligent and rich students na nagpapakaba sa akin. What if madisappoint namin ni Zamara ang mga faculties ng University?

"Breezzeee!" sigaw ni Zamara na nakakuha ng atensyon sa ibang tao sa gym. Imaginary na napatakip tuloy ako ng mukha dahil sa pagsigaw nito.
"I feel nervous Breeze, look oh." hinawakan niya ang kamay kong nanlalamig din kagaya ng kanya. Siya nga kinakabahan na edi mas lalo na sa akin.

"Mas pa ako, ang kinakatakot ko Zamara ay baka mablock isip ko mamaya. Ikaw na magsalo sa akin kapag nangyari ang bagay na iyon." hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit kaya tumango siya. Sana lang ay hindi naman ako mablock kasi para sa karangalan ng University ang dala namin.

"Don't worry pero dapat ganoon ka din if ever may makalimutan ako. Saluhan tayo." tumango-tango ako dito kahit na hindi ko din alam kung anong mangyayari mamaya. Basta sa ngayon kabang-kaba ako.

"Mga nak tara na sa pwesto natin, andoon na lahat ng kasali at mga faculties." tawag sa amin ni Miss Meg kaya naman sumunod na kami dito. Grabe iyong tao dito sa gym, punong-puno kaya mas kinakabahan pa ako ee.

Nang makarating kami sa pwesto ng AU ay nandito na nga lahat. Wala sa sariling hinanap ko ang kanina ko pa hinahanap. Nang matagpuan ko kung nasaan ito ay nakatingin din pala siya sa akin. Agad na binawi ko ang tingin kasi baka sabihin nito na hinahanap ko siya. Kahit totoo naman talaga iyon pero ang akin lang ayoko ring ipahalata.

"Tara doon tayo kila Miss Aery umupo." alanganin ang ngiting binigay ko kay Miss Meg kaya naman pinisil niya ang hawak nitong kamay ko.

"Nak Mitch and Luke doon daw kayo sa tabi ni Miss Ruzell iyon ang bilin nito kanina." agad na nagpaalam si Mitch at Luke sa amin dahil sa harapan sila uupo. Nasa medyo likod kasi ang upuan namin.

"Dito Breeze." inabot ni Zamara ang aking kamay kaya malugod na hinawakan ko iyon. Nagkatinginan at napatawa kami ng bahagya dahil same kami ng temperature ng palad. Sana lang talaga hindi kami malutang mamaya sa harapan.

Pagkarating namin sa puwesto ni Miss Montez ay tumabi na si Miss Meg dito sumunod si Zamara tsaka ako. Tumingin ako sa harap kaya nasilayan ko si Luke na nakatingin sa pwesto namin. I smile at him kaya bahagyang nagpangiti dito. Medyo naiilang siya sa akin simula noong nagconfess siya kaya hinahayaan ko na muna. Okay naman kami kasi hindi naman kami nag-away diba? Pero iyon na nga, he is okay sometimes tapos minsan tahimik siya. He is trying to move on, ramdam at pansin ko iyon. Mas mabuti na sa part niya kasi alam naman nito na hindi kami pwede.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon