TEASING L

25.3K 493 113
                                    

TAILPIECE

"The first time I met you is the day you bump me. I still remember what you're doing before that incident. You're busy on your phone, nakakunot-noo ka pa nga that time cause I think you're annoyed to someone else who texted you. That day too, I feel irritated kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Hindi ako tumagilid cause duh? This is my way so you should be the one who'll adjust. Pero tama lang pala na dumiretso ako kasi because of it, US started. Andaming struggle na nangyari right hon? Trials made us broke apart yet fate do its job to put us together. And now, this is the day were you and me become one. This is the day were I am able to tell everyone that this woman beside me is mine. So, this is the ring that symbolize my unconditional love for you, Mahal na mahal kita ng sobra" pagkatapos ng message niya sa akin na hindi ko alam kung maiinis o sasaya ba ako ay diniclare na ng priest na kaming dalawa ay mag-asawa na.

"By His powerful Name and to all the witnesses! I declare you as Wife and Wife. Let us all welcome, Mrs. Aeryelle Maxine Villin and Mrs. Zaira Breeze Elliane Villin! You may now share your kisses to each other!"

"You're smiling again hon, reminiscing my message to you? I know you love me that much Misis ko so don't be obvious naman." napaikot ako ng mata dahil sa narinig. Napakayabang niya talaga, hindi na nababawasan. Kung hindi ko lang mahal to, talagang ihuhulog ko to sa bangin! Dejoke lang hehe.

"Bakit porket nakangiti iyon na agad iniisip ko? Napakayabang mo na." tinignan ko siya ng masama pero ang propesora niyo ganoon din ang ginawa. Tumayo ako at akmang aalis na sana nang mabilis na hinawakan niya ang aking bewang saka hinatak palapit sa katawan nito. Tumingin ako sa paligid dahil hindi pa rin ako sanay na may nakakakita sa aming ganito.

"It's my vacant hon, I wanna go to the cafeteria to eat you, I mean eat with you" nahampas ko siya sa braso dahil sa sinabi nito. Ito rin, she turn into a pervy one since we got married. Kung may makarinig na tao sa kaniya sabihin pang masyadong vulgar ang bunganga nitong Professor na ito.

"Your mouth Maxine ha! Saka hindi kita masasamahan, look busy pa kami dito. Dapat ng matapos yang pagpaint kasi cu-cutting  the ribbon na nito next week. And Amber's order that we should finish it today" alam kong magtatampo siya kaso wala e, may work ako. Bilin ni Amber na tapusin namin ngayong araw kasi end na rin ng kontrata ngayon. And speaking to the devil, palapit sila sa pwesto namin habang nakangiti. Sila, kasi kasama niya si Jeane, nakahanap siya ng heart donor dahil sa tulong rin ni Amber. Akala ko nga dati walang something sakanila then in just a blink, sila na pala. Laking pasasalamat ko rin na nagkabati kami ni Amber, natanggap niya rin ang lahat. Si tita ganoon rin, nadismaya raw siya pero naging totoo lang naman ako sa sarili so okay naman na lahat ngayon.

"Hello Professor!" bati ni Je kaya tumingin si Maxine sa likod niya. Kinayawan niya ang dalawa na binigyan din ng ngiti ng magkasintahan.

Nang makalapit sila sa pwesto namin ay nagbeso kami sa isa't isa. Napakagaan sa dibdib na ayos na kami. Sana tuloy-tuloy na yung friendship na nabuo between the three of them.

"Kaleiah can I borrow her? We will go to the cafeteria lang? Please?" palihim na inilingan ko si Amber para hindi siya pumayag. Hindi sa ayoko ko sumama pero iniisip ko yung tatapusin namin ngayong araw. Simula noong kinasal kasi kami natigil itong building na ito. Naging busy rin kasi kami dahil nag-out of town kaming mag-asawa. After 6 years nga bumalik kami sa Pilipinas kasama ang baby boy namin. Oo, tama kayo ng nabasa, after three years biniyayaan kami ng isang anghel. Pero back to topic, after namin bumalik, back to teaching si Maxine at ako balik sa pagiging architect. Itinuloy namin itong building at ngayong araw nga ang end ng extended contract. Nakakahiya rin sa father-in-law ko kung hindi namin matapos ngayon.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon