OBSCURE
Date checked, January 17 and it's sunday morning. The dinner that should be happen on 15 was postponed because they are busy. They are preparing kuya's wedding this past few days and some can't attend on that day so mamayang gabi na lang ito magaganap. Tsaka isa pa naging busy din ako dahil nagkaroon kami ng review ni Miss Meg kahit na wala pa kaming pasok. Next week pa ang pasok namin at ang competition naman ay napostpone din next month ng second week. Pero syempre abala pa rin kami dahil tiyak na magiging busy kami sa academic at hindi namin masyadong maaasikaso ang pagreview. Palabas na ako ng church when I saw her waiting for me. Ito nanaman po siya, sa nakalipas na mga araw mula noong pinauwi ko siya naging mas makulit pa ito. Lagi siyang tumatawag kahit na hindi ko naman iyon sinasagot. One time pa pinalabas ako nito sa bahay dahil nasa labas nanaman siya. Sa totoo lang ang hirap niya intindihin kasi iba-iba ang pinapakita nitong ugali. Minsan parang wala lang ako sa kaniya kaya ganoon din ang aking ginagawa pero kadalasan nagiging mas malapit siya sa akin kaso hindi ko pa rin iyon pinapansin. Once kasi na nagpakita na ako ng hints lalaki na ang ulo nito. Sa mga ginagawa niya kasi syempre naaapektuhan ako. Nagagalak ako kasi I think may puwang na ako sa puso nito. Tsaka hindi naman yan maghahabol kung wala diba? Pero tignan natin kung hanggang saan ang patience niya, basta ako magiging matigas muna ako sa ngayon.
"Breeze" malambing na tawag niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman ko ang pagsunod nito. Have you ever encounter a gorgeous professor like this? Well kung hindi pa, siya ang kauna-unahang professor na sunod ng sunod.
"Let's have a date." hindi ako makapaniwalang napatingin dito dahil sa narinig because she didn't asked me. It's an statement na parang wala na akong choice pa. Ngunit ano siya swiniswerte? Bahala nga siya jan.Iniwan ko na siya doon at pumasok sa mall pero sumunod din ito. Gandang babae pero naghahabol naman, at sa estudyante pa niya. Wait nga hindi ba niya alam na mapapahamak siya sa ginagawa niya?
"Miss Montez bakit ba sunod ka ng sunod?" napatigil siya ng tanungin ko ito. Nagpout ito na ikinabaling ko ng tingin. Paano napagsasabay ang pagiging maganda at cute? Bakit ang galing nila sa ganon? With poise pa ha.
"Because I want to, just don't mind me following you." napairap ako sa sinabi niya tsaka naglakad ulit. Ayoko namang maging harsh sa kaniya dahil kahit na sinaktan ako nito, propesor ko pa rin siya.
Pumasok ako sa drugstore dahil may pinapabili si ate Liza sa akin. Habang naghihintay na ibigay nila ang binili ko ay pasimpleng tumingin ako sa katabi ko. She is wearing a skirt with a shirt na nakatuck in kaya mas lalong nagpapakita ang mga curves nito. Ang daya talaga ng mundo, simple lang ang suot niya pero ang lakas na ng dating. Mahahalata mo rin ang pagiging professional nito dahil sa galaw niya. Medyo nakakainis lang kasi ang daming tumitingin sa kaniya.
"Maam ito na po tsaka Maam pwede po bang malaman ang pangalan ng kasama mo?" kumunot noong napatingin ako dito at tsaka sa babaeng katabi ko.
"Of course Miss. Iiwan ko na siya dito so enjoy!" pilit na ngiting turan ko sa pharmacist. Grabe nakakabaliko siya ng babae nang ganoon kadali? Well, wala na akong paki! Pakasaya sila.
I walk straightly to the dress section para tumingin ng idadamit ko mamayang gabi. Ipapadryer ko na lang para madaling matuyo. Habang pumipili ay naramdaman ko ang presence ng isang tao sa aking gilid. Binigyan ko siya ng tingin na agad ko ding binawi. Inabala ko ulit ang sarili sa pagpili ng dress.
"This one looks perfect on you." sambit niya kaya napatingin ako sa hawak nito. Aaminin ko na maganda nga talaga ang napili nito pero bakit hindi ko man lang nakita iyon kanina? Iniabot niya ito sa akin kaya agad ko iyon kinuha. Type ko rin kasi kaya hindi na ako magpapakipot pang kunin.
BINABASA MO ANG
TEASING HER |StudxProf▪️GxG|
RomanceAERO UNIVERSITY SERIES 1 T E A S I N G P L A Y I N G U N I N T E N T I O N A L F E E L I N G S "Teasing her makes me fall harder." -Aeryelle Maxine Montez - - - - - - - - - - - - * * * * * COPYRIGHT! ALL RIGHTS RESERVED. No part of this publica...