Chapter 12

1.5K 53 1
                                    

Chapter 12

MC's POV

"Sigurado ka na?"

Jacob asked as he leaned on the side of his car, madilim ang paligid namin dahil gabi na nga pero kita ko pa naman siya, it's also because of the street lights na nakabukas ngayon.

Tinitigan ko lang siya sa kanyang mga mata at walang sinabi. Alam kong nagpapaka-impulsive ako ngayon dahil siguro sa kinalalagyan ko ngayon. Dahilan para hindi rin ako makatugon agad kay Jacob nang itanong n'ya kung sigurado na ba ako. Hindi ko rin alam kung sigurado ba ako.

Nakakatawa lang din kasi nung nakaraan halos ibuwis ko ang buhay ko para lang makatanggi sa gusto nila pero heto ako ngayon, nagdadalawang isip na sa ginagawa kong desisyon. Siguro ang kapal ng mukha ko para sa iba pero wala na akong panahon para isipin pa 'yun. Nandun ang tatay ko sa loob at may sakit.

May katandaan na si Tatay at hindi ko 'yon napapansin dati dahil malakas pa siya at laging hindi nagpapakita ng kahinaan kaya nawawala sa isip ko na kahit papaano hindi na bumabata ang tatay ko. Nakakaramdam na rin siya ng mga sakit sa katawan at kung ano-ano pa na nakakapag pahina sa kanya bawat araw.

Kung hindi pa nangyari ito ay baka hindi ko pa mare-realize ang bagay na 'yon kaya pakiramdam ko tuloy ay wala akong kwentang anak.

"I am giving you a second chance to think."

Pinanliitan ko s'ya ng mga mata. "Really? Pagkatapos n'yo akong kulitin ng halos isang linggo araw-araw bibigyan mo ako ng second chance ngayon na pumapayag na ako? Sira-ulo ka rin ata eh."

Mabilis naman siyang tumawa. Mahina at mababa lang ang tono nun kaya natigilan ako. That sounded so sexy though...but what am I thinking? MC, get your grips together! It's not the right time to think about that nonsense.

"I don't want to take advantage of your emotions right now, malay mo nadadala ka lang sa emosyon mo ngayon and you can't think straight..." he tried to explain.

"Point taken." I whispered.

Sinubukan kong mag-isip ulit. Sinubukan kong mag-isip ng iba pang dahilan kung bakit ko dapat at hindi dapat tanggapin ang offer. Sakit sa ulo, distraction, pagod, at stress ang mga naiisip ko para hindi ko tanggapin ang offer, pero lahat ng 'yan ay nababalewala tuwing iisipin ko ang dalawang salita kung bakit kailangan kong tanggapin ang alok nila.

For Tatay.

Walang ibang dahilan ang pumapasok sa isip ko kundi ito lang. Para kay Tatay. That reason was enough, was the best reason for me to accept it if ever. But I also thought....do I really have to do this? I mean, there can be other ways for us to survive, I managed it before, and I know that I can do that again right now.

Naka survive naman ako when I took my side job while studying, nakikipunas lang ako ng lamesa at taga hugas ng plato sa mga karinderya and I always make sure to hide from Tatay at hindi niya malaman na nag tatrabaho ako.

I sighed again, now I can't give him a definite answer.

"It's alright, you can think of it tomorrow, I'll wait for your answer. For now let's just sleep." he said and I looked at him with furrowed brows.

"What did you just say?"

He shrugged. "Let's...just sleep?" he asked again, unsure."Is there something wrong with that? I mean—"

"Are you serious? Bumalik ka na duon sa One High, I will sleep here tonight, I can't leave my father here—"

"Alright! You go inside and I'll sleep here." he tapped the space at the back of his car, bahagya namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon