AVOWAL
It's Friyey at kapag Friday ay free day! Just kidding. Ngayon lang kasi parang reward para sa pagkapanalo ng University. Mabuti na rin iyon dahil hindi pwedeng maglandas ang tadhana namin ni Maxine. Alam niyo na, hindi ko ito sinipot kahapon dahil sa anong dahilan diba? Wala siyang karapatan na pagalitan ako sa aking pagsayaw dahil wala namang namamagitan sa amin. Like duh? Ano siya swineswerte na magdemand. Lintik lang noh!
"Hello ate Zaira!" gulat man ay ngumiti ako pabalik sa kanila. Bakit nila alam ang pangalan ko? I think they are freshmen.
"Napanood ka po namin kahapon magsayaw ate. Napagaling mo po." namula naman ako bigla dahil sa sinambit ng isang kasama niya."Laaa thank you, nakakaflatter naman." nahihiyang ngitian ko sila dahil duh? Hindi ko naman aakalain na nagustuhan nila ang sayaw namin ni Luke. Ang sagwa non para sa akin.
"Bagay po kayo ni kuya Luke ate Zaira. Shipper niyo po kami." natawa ako ng bahagya dahil sa narinig. Grabe lang may fansclub na kami? Chawr.
"Magbest friend lang kami kaya malabo mga be." sambit ko pero gusto talaga nilang e-ship kami.
"Ate hindi lang kaya kami nagshiship sa inyo." binigay nito ang phone para ipakita ang page ng AU. Kalat na kalat na nga kami sa page at may pangalan pa kami doon. Napatakip ako bunganga dahil as in na gulat na gulat ako. Bakit kalat na ang pagsayaw namin? Hindi ko matake!
"Excuse lang mga be ha? May pupuntahan lang ako." hindi ko na hinintay ang sagot nila dahil naglakad na ako. Pupuntahan ko si Mitch at Luke, siguro naman nasa office ng mga officer ang mga iyon.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mailang dahil hindi ako sanay na napupunta ang atensyon sa akin. Ayoko sa fame, ang gusto ko lang ay katahimikan. May mga ngumingiti sa akin kaya naman binibigyan ko sila ng tipid na ngiti. Ayoko din namang snob'n sila. Nang makarating ako ay agad na akong kumatok sa pintuan ng office nila.
"Oy! andito ang dancing queen natin" bungad ng isang officer kaya naman naiiling akong napatingin dito. Pati ba naman sila?
"Nandiyan ba sila Mitch at Luke?" tanong ko kaya mas nilakihan pa nito ang pag-open sa pintuhan. Nakita kong abala si Mitch para sa pabooth nila next week dahil Foundation ng University. Agad na pumasok at lumapit ako sa kanila.
"Nakita niyo na? Luke request mo na ipatanggal yung sayaw natin sa page. Hindi ko kaya ang ganitong set up. Kilala na ako, tayo ng lahat." frustrated na agad kong sambit kay Luke. Hindi ko talaga kaya iyong maging center of attention.
"Kahit na mabura iyon Bree kilala ka, tayo ng lahat" walang lakas na napatingin ako sa kanila. Wala na bang pag-asa?
"Just embrace that fame Bree, wala na e tapos na. Alam ko na ganyan ang magiging reaksyon mo, hindi ka naman nag-iisa. Me and Luke too." mas lalo pala sila kasi nanalo sila sa play, sa gym pa lang after the play pinagkaguluhan na si Mitch dahil deserve naman talaga nito ang puring iyon.
"I can't, ayoko sa fame at alam mo, alam niyo iyan" sagot ko na ikinabuntong hininga nila.
"We can't do anything about it. Pwede mo naman silang iwasan kung yan ang gusto mo." turan ni Luke kaya nawalan na talaga ako ng pag-asang bumalik sa dati ang buhay ko sa Unibersidad na ito.
BINABASA MO ANG
TEASING HER |StudxProf▪️GxG|
RomanceAERO UNIVERSITY SERIES 1 T E A S I N G P L A Y I N G U N I N T E N T I O N A L F E E L I N G S "Teasing her makes me fall harder." -Aeryelle Maxine Montez - - - - - - - - - - - - * * * * * COPYRIGHT! ALL RIGHTS RESERVED. No part of this publica...