FRITZIE ❤
Luping-lupi si Fritzie sa pagkakaupo sa sofa sa sobrang galit na ipinakita ng Tita Marietta niya.
"Pitong taon ka na sa college hindi ka pa rin maka-graduate hanggang ngayon? Nananadya ka ba Fritzie May?" Gigil na gigil na sabi nito. Lalo siyang napayuko sa kahihiyan.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa yo. Puro na lang sakit ng ulo ang ibinibigay mo sa kin. Kailan ba ako makakatanggap ng magandang balita sa iyo?" Matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya.
Hindi na siya nakatiis na mangatwiran. "Tita, hindi ko naman gustong bumagsak." Lalo itong namula sa galit sa walang kuwentang rason na lumabas sa kanyang bibig.
"Anong hindi? Kailan ba kita nakitang mag-aral o nagbuklat man lang ng mga libro mo? Ni hindi ka nga natatarantang asikasuhin ang mga requirements mo kahit graduating ka. Palagi kang nasa lakwatsa. Palagi kang nasa barkada. Ano pa ba ang aasahan ko?" Sapo-sapo nito ang ulo nang maupo sa sofa.
Hindi na siya sumagot. Inaasahan na niya ang eksenang ito. Kahapon, kinausap siya ng kanyang professor at ipinaalam nito na hindi siya makakapasa sa dami ng absences niya. Pati na rin ang thesis niya ay bokya. Unfair naman daw sa ibang kaklase niya kung pagbibigyan ang pakiusap niyang makakuha ng makeup exam para maka-martsa.
Dalawang subjects na lang ang natitira para matapos niya ang BS Management. Napag-iwanan na nga siya mga dating kaklase na pawang mga propesyunal na. Kung hindi sa pangongopya at paggawa ng mga assignments ng mga kaibigan niya nitong mga nagdaang taon ay di siya aabot ng fourth year. Pangatlong kurso na niya ito. Noong first year college, sinubukan niya ang nursing. Na-fed up siya sa dami ng mga medical terms kaya nag shift siya ng conputer science. Akala niya noong una na masaya ang kursong ito. Parang naglalaro lang ng computer games. Pangarap pa nga niya noong lumikha ng sariling games. After a year na iba-ibang computer language na ang pinag-aaralan ay nawala ang interes niya. Kaya business management ang kinabagsakan niya.
Suwerte siya dahil kaibigann niya si Arnee na nagtityagang gawin ang mga school assignments niya kapag tinatamad siya. Best friend niya ito mula pa noong highschool at ngayon ay isang registered nurse na. Sabay silang kumuha ng nursing noon.
Pala-aral naman siya noong elementary at highschool. Iyon nga lang napabarkada siya kaya nawala sa tamang direksyon.
Sino ba ang ayaw maka-graduate? Sukang-suka na rin siya sa pag-aaral. Kung makakatapos siya, hihinto na sa kasesermon ang tita niya. Sad to say, hindi siya pinalusot ni Professor Diaz sa mga pagkukulang niya.
Sa sobrang disappointment niya kahapon, nag-aya siya ng inuman sa mga so-called friends niya sa isang bar. Ito iyong mga kaibigang kasama niya pag gusti niyang magwala. Mga rich kids at sakit ng ulo ring katulad niya.
"Hindi ko na kaya ito." Latang-lata si Marietta matapos mailabas ang galit. "Ipapadala na kita sa mommy mo sa Amerika. Sumusuko na ako sa iyo. Kung hindi ka lasing. Layas ka naman ng layas. Baka isang araw umuwi ka ditong bangag. O baka mabalitaan ko na lang na na-salvage ka."
"Hindi ako addict. Hindi rin ako makakapayag na itapon mo ko sa Amerika. Huwag mong gawin iyan Tita dahil hindi na ko uuwi dito kahit kailan," pagbabanta niya.
"Di wag kang umuwi. Tinatakot mo ba ako? Mas mabuti nga iyon dahil mawawalan na ko ng sakit ng ulo. Maaasikaso ko na rin ang buhay ko." Nanghahamon din ito.
Mula ng iwan si Fritzie sa mga lola niya ng kanyang ina, si Marietta na ang nag-aruga sa kanya na noon ay disi-otso pa lamang. Eight years old pa lang siya noon.
Labinlimang taon na ang nakalipas nang mangako ang mommy niya sa kanyang lola at tita na kukunin siya nito. Matagal niyang pinaniwalaan ang pangakong iyon. Pero nagbago iyon ng mag-asawa ang mommy niya ng isang amerikano. Hindi siya makasunod dahil TNT pa ang mommy niya. Hanggang sa lumaki na siya at tanggihan na rin ang pagpunta sa Amerika nang maayos na ang lahat sa dokumento nila.
Sa kanya at sa negosyo lang umikot ang buhay ng tita niya. Noong namatay ang lola niya, mag-isa nitong inako ang responsibilidad na paaralin at gabayan siya. Nagpapadala naman ng sustento ang mommy niya. Pero hindi ito sapat. Masyado raw mahigpit sa pera ang napangasawa nito.
"Sige umalis ka! Pinuputol ko na ang relasyon nating dalawa." Matigas na sabi nito ngunit garalgal naman ang boses na parang iiyak na.
Umiral ang pagka-rebelde niya. "Aalis talaga ako! Hindi mo na ko makikita kahit kailan!" Umalingawngaw sa buong kabahayan ang boses niya. Napaka-bigat din ng damdamin niya. Hindi naman niya inaasahan na aabot sa ganito ang komprontasyon nilang mag-tiya.
Pabalibag niyang isinara ang pintuan nang makalabas ng bahay. Bad trip na naman siya. May hangover pa. Dumiretso siya sa kanyang pulang Honda Civic. Second hand car ito na regalo ng tita n'ya noong 18th birthday niya.
Nang maipasok ang susi sa kotse ay saka niya naalalang flat tire nga pala ito at may sira pa ang makina kung kaya't pupugak-pugak ang pag-andar. Sa inis niya ay pinagsisipa niya ang gulong at doon ibinuhos ang galit. Hanggang hindi nananakit ang mga paa ay di niya tinigilan ang kawawang gulong. Nang magsawa, iniwan niya iyon at nagpasyang magta-taxi na lang papunta kina Arnee.
Naghihimutok ang kalooban niya dahil di man lang siya pinigilan ng tita niya. Mukhang tinotoo ang sinabi kanina. Paano na siya ngayon? Wala pa naman siyang pera. Naubos sa gimmick kagabi. Siguradong ipapuputol nito ang ATM at credit card niya.
Lumakad siya papalabas ng gate. Bihira pa naman ang taxi sa subdivision nila at doon pa sa highway ito kalimitang dumadaan. Tanging ang backpack bag na naglalaman ng wallet at celfone ang nabitbit niya. Paano na siya makapaglalayas niyan kung wala siyang pera?
________
#MRH01
VOTE PLS..
BINABASA MO ANG
My Rebel Heart
RomancePasaway, rebelde at sakit ng ulo ang best description kay Fritzie ng tita niyang si Marietta. She can't help it. Naikabit na yata ang mga katagang iyon sa personalidad niya. Mantakin mo ba namang pitong taon na siya sa kolehiyo ay di pa rin nakaka-g...