TEASING XXXI

12.3K 402 184
                                    

COMPULSION

PG-13 ALERT !!!!!
*This content may not be appropriate for children under 13(pre-teen ages). This may include stronger language, extended violence or sexual situations and drug-use. Read at your own risk*


Nasa penthouse niya kami ngayon kasi ipagluluto daw ako nito ng dinner dahil hindi naman kami pwedeng lumabas. It's Friday night kaya medyo pachill kami at ineenjoy namin ang moment together. Kasalukuyang nasa living room ako ngayon and her? Pumunta siya konti sa kwarto niya para magshower. Nabobored ako kaya ako'y tatayo na sana para e-switch ang tv when my phone ring. Nagtataka man ngunit sinagot ko ito. Wala naman akong maalala na lakad namin ngayong gabi.

Nathaniel calling....

"Hey!" aking sagot ngunit ingay ng kabilang linya ang aking narinig. Nasa bar ba siya ngayon?

"Zaira?" boses ng babae ang aking narinig kaya nagtatakang napatingin ako sa phone. Who the heck dare to touch Luke's phone? Hindi nga niya mapahawak sa amin.
"Help Zai! Its Yrah, Luke is so drunk, can you come? We are at the Zbar" natatarantang sagot nito sa kabilang linya kaya ako'y biglang nabahala. Bakit siya naglasing? Hindi ba nila kasama si Mitch? Bakit hindi man lang nila ako sinabihan?

"Papunta na ako." agad na akong lumabas sa penthouse ni Maxine. Itetext ko na lang siya mamaya na babalik din ako agad. Ano ba naman kasi yan, bakit kasi nagpakalasing nanaman ang lalaking iyon. Ganoon na ba ako ka-irresponsible na kaibigan para hindi makamusta ang kalagayan nito?

Nang makarating ako'y pumasok na ako agad sa loob ng bar. Hinanap ko kung nasaan sila ngunit nadismaya ako kasi hindi naman talaga lasing si Luke. Natatawa pa nga silang nakatingin sa pwesto ko. Alam ba nilang may iniwan akong dinner at mas inuna ko pa sila?

"Anong trip niyo ha?" inis na turan ko pagkalapit sa kanila. Natatawa silang nakatingin sa akin na mas lalo kong ikainis.

"Chill! Miss ka na namin Bree" inakbayan ako ni Luke saka pinaupo sa couch. Napaikot ako ng mata dahil pwede naman sa ibang araw kasi, ba't ngayon pa?

"Kaya nga! Hayaan mo naman kaming masolo ka. Puro ka Maam" pinandilatan ko si Mitch dahil sa sinabi nito. Baka marinig ni Yrah e!

"I already know." hindi ko alam kung ako lang but I hear bitterness in her voice. Kaya naman napatingin ako sa gawi ni Yrah na kamukhang-kamukha talaga ni Miss Ynah na peking nakangiti? What's on her?

"Inuman naaaaa!" napabaling ang tingin ko kay Mitch dahil sa pagsigaw nito. Nagsalin na sila ng alak ngunit hindi ako uminom. Hindi ako pwedeng uminom ngayon kasi may dinner pa kami ni Maxine.

"Oh ito sayo" binigyan ako ni Mitch ng baso na may alak na agad kong tinanggihan.

"May dinner pa kami." aking sambit kaya naman mukhang nagtampo na ito. Napabuntong-hininga ako kasi naman, hindi pwede ngayon.

"Pagbigyan mo naman kami. Ito inumin mo" binigyan ako ni Ynah ng isang basong hard drink kaya agad ko ulet iyon inilingan.
"Okay I just order you a drink" pagpapatuloy nito kaya naman wala na akong choice pa. Pagdating ng light drink na para sa akin ay sinabayan ko na sila para naman hindi na sila magtampo pa.

It's already 9:30 when I decided to go in the comfort room. I will go home after this, magagalit na si Max sa akin swear. After ko gumamit ng comfort room ay bumalik na ako sa pwesto namin kanina upang magpaalam.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon