Chapter 34

1K 29 1
                                    

Chapter 34

"Alam mo ikaw..." kumento kaagad ni Samuel kay Wayden. "Ang ganda sana ng suggestion mo pero hindi mo naman naisip na wala namang puwedeng sumali saatin 'don." saad niya at saka sumubo ng fries na nasa plato nito.

Napakamot naman si Wayden. "E 'yun na nga e, nag tatanong na nga rin ako sakanila kung meron bang hindi couple dance d'on kaso sabi nila wala pa raw, madami daw kasing nag demand nuon na mag pa contest ng couple dance kaya ayun daw muna ginagawa nila." paliwanag niya saamin.

Napatango naman ang lahat. "Basta you have to keep updated if ever may mga bagong gig 'yung mga friends mo duon, that will also serve as a help for us." John stated and Wayden nodded.

"Sayang lang 'yung price, kung may babae lang sana na magaling sumayaw-" napahinto si Wayden sa pagsasalita at parang awtomatiko rin akong napahinto at nagkasalubong ang mga tingin naming dalawa.

"TAMA!" they all exclaimed kaya napatingin na rin ang ibang estudyante saamin kaya mahina na rin silang natawa.

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sakanila, they aren't saying anything but I already have an idea on what's running into their minds.

"MC! Tamang tama ka talaga! 'Di ba sabi mo saamin tutulungan mo na kami? Please? Ito lang, sasayaw ka lang naman! Ako na bahala sa choreography!" sabi ni Wayden at bahagya pa akong napatungo habang napa buntong hininga nalang rin sa dulo

"Ano pa bang magagawa ko?" I said and they all cheered, nakangiti sila nang malawak ngayon but then Kaiden frowned.

"Sinong magiging partner ni MC?" he asked and that made everyone think also.

"Si Wayden kaya?" suhestyon naman ni Shaun at napatango rin sina James at Dominic rito.

Bahagyang napangiti si Wayden. "Gustuhin ko man, hindi puwede, hindi dahil sa ayaw kong maka partner si MC or what pero wala kasi 'yung spark, gets niyo ako? 'Yung chemistry sa sayaw, maaring parehas kaming magaling sumayaw pero wala 'yung chemistry to mag mumukhang magkaibigan lang kaming sumasayaw." he stated and even John agreed.

"Ah alam ko na!" Dominic raised his hand. "Si Jacob! Tutal mukhang namang- maygusgkhdkshdiudh." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil kaagad na tinakpan ni Samuel ang bibig niya.

Sinuksukan pa niya ito ng fries sa bibig at nakita ko kung paano niya panlakihan ng mga mata si Dominic, I tilted my head in confusion but I just brushed it off.

Samuel nodded. "Yeah, puwede naman si Jacob, 'di ba?" tanong niya and everyone looked at Jacob, maski ako ay napatingin at nakita naman namin ang kaniyang munting pag tango.

Napangiti naman sila at saka naman itinaas ni John ang kaniyang mga kamay. "Okay! We already have the partner, but I guess we have to practice somewhere else? Remember that we are banned to go to our own club room." he announced and Wayden bit his lower lip.

Probably thinking the same like me. Where will we practice? Wala naman talaga kasing kaso saakin kung ako ang isali nila since it's understandable na couple dance naman iyon, but then the pressure is still hitting me, paano kung matalo? Baka mamaya sabihin pa nilang ako ang may kasalanan at imbis na makatulong ako ay baka mamaya maging sakit pa ako sa ulo.

"I have an idea." Daniel raised his hand and smiled at us.

**

THIRD PERSON

"Yes sis? Do you have any news?" tanong ni Kath na nanay ni Dominic na ngayon ay nasa kaniyang telepono, kausap nito ang kaniyang kaibigan na si Kyla na nanay naman ni Kaiden.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon