TEASING XXI

13.3K 472 468
                                    

QUIT

At last we arrived at EL MAXIRD VILLA. Dito pala
kami pupunta kaya nagbalik lahat ang mga alaala. Medyo nagulat pa ako pagdating namin dito. Napatanong pa ako sa sarili kung bakit parang familiar tapos dito pala, sa place na nareject ako for the first time. Pero kahit na ganon, pinipilit kong binubura ang mga ala-alang iyon kasi we're okay naman na. Siguro I will just focus to our present. Ako din kasi ang masasaktan kung babalikan ko pa ang nakaraan. Pero syempre aminin ko man o hindi, nakaramdam ako ng sakit cause look, nasa lugar kami kung saan pinaramdam ni Maxine sa akin na hinding-hindi ako nito mamahalin. Pero tama na nga sa sobrang pag-iisip, minsan talaga sarili rin natin ang nanakit sa atin. Tinitingnan ko ngayon si Zamara na busy sa pag-aayos ng gamit namin. Opo, siya ang kasama ko dito kasi kanina nakita kong sinama ni Miss Ruzell si Mitch. Hindi ko alam kung magkaroommate sila kasi ang alam ko sa bahay nila Maxine mag-e-stay ang mga faculties. Pero back to Zamara na tumingin sa akin ngayon kaya nginitian ko ito.

"Magpahinga ka muna kaya, you look tired." suhestiyon niya kaya napatingin ako bigla sa vanity mirror. Mukha nga talagang pagod ako o sadyang kinakain lang ako ng iniisip ko kanina pa?

"Alam mo bang nakapunta na ako dito?" gusto kong ikwento para naman mabawasan itong iniisip ko. Dahil sa sinabi ko ay nagtatakang napatingin ito sa akin.

"How? Kailan?" tanong niya na nagpabuntong hininga sa akin. Lumapit ito sa kama at umupo sa tabi ko.

"Diba alam mo iyong tungkol kay Miss Ynah tsaka Miss Montez?" tumango ito sa akin bilang sagot kaya nagpatuloy ako.
"Isinama ako ni Miss Montez dito." shock is written all over her face when she heard what I've said.

"Wait? May konting alam ako sa kanila dahil nakwento iyon ng isang kaibigan sa akin. Hindi ba dito mismo sila naghiwalay? At iyong bahay ni Miss Aery, magiging bahay dapat yata nila iyon." nagulat ako sa sinabi nito, kaya pala ganon na lang siya umasta noong andito kami. Planadong-planado na pala talaga lahat.

"Dito ako nagconfess, at dito rin ako mismong nireject ni Maxine." malungkot na hayag ko kaya naman hinawakan nito ang kamay ko.
"Dito rin sa lugar na ito na sinabi niyang hinding-hindi niya ako kailanman mamahalin." ang bigat sa pakiramdam pero hindi pa naman tumutulo ang luha ko. Minsan talaga nasasanay na ang sarili natin na laging pasakit ang nararamdaman.

"But now look at Miss Aery, napansin mo ba ang pagbabago niya? Look Breeze, you change her. Alam ko may nararamdaman na ito sayo. Konting-konti na lang, I swear one of this days magcoconfess na sayo yon." may part na hindi ako naniniwala pero nilalakasan ko ang aking loob na matutupad lahat ng sinabi ni Zamara.

"Baka naman gusto mo lang gumaan ang pakiramdam ko kaya sinasabi mo iyan?" tanong ko dito pero ang taas ng confidence nitong tumingin sa akin

"Hindi ah! I am just stating the fact. Pasalamatan mo ako kapag nangyari iyon." buo talaga ang loob nito na mangyayari iyon. Sana lang ay hindi ka madismaya kung hindi man ito mangyari Zamara.

"Hoping na totoo ang nafefeel mo." huminga ako ng malalim at tumingin dito. She smile at me na parang siguradong-sigurado na ito sa mangyayari.

"Trust me." tumango na lamang ako bilang sagot. Pinisil nito ang kamay ko tsaka siya bumalik sa inaayos nito.


Its already 1 pm nang papunta kami sa bahay nila Maxine dahil doon daw kami kakain lahat. Medyo alanganin akong pupunta kanina dahil sure akong andoon si Miss Ynah. Hindi ko din alam kung bakit, basta feeling ko may pumipigil. Pagkarating namin doon ay nakahanda na sa long table ang mga pagkain. Sinalubong kami ng yakap ni Miss Meg dahil 3 days din na hindi kami nagkita.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon