TEASING XXXVII

12.3K 382 197
                                    

TOTGA

"In another life, I would be your girl
We keep all our promises, be us against the world" I sang it in acoustic way while sketching again the blueprint. We are at the construction site right now. Amber is nowhere to be found while me? I am at the table working on the sketches needed for them to know what they will do first. At bakit ako nag-e-sketch ulit? Naiwan kasi ni Amber ang blueprint at tinatamad ang architect niyo na bumalik sa firm. Ibang klaseng leader yon, napakawalang care sa trabaho.

"In another life, I would make you stay
So I don't have to say you were the one that got away
The one that got away"

"The one that got away huh?" gulat akong napatingin kay Amber dahil nasa harapan ko na pala ito. Hindi ko man lang siya namalayang nakalapit sa aking pwesto.

"O tapos? Bawal kong kantahin?" panggagaya ko sa kasungitan niya but she just look at me intently in the eye.

"Are you still inlove with the one that got away?" ano raw? Like duh? I am inlove with the one th-! Naputol ang pagloloading ng sinabi nito nang mapagtanto ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Hindi na? Bakit ba kasi napasok ang topic natin na ganyan?" dumaan ang lungkot? sa mga mata nito ng siya'y aking tignan. Bakit ito malungkot? May nasabi ba akong mali?

"You are not sure. So I think magiging karibal ko ang isang ex sa puso mo." walang emosyong turan nito na nagbigay ng kirot sa puso ko. Hindi ko naman na mahal si Maxine diba? Hindi naaaa.

"Hindi ko na siya mahal. Hey don't be like that, parang tanga naman Amber" ungot ko kaso hindi na ako nito pinansin. Bakit ba kasi ganyan siya? Hindi nga kasi ako sanay.

"Your actions speak louder than your words Elliane." iyon na lamang ang binitawan niyang kataga bago ako nito linisan.

"Amber!" hindi na ito lumingon pa ng tawagin ko siya. Dire-diretso na siyang lumakad papunta sa nagbubuhos ng semento. Hayss ano ba yan!

Hindi na muna ako sumunod sa kaniya dahil baka mag-uusbong pa ito ng alitan sa aming dalawa. Akin munang pinagpatuloy ang ginagawa ko para matapos ko na sketch na pinagawa ulit ni Amber. Nasa ganoon akong moment when I notice someone coming towards me. Sabi na e, hindi ako mareresist ni Amber.

"Amb-" naputol ang aking sasabihin nang mag-angat ako ng tingin. Ang ngiting dapat na ibibigay ko kay Amber ay napalitan ng isang seryosong mukha. It is because, it was Maxine not Amber. Hinihintay ko siyang magsalita but she just look at me.

"Yes Miss Villin? How may I help you?" seryosong sabi ko saka ito tinignan. Nang oras na tinignan ko siya ay seryoso rin itong nakatingin sa akin.

"Can you remove that seriousness? Be casual, I am not your boss" umiling ako sa kaniyang tinuran. Hindi iyon maaari.

"Your father is our boss and he is your father so I think you are my boss too." seryoso pa rin na sambit ko. Kaya naman napabuntong hininga ito saka mas lumapit pa sa lamesa. Sa paglapit niyang iyon ay medyo lumayo ako na para bang walang lamesa sa pagitan namin.

"Can I talk to you Bree-" pinutol ko na ang anumang sasabihin nito dahil hindi ko iyon nagustuhan. Talk? Lintik lang!

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa." akmang tatayo na sana ako at aalis when she hold my hand that made me feel the familiar sensation. What the hell self?!

"Please Br-" I cut her off sabay ng paghila ko pabalik sa aking kamay. Uminit bigla ang ulo ko dahil bumabalik nanaman ang mga nakakagalit na ginawa nito sa akin.

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon