VULNERABLE
The midterm exam was done, other students are enjoying their vacation now but for us? It's still a hectic days. Natabunan ako ng mga papers na dapat kong reviewhin because I didn't attend to our everyday sessions. Bakit? Well nagsasabay na kami lagi ni Zamara at kadalasan ay mag-isa ang mentor namin, iyon ay si Miss Montez na hindi ko na kinikibo ng ilang araw. After the kiss? Feeling ko naging cold na rin ako sa kaniya. Para kasing, basta hindi ko maipaliwanag at hindi ko maintindihan.
"Kaya pa Zai?" nag-angat ako ng tingin nang makita ko si Miss Meg. Nakangiting tumango ako dito. After the incident kasi mas naging close kami sa isa't isa. Nag-open ako sa kaniya dahil naiintindihan daw niya ako. Naging student din daw kasi ito na nagmahal din sa isang guro. Pansin niyo? Napapaligiran ako ng mga taong may past sa teachers.
"Miss Meg hanggang kailan ako dito sa library? Si Zamara nasaan siya?" tumingin ito sa akin na nag-aalala dahil siguro sa tono ng pananalita ko.
"You are tired? Kumain ka na ba? At si Natasha po na hinahanap mo nasa meeting po siya. Tsaka may chika ako Zai, if ever na wala ka pang nalalaman. May outing daw kayong mga participants at syempre kaming mga mentors niyo sa 25. Excited na ako kasi kasama ko kayo ni Natasha, you two are my babies kaya." napangiti ako kasi ang sarap sa feeling na ganito kayo ituring ng isang propesor kahit na wala naman kayong subject sa kaniya.
"Excited na rin ako nay!" natawa ako sa sinambit ko pero itong si Maam ngumiti ng mas malaki.
"Bet na bet ko iyon! Mula ngayon tawagin niyo na ako ni Natasha ng ganoon okay? Pero sa ngayon kailangan ko nang umalis. Babalik ako pagkatapos ng practice sa play pero kung kailangan mo ako don't hesitate to call k?" turan nito kaya binigyan ko siya ng malaking ngiti.
"Huwag kang ngumiti ng ganyan sa akin kung hindi naman totoo. Sige na aalis na ako." tuluyan na itong tumalikod at lumabas. Napahinga ako ng malalim kasi mag-isa ulit ako dito. Nagbakasyon na kasi lahat at kaming mga kasali lang ang wala pang bakasyon.
Mabilis na lumipas ang oras kaya ngayon ay nakatitig na lang ako sa mga sinagutan ko. Pero syempre may isa pang hindi ko pa tapos kaya tatapusin ko muna. Kasalukuyang nakayuko ako ng marinig ko na may pumasok, hindi na ako nag-abalang tignan ito dahil si Miss Meg din iyan. Ang bilis namang natapos practice nila?
"Nay baki-" pagkaangat ko'y naputol na ang aking sasabihin, its Miss Montez not Miss Meg. Napalunok ako kasi ngayon lang kami ulit nagkasamang dalawa.
"Are you done?" she seriously asks me kaya napayuko ulit ako. Umiling lang ako dahil ayoko siyang kausapin. Never ko na siyang kakausapin.
"Breeze." madiing sabi niya na nagbigay lalo sa akin ng lakas para hindi siya kibuin.Naglakad ito at kinuha ang upuan na inupuan kanina ni Miss Megan. She put it beside me reason for me to look at her. Ano bang gusto niya? May Miss Ynah na nga siya!
"Breeze. I miss you" malungkot na saad niya at tinangkang hawakan ang kamay ko. Mabilis na kinuha ko iyon galing sa lamesa.
"Sorry about what you see 4 days ago." boring na tinignan ko ito, gustong-gusto ko siyang sumbatan ngayon kaso napipigilan ko pa naman kaya huwag na lang. Magsasayang lang ako ng oras at tsaka para saan pa?
"You are ignoring me Breeze, I said I miss you." irritation is now evident in her voice kaya nasasaktan akong tumingin sa kaniya. Ayoko ng umiyak dahil nahihirapan na ako. Pasuko na ako at hindi ko alam kung anong mangyayari kapag sumuko na talaga ako.
"Please let's talk about it" napabuntong hininga ako tsaka ako nagsalita.
BINABASA MO ANG
TEASING HER |StudxProf▪️GxG|
RomanceAERO UNIVERSITY SERIES 1 T E A S I N G P L A Y I N G U N I N T E N T I O N A L F E E L I N G S "Teasing her makes me fall harder." -Aeryelle Maxine Montez - - - - - - - - - - - - * * * * * COPYRIGHT! ALL RIGHTS RESERVED. No part of this publica...