STAUNCH
We are currently sitting on our chair, busy doing our thesis. Our class to her is on going so I am not showing any interest to the person in front of us. It's been a week when the incident happened but still, I can't move on. Naiinis ako sa kaniya ng sobra kahit na ilang ulit na ako nito sinuyo. Hindi ko alam pero nasasaktan pa rin ako sa kaisipang mas pinili nito ang ex niya kaysa sa akin.
"Kanina pa nakatingin si Miss Aery sa'yo" bulong ni Xei sa akin pero hindi ko iyon binigyan ng pansin. Tinignan ko na lang si Xei at umiling.
"Just don't mind her, bahala siya sa buhay niya" walang ganang turan ko sa kaniya na ikinalungkot ng expression niya.
"Hindi pa kayo ayos?" umiling na lang ako bilang sagot sa kaniya at saka bumalik sa ginagawa, ganoon din ito.
Busy ako sa pagsusulat ng maramdaman ko na may nakatayo sa gilid ko. I smell her familiar scent na aminin ko man sa hindi ay namimiss ko na talaga. Sa totoo lang nahihirapan na ako, gusto ko ng okay kami kaso ayaw ng pride ko. Ayokong pakinggan ang explanation nito.
"Miss Joaquin, can you put those things in my office?" sambit nito sa tabi ko kaya tumango at tumayo na ako. Kinuha ko ang papers sa ibabaw ng lamesa niya saka lumabas na hindi man lang ito tinatapon ng tingin.
Pagkabalik ko sa room ay wala na akong naabutan na kablockmates ko, tanging si Maxine na lang ang naroon. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya para masolo niya ako. Sa totoo lang ngayon lang siya swinerte at ako ang minalas ngayon dahil natsambahan niya ako. Ayoko pa naman sana siya makasama dahil ayokong mag-usap kami. Pero gagawa ako ng paraan para walang usap na magaganap. Nakayukong naglakad ako papunta sa upuan saka kinuha ang bag ko. Nang makuha ko'y lumakad na ako papunta sa pintuan pero napatigil ako.
"Can we talk?" sambit nito sa harapan ko. Ito ay nakaharang sa nakasarang pintuan. Naiiyak nanaman ako dahil alam mo yung feeling na gusto mo siyang saktan pero hindi mo magawa? Gusto kong ilabas ng inis ko sa kaniya kaso kailangan mong pigilan? Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko ngayon.
"Please love, I-i miss you" napaangat ako ng tingin sabay ng pag-agos ng luha ko. Hindi ko na kasi mapigilan pa dahil ang bigat-bigat na talaga ng damdamin ko."Masaya ka na ba kasi nasasaktan ako ng ganito?" tanong ko dito na nagpailing sa kaniya. Hahawakan na sana ako nito pero agad akong lumayo sa kaniya.
"Palabasin mo na ako. Just give me space para magpahinga ng kaunti cause feels like I am tired of everything. " pagkasabi ko non ay aking nakita ang paglandas ng lungkot sa mga mata nito ngunit tumalikod ito at pinagbuksan ako ng pinto. Naglakad na ako palabas ngunit napatigil din ng magsalita ito."So you're giving up? Ayaw mo na ba sa akin sa isang pagkakamali lang?" ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat bigkas nito. I know hindi lang ako ang nasasaktan sa sitwasyon namin ngayon.
"Hindi ko sinabing give up na ako, ang sabi ko ay magpapahinga lang ako."
I go home after class, half day lang ngayon kaya umuwi na ako agad. Ayoko na rin kasing gumala pa sa kadahilanang wala talaga akong ganang magpakasaya. Itutulog ko na lang para naman makalimot ako ng sakit kahit sa sandaling oras lang. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa kwarto ay hinayaan ko nang bumagsak padapa ang aking katawan sa kama. Inabot ko rin ang unan para ipaibabaw sa ulo ko. Nakalipas ang ilang minuto na nasa ganoon akong pwesto ay ramdam ko nang kinakain ng antok ang diwa ko. Akin na sanang ipipikit ng tuluyan ang mga mata ng marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Hindi na sana ako babangon pero kailangan kasi nakakahiya naman sa taong nasa labas ng aking pintuan. Kaya naman walang ganang naglakad ako papunta sa pintuan at saka ito binuksan. Boring na tinignan ko ito nang masilayan ko ulit siya. Hindi ba nito naintindihan ang sinabi ko kanina?
BINABASA MO ANG
TEASING HER |StudxProf▪️GxG|
RomanceAERO UNIVERSITY SERIES 1 T E A S I N G P L A Y I N G U N I N T E N T I O N A L F E E L I N G S "Teasing her makes me fall harder." -Aeryelle Maxine Montez - - - - - - - - - - - - * * * * * COPYRIGHT! ALL RIGHTS RESERVED. No part of this publica...