TEASING XVI

13K 469 418
                                    

SET ABOUT

It's already 8:10 pm when I go home from work. Natagalan ako kasi nandoon si Zamara, hindi ko naman siya maiwan kasi magtatampo ulit iyon. Kanina kasi ay nagtampo ito dahil hindi ko siya sinipot sa gate dahil sa nangyari. Kaya ayon bumawi ako ngayon sa kaniya. Ngayon ay kasalukuyang lakad takbo ang aking ginagawa papunta sa elevator. Remember pupunta ako sa penthouse ni Miss Montez? And speaking of her, napangiti ako nang maalala ang nangyari kanina. Hindi ko mawari but she really made my heart happy in just a simple gesture. Naputol ang aking iniisip when the elevator opened. Paglabas ko ay nakita ko ang isang napakagandang penthouse sa buong buhay ko, ano pa bang aasahan natin diba? She's a great architect, maybe she's the one who planned her penthouse. It was made of opaque glass because you can't see anything inside. I decided to tap the bell for two times until the door opened, her door is high-tech too. Naaamaze na ako sa mga nakikita ko pero wala pa ring makakatalo sa kagandahang taglay ng aking guro. She is just wearing a simple night outfit that makes her really hot. What a undeniably beauty.

"Sorry I am late Miss." napayuko ako dahil nakataas na ang kilay nito. Umaattitude nanaman siya, kanina lang ampk!

"You're late kasi? Lumandi ka pa?" shocked is written all over my face. Two times na pinaratangan niya ako ngayong araw na ito. Kung move on na sana ito kay Miss Ynah pagkakamalan kong nagseselos siya.

"Hindi po Miss Montez." ngunit hindi na ako sinagot nito dahil pumasok na siya kaya naman ako'y sumunod na sa kaniya. The time I step inside ay mas lalo akong namangha, glass wall din sa back side pero this time makikita mo na ang gusto mong makita. Her furniture really fit into it's places, the chandelier, the sofas and the design of all part is really perfect. I must say that she is really great at all aspects.

"Miss if you don't mind, you're the one who planned your penthouse? It was.. wow!" hindi ko mapigilang magtanong habang nag-iikot pa rin ang aking paningin sa loob. Nakakamangha kasi.

"Yes but Ynah help me to come up with a plan like this." nakaramdaman ako kirot dahil sa narinig, I smile bitterly because of what she said. They really have a great relationship back then.

"Uhm can I start my exam now? Magrereview pa kasi ako sa ibang subject Miss." tinatagan ko ang loob ko dahil kung ipapakita ko sa kaniya ang kahinaan ko, ako rin ang kawawa sa huli. Pumunta ito sa sofa at umupo doon kaya sumunod ako sa kaniya.

"This, I'll give you one hour and 30 minutes to answer that." pagkabigay nito sa akin ay nagsimula na akong magsagot. Yung iba madali lang but some of it really make me confuse. Pero aminado naman ako na marami akong makukuha. Nagreview kaya ako ng ilang oras para dito sa subject niya.

Makalipas ang one hour ay tapos na ako, tapos ko na rin itong idouble check kaya siguradong ipapasa ko na iyon sa kaniya. Iniabot ko ang test paper dito ngunit hindi nito kinuha. Napakunot ako ng noo dahil nakataas nanaman ang kilay nito sa akin. Ano ba ginawa kong mali?

"Are sure about your answers? Double check it." utos nito kaya inulit ko ito para sa ikakarelief niya. Umabot ng 10 minutes bago ko inilapag ang exam sa table na nasa gitna.

"Done Miss." sabi ko dito sabay ng pagtayo at magsisimula na sanang maglakad ng magsalita siya.

"Breeze, wanna talk to you about something." napaharap ako dito at hindi na nag-atubling umupo ulit.

"Umupo ka, you stubborn." napairap ako sa sinabi niya kaya ngayon ay nakakatanggap na ako ng nakakamatay na tingin. Napalunok ako dahil bakit ganoon? Hindi ako natakot dahil mas naakit pa ako. May mali na yata talaga sa akin.

Umupo na ako sa pwesto ko kanina at hinintay siyang magsalita. Nakatungo ang aking ulo sa oras na tumingin ito sa akin. Hindi ko pa rin kayang salubungin ang tingin nito. Anytime kasi baka anong magawa ko na ikakasira ng imahe ko sa kaniya.

"Look at me, I am here not on the floor." istriktong sambit nito kaya napabuntong hininga ako at tumingin sa kaniya. Hinintay ko ang sasabihin nito sa akin, nang magsasalita na sana ito ay bigla na lang may nagring na phone na hindi ko alam kung kanino. Kunot-noong napatingin ako sa kaniya dahil ang sama nanaman ng tingin nito sa akin. Ngunit mabilis na napagtanto ko na ako pala ang may-ari ng phone na iyon. Dali-daling kinuha ko ito at sinagot, its Zamara.

"Breeze?" kinabahan ako dahil sa tono ng boses nito. Nakaramdam ako bigla ng pag-aalala.

"Hey Zamara what happen?" tanong ko dito pero hikbi lang ang sinagot nito sa akin.
"Babe, why are you crying?" mas nag-alala pa ako dito, ano bang nangyari sa kaniya.

"B-breeze can I sleep at your condo? Gabi na kasi at wala akong m-matutuluyan. S-something happen" humihikbi ito habang sinasabi niya iyon. Paano na? Mag-uusap pa kami ni Ma'am.

"Nandito pa ako kay Miss Aery but you can go inside, i'll just text you the code, na sa akin kasi iyong card key ko. I will talk to you pagkauwi okay?" narinig ko ang paghikbi nito ulit, give me 10 minutes Zamara, uuwi na ako.

"Okay, I'll wait you ha? Thankyou, Iloveyou." she is really sweet kahit na umiiyak na ito. I consider her now as my sister/best friend.

"Yes po, loveyou too." after non ay pinatay ko na ang tawag. Tumingin ako sa propesor na hindi na maipinta ang mukha ngayon. Ang laki talaga ng problema nito sa akin.

"Are you two dating?" nagtataka man pero nagets ko din agad. Napagkamalan pa kami na nagdadate ni Zamara. Ano naman sa kaniya diba?

"Yeah" pagsisinungaling ko, nakita ko ang paglungkot ng mata nito na nagpawala sa puso ko. Here we go again, she's giving me false hope. Mabilis na tinahak nito ang pwesto ko tsaka siya umupo sa aking tabi.

"No! You can't date her! Diba ako ang mahal mo?" hinawakan nito ang kamay ko na nagbigay nanaman ng libo-libong boltahe sa aking katawan.

"But you said, magmove on na ako." pagsakay ko dito, potek gusto kong magdiwang dahil sa kinikilig ako sa pinapakita niya.

"No! I told you earlier that stop moving on! You love me right? Not Zamara and not Aiven." pinigilan ko ang ngumiti at pinilit na nagseryoso dahil kung ipapakita ko na apektado ako sa ginagawa niya ay tiyak na tataas ang confidence nito.

"But you love someone else Miss, you can't love me back. Paano naman ako?" nakaramdam ako ng sakit dahil din sa nagmula sa bunganga ko. Bakit kasi ganito ang pinapakita niya? Alam ba niyang umaasa ako?

"Yes but I don't want to lose you. Ilang buwan pa lang na lumayo ka pero dalawang tao na ang pumalit. Ayaw ko na may ibang taong magmamay-ari sa puso mo. Dapat ako lang." seyosong sabi nito, natunaw nanaman ako sa mga pinagsasalita niya. How can I resist this woman?
"I am not yet sure about my feelings for you but I want to be with you until I will figure it out. Ako pa naman diba?" should I take the risk? Pero walang kasiguraduhan na mamahalin niya ako, but she said she will figure it out her feelings. Naguguluhan ako kasi once na pumayag ako sakit ang kapalit non. Handa ba akong masaktan? Subalit ito na ang pagkakataon na makasama at iparamdam sa kaniya na mahal ko ito. Kung darating man ang araw na marealize niya na hindi pa rin ako then at least I let her feel love. And when the time comes that she will choose her over me then I will confidently say that its her lost not mine.

"ako pa rin diba? Breeze?" tumingin ako dito ng mataman, I will take the risk for you no matter what.


"My feelings for you will never fade. Its always you and only you."

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon