TEASING IX

16.1K 516 57
                                    

HUMOURLESS

The day is to end again at wala nanaman akong sundo. Hindi ko na aasahang may susundo pa sa akin dahil nag-out of town sila for their business. Kaya nagpakabrave akong nagtaxi para narin makauwi ako ng maaga. Sabi ng dalawang kaibigan ko ay sumabay nalang ako sakanila para daw hindi na ako magcommute but I refused kasi matagal pa silang uuwi tsaka maaga pa naman. May meeting pa kasi sila with the teachers who is holding SCO which is Miss Montez and Sir Velasco. Nakakapagtaka dahil nasa mataas nang katungkulan si Miss Montez kahit na gago este bago pa lamang ito. Pero ayon na nga, paki ko ba don! Bat ba iniisip ko siya ampk! Balik tayo sa mga kaibigan kong nagtatampo na kasi hindi ko napagbigyan tapos mas nadagdagan pa ngayon dahil hindi ako sumabay. Isa kasi sa iniiwasan ko is, hindi pa ako handang magkuwento at tiyak na maiiyak lang ako kaya hindi na muna sa ngayon. Pagkarating ko sa bungad ng subdivision ay pinara ko na ang taxing sinasakyan ko. Nagtataka si manong driver but I just smile at him and give him a money for the fare. Mas feel ko maglakad ngayon kaya huwag kayong mag-isip ng ano jan. Nginitian ako ng guard nang pumasok ako, I just smile back at naglakad na. Habang naglalakad, nag-iisip ako how is my set up right now, tomorrow and soonest. How to act like nothing happen? How to solve my damn problem. How can I make myself fine and happy? Teacher and Family problem, so great, damn it! Nasa ganoon akong pag-iisip when a car suddenly stop at my side. Sino nanaman kaya ito? Nasagot ang tanong ko when the car window opened.

"Breee sakay kana bakit ba naglalakad ka! Parang ewan ka talaga" Si Luke pala iyon, akala ko kung sino na, pero bakit nasa passenger seat ito? Sino ang driver? Alangan namang si Mitch magdadrive? Hindi marunong iyon gaya ko tsaka hindi ito ang kotse ni Luke. Sa curious ko medyo yumuko na ako para makita ang driver pero sa oras na nagawi ang tingin ko sa driver bigla akong namula at tumayo ng maayos. Bumabalik ang mga ala-alang dapat kinakalimutan.

"Hindi na tsaka exercise na rin so I want to walk" pag-aalibi ko at iyon din ang pagbukas ng window sa backseat. Napatingin ako dito at ito nanaman po siya, nagsusumamo nanaman si Mitch para sumakay lang ako pero buo na talaga ang desisyon ko. Ayokong makarating agad sa bahay at makasama sa iisang kotse ang kinaiinisan ko.

"Come on Breeze! Hope in" it's Miss Aery who said that na sumilip sa bintana na nakabukas. Parang nawawalan na ito ng patience sa pagmamatigas ko. Sa ayoko nga diba? Bat kasi hindi nalang sila umalis tss! Para umalis na sila, tinignan ko nalang ito ng walang emosyon.

"No! Thank you for inviting Miss Montez" I said while giving her my usual fake smile. Nawalan na ngang tuluyan ang patience nito that give a little pain in my chest. Bat ganito? I feel dismayed kasi hindi ako nito pinilit? This is the second time na ganito ang nararamdaman ko sa pinapakita niya. Pero hayaan na nga, sino ba naman ako diba? Umandar na ito at tuluyan ng umalis pero napatigil ako ng tumigil ito bigla. Umatras ito ng kaunti and I don't know what they are doing but I saw Miss Aery get out in her car. Ganon din ang ginawa ni Luke and he go to the driver seat. At si Miss Aery? nakatayo na doon sa gilid ng kalsada, naghihintay na ito sa aking pagrating sa pwesto niya. What is she doing?! I look at her curiously but she is really waiting for me. Pafall kang propesor ka! Bahala ka jan! Wala akong sinabing sabayan niya ako! Nilagpasan ko na ito but her hands reflexes fastly so she is holding my wrist right now na nagpatigil sa aking paglalakad. Mabilis na kinuha ko ang kamay ko sakaniya dahil sa naramdaman nang maglapat ang aming balat. What the hell is that Breeze? Medyo gulat ang ekspresyon nito ngunit bigla ring nawala.

"What are you doing Miss?" inis na bulalas ko dito para pagtakpan ang anomang naramdaman but I didn't get any answer. Ano bang trip niya? Kasi ako, wala ako sa trip na sabayan siya. Tss!

"Walking with my student because look like she needed someone?" she said sarcastically that made me rolled my eyes on her. Tinignan ako nito ng mataman pero hindi ko mawari ang pinapahiwatig ng tinging iyon. Hindi ko na ito pinansin pa and continue walking by myself. Wala akong kasama, wala talaga!

TEASING HER |StudxProf▪️GxG| Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon