TEASING XLVII

10.5K 287 138
                                    

EXCRUCIATE

Nasa kwarto ako ngayon. At wala si Maxine rito, I think I am too much to handle na. Iyon na e, I am about to speak and utter all I wanna say pero bakit naman ganito? Fate naman, gumawa ka naman ng paraan para masabi ko na. Ilang ulit din akong nag-attempt na sabihin kanina kay Amber pero sa tuwing may chace na ako, iyon naman ang time na may tatawag sa kaniya o hindi kaya kakausapin siya ng mommy niya. Nagpaiwan pa nga ako kanina para magkausap kami kaso may emergency call sa firm. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang makaalis ito. Tapos noong kakausapin ko si Maxine, umappear nanaman si Tita. Napakamalas ko ngayong araw.

Puntahan ko kaya si Maxine ngayong gabi? Para makapag-usap kami? Pero paano kung hindi niya ako pansinin? Kasalanan ko naman kasi. Ang hirap ng ganitong sitwasyon.

I decided to change my pajamas to an oversize shirt and short-shorts. Kelangan naming mag-usap ni Maxine kasi kapag pinaabot pa namin ito ng umaga mas magkakaalitan kami. Tatawagan ko na rin si Amber this night para matapos na. I think hindi naman na siya busy. I hope so.

Nang makapagpalit ay bumaba na ako. Pababa na ako ng makita ko sila ate at kuya sa sala na nanunood. Paano kapag nagtanong sila? Mag-aalibi na lang ako, sana lang at kumagat sila. Tuloy-tuloy lang akong naglakad hanggang sa nakarating ako sa sala.

"Gabi na ah, where are you going?" tanong ni kuya ng makita niya ako kaya binigyan ko siya ng isang alanganing ngiti. Sa mga tingin nito ay nag-iimbestiga na siya.

"Come and sit first, tell us what's bothering you." wika ni ate Liza kaya wala akong choice kundi ang umupo. Nang makaupo ako ay umayos din sila ng upo. Alam kong naghihintay na sila kaya nagsimula na akong magkwento. Simula sa dinner namin sa bahay nila Maxine, sa pagpapakilala ko kay Maxine as my childhood friend, sa Mama ni Amber at sa pagsusubok na aminin ang sa amin ni Maxine hanggang sa nangyare kanina.

Nang matapos ako ay nakatingin silang mataman sa akin. Napayuko ako dahil doon.

"I think you should tell Amber na, kasi alam natin na nasasaktan na si Aery. Tawagan mo yang si Amber na boss mo at ako ang kakausap sa kaniya." umiling-iling ako dahil ayokong malaman ni Amber sa iba ang sa amin ni Maxine. This is our issue so I am the one who's responsible to tell to her, not the other people.

"E-cacall ko siya mamaya sa penthouse ni Maxine. I will talk to her ng maayos para hindi kami magkasakitan. But geez, I know I will hurt Amber and I am ready to face the consequence."

"Then do it Bree, magkakasakitan kayo ni Aery kapag nagpatuloy pa yan." nagnod na lang ako saka nagpaalam na sa kanila.




I tap the bell multiple times kasi kanina pa ako rito sa labas  ng penthouse niya. Hindi pa kasi ako nakakuha ng card sa kaniya para makapasok na ako agad kahit anong oras. Napagdesisyunan kong umupo sa lapag at hinintay siya. Hindi ko naman kasi alam kung nandiyan ba siya sa loob o saan man siya pumunta. It's getting late pero wala pa rin ito, saan ba siya sa ganitong oras? Dahil sa pagod ako, pinatong ko ang aking ulo sa tuhod dahil nakakaramdam na ako ng antok. But when I close my eyes, tears are starting to fall. Pain.

Nagising ako when I feel someone's presence. Nag-angat ako tingin rason para makita ko ang aking pinakamamahal. Umusbong ang saya sa puso ng makita ko siya but her looks makes my heart break. She is looking at me full of antipathy. I want to cry in front of her. Well, I deserve it. It's all my fault!

"I am-"

"What are you doing here? You shouldn't be here." pinutol niya ang anumang sasabihin ko. Parang gusto kong takpan ang tenga ko when I heard her voice. I am not affected to what she said yet I am more affected to the tone she is giving me.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon