Chapter 01

5.6K 95 2
                                    

CHAPTER 01

"MC!" sigaw ng halos ng lahat nang makita nila ang ginagawa ni MC sakanyang mga kaklase.

Lahat sila ay gustong pumigil sakanya pero hindi nila alam kung papaano dahil hindi naman nila gustong masaktan at magaya sa mga kaklase nilang namamaga na ang mukha nang dahil sa mga suntok at kamao ng dalaga.

Natatakot ang lahat sakanya dahil wala itong pinapalampas at talagang sobrang mainitin ang ulo nito, kapag napikon ito ay hindi siya nag dadalawang isip na sugudin ang kung sino man ang nang–aasar at naninira ng kanyang araw.

Katulad nalang ng mga babaeng kanyang pinag sasampal at sinasabunutan ang buhok. "Huwag na huwag mong ihahawak sa akin ang madumi mong kamay! Nagkakaintindihan ba tayo?!" galit na sambit ni MC at napatango nalang ang mga babae

Ang totoo n'yan, wala naman talagang balak na saktan ng dalaga ang mga babaeng nasa harapan n'ya ngayon. Gusto lamang n'ya ng tahimik na buhay ngunit bigla na lamang lumapit sa kanya ang mga babae at sinabing peke ang pagiging matalino nito. Inaakusahan siya na nangongopya lamang at kumukuha ng sagot mula sa kabilang seksyon sa pamamagitan ng pagbabanta sa mga ito.

Kaya naman talagang tiisin ni MC ang lahat ng binibintang ng mga dalaga sa kanya. Sa lahat ng mga masasamang salitang narinig n'ya ay walang wala na iyon kumpara sa iba. Ang hindi n'ya lang natiis ay nang idamay ng mga ito ang kanyang ama at ina na wala namang ginagawa sa kanila at inosente. Hindi na n'ya natiis nang pagsalitaan rin ng masama ang kanyang tatay na tricycle driver kung kaya't hindi nakatiis si MC at sinaktan ang tatlong dalaga sa harapan.

Even MC don't know why there are still people out there who dares to bully her when everyone knows she's the bully.

Binitawan na ni MC ang buhok ng 'pinuno' kuno ng mga grupo ng babaeng iyon. Lahat sila ay may sampal sa mukha, gusot ang buhok, at ang iba ay gusot na rin ang uniform, exposing some parts of their bodies. Nang mabitawan sila ni MC ay mabilis silang tumakbo papalayo at wala ng paki-alam si MC kung saan pa sila mag punta.

Tinignan lamang ni MC ang iba niyang kaklase na nakatingin sakanya, bakas parin ang takot sa mga mukha nito pero tanging ngisi nalang ang naisagot niya at umupo na sa upuan. "The show is over, go back to your own business." simple ngunit nakakatakot na sabi ni MC kaya kaagad siyang sinunod ng mga kaklase niya.

She likes the authority she have inside their classroom, even outside the class, there are few who knew her and fear her. And she's not ashamed from being called the 'bully'.

She cared for nothing but herself and her parents. Wala naman siyang maituturing na kaibigan sa loob ng eskwelahan kaya wala rin siyang kailangan intindihin na kaibigan, ang sarili n'ya lamang. MC don't even care what other's might think and say about her. Because again...hindi naman niya ikakamatay ang mga masasamang tingin na binibigay sakanya ng iba.

Their class started, MC is listening...she's listening yes! She may be a bully but she respects her grades and academics so much, some might think that it's lame for a bully to be good with their studies but it's different to MC.

Kahit na gaano pa siya ka–short tempered na babae, hindi naman mauubos ang pasensya niya sa mga guro niya na kahit minsan ay sigawan na siya dahil lang sa pambubully na ginagawa nito.

The only thing they have to do is to expell MC or to drop her. She have good records in her grades but not on her morals. 'Yan ang paniniwala ni MC kaya hindi siya magawang patalsikin ng school, at kung sakaling patalsikin man siya ay wala siyang paki–alam dahil marami naman siyang iba pang pwedeng pasukan.

MC'S POV

Ilang beses ko bang kailangan ulit–ulitin sa mga ito na huwag na huwag akong gagalitin o kahit man lang hawakan ang kahit na ano na pag mamay–ari ko?

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon