Chapter 10

1.7K 56 2
                                    

Chapter 10

MC's POV

"Are you serious?" Pagalit na tonong tanong ko sa kanya.

Bakit ba hindi nila maintindihan ang salitang "ayoko" at "no"? Mahirap bang intindihan ang mga salitang iyon para patuloy nila akong pilitin na gawin ang isang bagay na hinindian at tinanggihan ko na? Hindi ko lang kasi sila maintindihan kung bakit nila pinipilit. Ang dami dami namang iba diyan!

"Yes, very."

Bumuntong hininga ako at saka nagpatuloy sa pagbabasa. Ayoko na sana siyang intindihin dahil alam kong ako lang ang mamomroblema pero hindi siya umaalis sa tabi ko kaya hindi ko rin alam pano siya iiwasan. Masama na bang hindi ako interisado sakanila? Is that it? Pinaghihigantihan ba nila ako kasi hindi ako nagpakita ang kahit na anong interes kahit na isa sa kanila? Is this their talking?

"You heard me Ms. Xavier, we are not going to quit just like that. Your words are nothing to us." diretsong sagot ni Jacob saakin and a grin flashed on his face.

My lips parted in shock, did he just say that my words are nothing to them? Lahat ng sinabi ko ay wala lang sa kanila? All those crappy things I said to them before, that was nothing to them? So nagsayang lang ako ng laway ko?

Iba't ibang masasamang salita at masasakit na salita na ang sinabi ko sa kanila tapos ngayon sasabihin n'ya ay wala lang sa kanila iyon? Wala? Kahit daplis lang?

I sighed. "Alam mo ikaw...." I squinted my eyes and stared at his eyes, nakatingin lang din siya sa akin and I don't know, bigla nalang ako nakaramdam ng kung ano sa katawan ko habang nakatitig sa mga mata niya kaya umiwas na ako ng tingin at napa-irap nalang ako. "Ang kulit niyo, alam niyo ba 'yun!?"

He took a step back nang bigla akong sumigaw nang mahina sa harapan nito. "How many times do I have to tell you na hindi nga ako interesado diyan? Kahit na ano pa 'yan! Kahit na maging assistant pa 'yan, ayoko!" I told him.

He held his chin and looked at me. "But why do your eyes tell the other way? I can see it through you..." he whispered and I was stunned. "I can see that you don't mean what you are saying."

This time, I rolled my eyes dahil sa asar ko sakaniya, edi siya na magaling mag basa ng emosyon sa mukha! Totoo nga ang sinasabi niya, nag dadalawang isip na talaga ako sa offer nila, because of what my friends told me yesterday, hindi naman sa mukha akong pera pero...lahat naman siguro ay gagawin ang lahat kapag kinakailangan talaga hindi ba?

Aish! Bahala na nga! Wala pa naman sinasabi si Tatay na kailangan pa niya ng pera e! Baka naman sapat pa para sakaniya ang mga kinikita niya. Wala naman siyang kasamang iba sa bahay na dapat intindihin at isama sa gastos kundi ang sarili n'ya lang dahil nandito ako, maayos ang buhay ko sa loob ng eskwelahan na ito kaya alam kong sasapat sa kanya ang pera. Saka naniniwala naman akong malakas ang tatay kaya wala dapat akong ikabahala ruon.

"So? What's the answer?" Jacob asked.

I smiled at him, then turned into a poker face. "N.O." I declined and I saw how his shoulders fell, napangiti naman ako dahil pagkatapos no'n ay saktong dumating ang Twilight at sa likod nila ay ang teacher namin kaya tinantanan na rin ako ni Jacob.

Habang nagkaklase kami ay mukha namang normal, although nahuhuli ko lang na nakatingin sa akin bigla nalang si Shaun, hindi ko nalang ito pinapansin pero kasi kanina pa niya ginagawa 'yon. At first akala ko nga ay asumera lang ako pero nang salubungin ko ang tingin niya ay do'n ko nakumpirma na sa akin nga talaga siya nakatingin dahil nginitian pa niya ako at maliit na kumaway.

"Baliw." bulong.

"MS. XAVIER!"

"Ay baliw ka!" kaagad akong napasigaw at napatayo nang bigla akong tinawag ng teacher namin, napahawak ako at napatakip sa bibig ko nang marealize ko kung ano ang sinabi ko sa harapan ng teacher namin. "A–ah..m–ma'am, h–hindi po—"

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon