GIRL CRUSH
It's been a month when the drama with my professor happened, simula non nagbago na lahat. Pagkarating ko kasi ng bahay that day ay naabutan ko sila Mom. Nakauwi na ang mga ito at hindi ko inexpect na marami silang pasalubong sa akin. Hindi ako nagpaapekto syempre, hindi nila ako madadala sa paganon nila noh! Simula din noon hanggang ngayon naging mas maasikaso na sila sa akin. Binibigyan nila ako ng mga gifts na hindi ko tinatanggap kaso dumadating sa kwarto ko. Nagdaday off narin sila tsaka si Mom minsan nalang siya pumasok sa company. Masasabi kong natutugunan na nila ang emptiness sa puso ko dahil sa isang buwan na ganoon sila. Tama nga yata iyong sinasabi nila na hindi tatagal ang galit mo lalo na sa pamilya mo. Pero ako ito e, syempre magmamatigas muna ako at minsan pinapakita ko talaga sakanila. Hindi ko sila pinapansin lalo na kapag may binigay sila. And to Miss Aery, ayon pinanindigan parin niya yung laro niya sa kabila nang pagkwento ko sakaniya ng problema ko, ibang klase talaga siya. She always teases me but of course, hindi ako magpapatalo and I go with the flow, ako pa! But sometimes she's too annoying and I hate her for that, kakaembyerna kaya ng ugali niya. Lagi niya akong inaasar at ako naman si pikon, naiinis ako agad. Pero the real shot is, we became close friends when I told my problem to her. Sa loob ng school professor ko siya while sa labas kaibigan ko siya but still I respect her even though masama ang ugali niya. Pero sa aminin ko man o hindi, I enjoy her accompany, I enjoy the way she teases me, I enjoy when she holds me, I enjoy a lot about her. And I think I have a huge crush on her, she is my first ever girl crush na propesor. Straight pa naman ako kahit na ganoon diba? Kasi hinahangaan ko lang naman siya even though ang mga pinapakita nito saakin ay ang bad side niya. Nakakapagtaka rin kung bakit ko siya naging crush e, pero iyon na nga may mga bagay na nakakahanga talaga sakaniya. Pero syempre hanggang paghanga lang kasi I never imagine myself falling inlove with someone else right now lalo na sa babae. Hindi pa naman ako nahihibang para mahulog sa isang babae noh. Tsaka straight din si Maam, I think mapang-asar lang siya kaya ganoon ang ginagawa nito. Nanghahalik bigla tapos iinisin ako pagkatapos, oo adik siya sa akin este sa pang-iinis. Maybe nasa forte na nito ang manghalik at mang-asar ng babae na labis kong ipinagtataka. Pero hinahayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin basta sumaya siya. Pero tama na nga self sa kakaiisip sa kaniya! Nagmumukha akong baliw na baliw sa taong iyon kahit hindi naman. (Weh? Crush na crush mo kaya siya) ito nanaman ang mahaderang isip ko sumulpot nanaman. At oo aminado akong I have a huge crush on her but it doesn't mean that I am crazy for her.
* * *
After last class pumunta kami sa malapit na coffee shop. Napagdesisyunan namin na dito kami tumambay kasi may balak akong magpasa ng resume dito. I am planning to work here kasi gusto ko ng extra income, ayokong umasa sa pera ng parents ko tsaka kukuha narin ng apartment malapit dito sa university para hindi hassle kapag nagkawork na ako, oh diba? ang advance ko mag-isip!"Bree hindi ba balak mong lumayas na sa bahay niyo?" tanong ni Mitch na nakaagaw ng atensyon ng iba, medyo malakas kasi ang pagkakasabi nito. Tinignan ko ito ng masama and she realize what she said. She looks down because of embarrassment, ang likas na mahiyaing kaibigan ko. Napangiti nalang ako kasi hindi na ito nag-angat ng tingin pa at namumula na sa hiya.
"Nakapagdesisyon na ako pero syempre sasabihin ko parin sakanila kahit na we are not in good terms" tugon ko sa tanong nito na ikinatango niya nalang, nahihiya parin kasi ito.
"We will support whatever your decision is, just in case na kailangan mo ng help andito kami ni Mitchy." sweet na saad ni Luke na ikinangiti ko. Ang sweet nito ee, naaalala ko iyong issue noong nahimatay ako. Pinagtanggol niya ako sa mga fans club ni Aiven dahil sa pangbabasted ko daw dito, remember him? iyong nagbigay ng milk tea sa akin? Isa pala siyang varsity player dito sa school, soccer ang sport nito kaya very familiar siya at isang Student University Officer bilang representative ng 4th year. Ang kaso lang hindi siya iyong tipo ng taong mayabang kaya maraming nagkakagusto sakaniya pero syempre hindi ko isa doon. Dahil nga sa nangyari that day, nahalata kong umiiwas na siya sa akin siguro dahil alam na niyang wala siyang pag-asa. Kaya ayon, ang layo ng napuntahan ng kwento ko. Ang akin lang ay ang swerte ng babaeng magiging girlfriend ni Luke kasi gentleman man ito at apakasweet.
"Ahem, gumagalaw na siya" patay malisyang sabi ni Mitch pero ano daw? Pinagsasabi nito? Kanina lang hiyang-hiya ngayon wala ng hiya.
"Nababaliw ka nanaman Mitch! Umayos ka kung hindi bibigwasan kita" Tumingin si Luke kay Mitch bago nagsalita, nagtataka naman akong tumingin sa dalawa. Anong pinagsasabi ng dalawang to?
"What? Hindi ko maintindihan pinagsasabi niyo" naguguluhang sabi ko bago nagkatinginan silang dalawa tapos ngingiti-ngiti pa. Mga buang!
Nagtataka siguro kayo kung bakit nakatambay kami dito sa coffee shop. Wala kasing guro dahil may meeting sila. Mas okay narin para hindi ko makita ang magandang mukha niya at syempre ang pilyang mga mata niya. I really have a crush on her talaga! Hayss iniisip ko nanaman siya tsk tsk! Napagdesisyunan ko nang tumayo upang pumunta sa counter para magtanong kung naghahire pa sila ng tauhan.
"Nakita ko po iyong fliers niyo, hiring pa po ba kayo? Okay lang po bang umapply ngayon?" magalang na tanong ko sa taong nasa counter kasi feeling ko hindi lang siya barista dito.
"About that, yes naghahire pa kami. Kindly fill up nalang po itong form then give it back to me with your schedule in your school please?" nakangiting saad nito na ikinangiti ko pabalik. Nagdiwang ako dahil finally, this is it pansit! After they give me a form to fill up. Umalis na ako sa counter at bumalik sa upuan para sumagot. After answering, binalik ko na yung paper na binigay ni ate. Binigay ko ito pabalik at sinama niya ako sa office para daw makausap ko yung manager. Pagkatapos namin mag-usap ay nagagalak akong lumabas dahil may trabaho na ako. Lakas ng fighting spirit ko, iyong advance na iniisip ko kanina natupad na. Ngumiti ako ng malaki sa dalawang naghihintay sakin sign para maipahiwatig ang resulta ng inasikaso ko. Pero nagtataka ako bakit ang bilis naman yata right? Pero hayaan na nga! At least may work na ako!
"They already hired me and I will start tomorrow at 7:30 in the evening!" excited na sabi ko sakanila na ikinatuwa rin nila. Niyakap rin nila akong dalawa, aww napakasupportive nang dalawang ito. Napakaswerte ko sakanila.
"I will treat you if I get my first salary!" masayang hayag ko sakanila. They're still looking at me happily nang maghiwalay kaming tatlo sa yakapan namin kanina.
"We are so happy for you Bree! Dapat ipasyal mo kami tsaka dapat icelebrate natin to!" excited na sabi ni Mitch habang nakangiti lang na nakatingin samin si Luke.
"Oo naman! Sa Saturday free kayo? Mall tayo? Sagot ko na kasi alam kong kuripot kayo." natatawang sabi ko sakanila kaya nakatanggap ako ng masamang tingin sa dalawa. Mga asar talo HAHAHA!
"Kuripot daw, hindi pwedeng nagtitipid lang kami? Diba Luke? Tapon na natin si Bree sa Mars para mauna na siya doon." pagpapatol ni Mitch sa pang-aasar ko. Mas lalo akong natawa dahil hindi talaga siya nagpapatalo lalo na kapag ako ang nang-aasar.
"Ito nanaman ang aking mga prinsesa mag-aasaran nanaman! Mamaya may umiyak sainyo bahala kayo magsuyuan. Come here I will hug you two." natatawang sabi ni Luke then he hug us kaya nakangiting niyakap namin ito pabalik. Ang saya lang ng araw na ito sana magtuloy-tuloy na.
- - - -
LickinLallipap: sorry ha ang sabaw ng update! Keep motivating me guys! Wuvyouuu! 🖤
BINABASA MO ANG
TEASING HER |StudxProf▪️GxG|
RomanceAERO UNIVERSITY SERIES 1 T E A S I N G P L A Y I N G U N I N T E N T I O N A L F E E L I N G S "Teasing her makes me fall harder." -Aeryelle Maxine Montez - - - - - - - - - - - - * * * * * COPYRIGHT! ALL RIGHTS RESERVED. No part of this publica...