TEASING III

22K 624 295
                                    

IMMATURE

After what happen kanina pumunta na ako sa restaurant ng kuya ko para makalimot sa first day. Wala na din naman akong pasok tsaka busy din naman ang mga kaibigan kong sobrang sipag. Wala akong makausap ee edi parang tanga na ako doon sa school if ever diba? Pagdating ko doon they greeted me so I smile at them as a sign of greeting them back.

"Where is my brother?" tumingin ako sa cashier kaso hindi siya sumagot agad. Tila nagulat pa ito nang nagsalita ako. What is her problem? Mukha na ba akong hangin or sabog na ako at hindi na niya ako makilala?

"Hey? Miss! I am asking" I continued while raising my eye brow to her na biglang nagpataranta sakaniya. Psh! Hindi ako masungit pero ayoko sa tatanga-tanga, swear! 

"Ma--ma'am may p--pinuntahan po konti si Sir, kung gusto niyo po ma'am hintayin niyo po siya. Pabalik narin po iyon, j-just sit there nalang muna po" magalang pero nauutal na sabi niya. Napangiti na tuloy ako kasi Im not a strict kind of person pero iyon ang tingin nila sakin. Nahihiya tuloy siya nang makita niyang napangiti ako.

"Hey relax. Aminadong kumakain ako minsan ng karne but I don't eat flesh of a person. You know, I just bite. " natatawang sabi ko sakaniya na ikinapula nito dahil siguro sa bite thing. Grabe tong babaeng to! Hindi niya ba alam ang salitang joke? Jk? Biro?

"Ayy! Sorry po ma'am!" nahihiyang tugon pa nito na ikinailing ko nalang. Iba iniisip nito HAHAHA! Nagpipigil tuloy ako ng tawa ngayon sa harap niya! But instead of laughing, I just smile at her tsaka umupo na. They gave me juice kasi iyon lang ang gusto ko. I'm not in the mood to eat kasi hindi pa naman ako gutom. Inabala ko ang sarili na pagmasdan ang mga staff na aligaga sa pagseserve sa mga customers. 

After how many minutes, at last, my brother arrived. And take note from ear to ear ang ngiti niya, nababaliw na ata kapatid ko. Ano kayang nangyayari dito? Napansin niya ako agad kasi nakatingin lang ako sakaniya. He doesn't look surprised kasi sanay na itong dito ang tambayan ko.

"Hey baby. How's your day?" he kisses my forehead and sit on the chair infront of me. I just stare at him at inexamine siya, may iba kasi ee nasesense ko. I look at him intently kasi I know something really happen. Instead of answering, I ask him.

"You? how's your day kuya? You look so happy! May date ka kanina? Whose that lucky girl?" I asked without answering his question. Inlove yata ang kuya ko kasi medyo namula ito. I knew it! I told yah, sometimes I really trust my instinct.

"Well! It's so amazing! I think she's the one. Ipapakilala ko siya soon sainyo baby" nagsalita ito na hindi man lang matanggal-tanggal ang mga ngiti nito sa labi. Inlove talagaaa! kakilig! Sana lahat nakahanap na ng the one.

"Good for you kuya! Geez, I am excited to meet her! Ano kuya, is she kind and beautiful like me? Kayo na ba? Kailan mo siya ipupunta sa bahay?" excited na sunod-sunod kong tanong kay kuya. Duh? After 25 years, this is the first time!

"Hey baby! Rephrase the kind kasi wala ka non and yah, she's indeed beautiful. About sa status naman almost, we are getting there at malapit ko na siya ipunta sa bahay. " kinikilig pa ang loko with reminisce effect pa kasi parang iniimagine niya ako mukha ng babae. Nakakagalak lang kasi magiging masaya na si kuya. Pero hindi ako natuwa sa hindi daw ako kind, meron kaya ako non ampk! I rolled my eyes at him.

"Whatever you say kuya!" sagot ko nalang, alam ko namang aasarin lang ako niyan kapag pinatulan ko pa. Mapang-asar pa naman ampk! After namin mag-usap I bid a goodbye to him.

Nagpaalam na ako after the chitchat kasi may naalala akong bibilhin sa mall. Its already 5:30 pm kasi ang daldal ni kuya, ganon pala kapag inlove na inlove ka at alam mong siya na ang the one. Ang tagal ko dina pala doon sa restaurant nang dahil kay kuya. Pagkating na pagkating ko palang sa mall, I walk straightly to school supplies. Bibili ako pens and sketch books para sa calligraphy ko, kasi naman naubos ko lahat kagabi. Abala ako sa pagpili ng bibilhin ko nang bigla akong may nabangga. Tanginis, ang clumsy mo self!

"Oh shit! I'm sorry miss" natatarantang pinupulot ko ang gamit na nahulog niya. Nakakahiyaaaa ka self! Ang clumsy-clumsy ko talaga as ever! Two times na ako nabangga ang kaibahan lang ay iyong una is binangga ako. But as I look up, my gazes turn to her na nagpalunok sa akin. I saw her again, her angelic face yet demonic attitude. I don't know what I am going to do basta ang alam ko lang ay iiwan ko na iyong mga napili ko nang bilhin at tatakbo na palabas. Akmang tatalikod na sana ako when she holds my wrist. Yet I do my best to run away from her but I was shocked and I suddenly stop when she starts saying something.

"Baby? Where are you going? May kasalanan ka pa sakin tapos you will just run away again. Hindi mo man lang ako susuyuin? Ako nalang ba lagi ang susuyo?" napapikit ako nang marinig ang sinambit niyang ikainis ko. Ang galing ng babaeng to! Umaarte pa talaga siya, sige pwede na siya mag-artista para lumayas na siya University tsk! I face and look at her na hindi makapaniwala sa ginagawa niya. Wala sa sariling napairap ako sakaniya na ikinabigla nito. Tinignan ko ang mga taong andito sa may malapit sa pwesto namin na nakatingin na ngayon lahat sa amin. Anong naisipan niya at ganito pa talaga ang sinabi nito sa akin? It's so embarrassing!

"Halah kawawa naman iyong magandang babae"
"May away yata sila"
"Iiyak na yung isa ohh"

Gosh! Great maam! So great! Mas lalo pa akong kinapitan ng hiya sa mga narinig. I want to cover my face using my palms because of embarrassment. Instead of doing that, tinignan ko ito ng masama na hindi man lang niya ikinatinag. Wala sa sariling hinatak ko siya hanggang sa parte na medyo wala ng tao.

"What is your problem ma'am!? You are acting like a immature one! You know what? It's so embarrassing! Hiyang-hiya ako doon dahil sa pinagsasabi mo! I know that you're my professor but please sa school lang naman sana ang problema!" naiinis na litanya ko kay maam na wala man lang kaemo-emosyon ang mukha. I am doing my best holding my temper cause I still respect her. She's still my teacher and a teacher should be respected.

"Are you done? Is it my fault that you are too clumsy to bump me AGAIN? Miss? Fyi ha? Hindi tayo hahantong sa acting ko kanina if you say sorry rather than turning your back and running away!" walang karea-reaksyon ang mukha niya habang sinasabi niya iyon. Nakakatakot ang pinapakita niya pero pilit kong nilabanan ang mga tingin niya. Sinimulan mo na ito Breeze at ikaw rin dapat ang magtapos. Kaya mo yan self!

"Yun lang pala ang gusto mo po MA'AM. Edi SORRY PO for bumping you awhile ago. Sana next time hindi na magkrus pa ang landas nating dalawa. Happy MA'AM? Okay na po akong umalis?" napipilitang sambit ko para matapos na rin. Ayokong may galit sa akin at may kaaway lalong-lalo na kapag professor ko. Maling-mali!  Akmang aalis na sana ako ngunit bigla niya akong hinigit ng mas malakas at sinandig sa shelves dahilan para magkaface to face kami. She looks at me straightly in the eye na parang nagpahina sa akin. Ang weird lang but she have a power to do that. Once again, I saw her beautiful eyes, pababa sa ilong hanggang sa labi na ikinalunok ko. Bakit ganoon? Mas gumaganda siya sa malapitan? Wala sa sariling napakagat ako sa ibabang labi dahil parang nahihipnotismo ako sa malapitang presensya niya. May nagtutulak din na dapat na iki--Whattt?! What is happening to me? I'm straight as a pole for pete's sake! Bago pa ako mawala sa katinuan I push her reason para magkalayo kami.

"Why did you push me?! Kapag ako nabalian ipapadampot kita sa pulis" mas naiinis na itong nakatingin ngayon sa akin na bahagyang hinimas ang shoulder nito. Nasaktan ko yata talaga siya. Magsosorry na sana ako kaso iba ang lumabas sa bibig ko.

"Excuse me, ma'am? I already said sorry and if you dont want to accept it then fine! Hindi po kita pinipilit na tanggapin iyon. Basta ang alam ko ay nagsorry na ako at wala na akong kasalanan pa sainyo. Kung mamarapatin niyo PO aalis na PO ako" nagpipigil inis na sabi ko sabay non ang paglakad ko. Pero napatigil ako nang may sinabi siyang rinig na rinig ko.

"You know what some people aiming for forgiveness because they do something wrong. But for you, it's just nothing if they will forgive you or not. Saying sincere sorry for sincere forgiveness" pagkasabi niya non ay umalis na siya agad at ako? naiwang nakatayo habang pinapanood ang pag-alis niya.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon