TEASING XIV

14K 452 142
                                    

Lip Tint

It's been a month now when she rejected me. After niya ako iwan hindi na ako nagbalik sa bahay nito. Hindi na ako nagpakita pa sakaniya dahil ano pang silbi non diba? That day tinawagan ko si Mitch at Luke para magpasundo kaya alam na nila ang nangyari. Galit na galit ang mga ito sa pagpapaiyak nito sa akin kaso sinabi ko sakanila na walang kasalanan si Maam. Tama naman ako diba? Ako itong nahulog sakaniya na dapat sana'y pinigilan ko una palang. Sa loob ng isang buwan puro iwas ang ginawa ko pero minsan talaga ang tadhana na yata ang gumagawa ng paraan para magkasama kami.

Nandito kami ngayon sa hall kasi may big event  na mangyayari, its a competition of Universities na dito sa University magaganap. They choose 10 student from every department so bali 60 students kasi 6 courses ang hawak ng AU. Sa 60 students na iyon ay hahatiin sa 6 which is 25 participants for dancing, 4 for math quiz bee, 5 for battle of the bands at 4 for painting. The two remaining contest is the main contest which is theater play consists of 20 participants and 2 for tagisan ng talino kaya kabado kaming lahat dahil baka isa kami sa mapipili pero kung papipiliin man ako sa play nalang. Tsaka I think, hindi naman sigurado pero sa play ako isasali dahil nandito si Miss Ruzell na naging mentor ko noong freshmen ako kaya alam nilang sumali na ako dati, kumbaga may experience na ako sa contest na iyon. Wala na din naman akong choice na iba kasi nakapili na sila sa kung sino ang mga participant sa dancing, band, math quiz bee at sa painting. Kaya nga ngayon ay naghihintay kami dahil nagmemeeting ang mga professors.

After how many minutes na paghihintay ay sinimulan nang tawagin ni sir Marj ang mga kasali sa play.

"So finally, we already choose what we think is deserving to be part of the play. The first two names will be act as Romeo and Juliet. Pasensya na kung sino ang dalawang iyon, actually may nabuo pang arguments dahil sa isasali sa tagisan at dito sa play. Ang masasabi ko nalang ay goodluck sa inyo. So Luke Nataniel Vargas and Mitchell Flores as Romeo and Juliet." nagbaling ako sa dalawang kaibigan ko na hindi na ngayon maipinta ang mukha. Nagdiwang ako kasi parang matutuloy yata iyong sinasabi kong e-shiship ko silang dalawa.

"Sir bakit naman kami? I think mas magaling pa iyong iba sa amin." parang batang complain ni Luke na tinawanan lang ng mga professor t ka-department namin except sa tatlo na parang wala lang sa kanila ang reklamo ni Luke. Ang sinasabi kong tatlo ay ang tatlong kilalang terror sa University, its Miss Ruzell, Mrs Reinne at si ano, si Miss Montez. Pero kung e-rarate daw silang tatlo sa pagiging terror, si Mrs. Reinne daw ang una, sunod si Miss Ruzell tapos huli si Miss Montez at ayon iyon kay Mitch kasi subject teacher niya ang mga ito.

"Actually Mr. Vice Governor ikaw na talaga ang Romeo una pa lang kasi may experience kana. And to Miss Treasurer, may nakikita kaming potential sa acting skills mo. It should be Zaira who'll act as Juliet but they choose her as one of the contestant in tagisan ng talino." pagkarinig non ay napanganga at dahan-dahang itinuro ko ang sarili. Seryoso? Bakit? Ayoko donnnn! Napasimagot ako ng tawanan ako ng mga ka-department ko.

"Halaaa! Bat isa ako doon Sir! Swap nalang kami ni Mitch, ayoko po sa tagisan ng talino! Hindi ako magaling ampk!" nakabusangot na turan ko na mas ikinatawa ng dalawang kaibigan ko.

"Wala na kayong libre balakayo dyan!" nagtatampong sabi ko pero ang dalawa inakbayan lang ako. Ano ba naman kasi yan!

"Wala ka nang magagawa doon Zaira, tsaka may kasama ka naman. Si Miss President so don't worry." hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot dahil parang nang-aasar pang nakatingin si Sir Marj sa akin. Hindi na ako nag-atubling magsalita at magreklamo pa dahil wala na talaga akong magagawa. Tinuloy na nito ang pagtawag sa mga pangalan ng kasali hanggang sa matapos ito. Pagkatapos non ay pinagsasama-sama na ng mga professor ang bawat group.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon