Chapter 07

1.9K 75 3
                                    

Chapter 07

MC's POV


Naglalakad na papalayo si Maverick sa akin pero nakatingin pa rin ako sa likod nito.

Tulala lang ako dun dahil hindi ko maintindihan ang sinabi n'ya. "Room fifteen, second floor at Club Building. Be there at nine AM, I'll wait for you." tandang tanda ko pa ang bawat kataga pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit.

Bakit kailangan kong pumunta at sundin ang sinabi n'ya? Bakit n'ya ako pinapapapunta dun at ano ang gagawin ko dun kung sakaling pumunta nga ako?

Hala.

Hindi kaya dahil n'ya ako pinapapunta dun ay dahil sa ginawa ko sa Agatha na 'yun? Baka naman girlfriend n'ya talaga ang babae at parurusahan n'ya ako ngayon dahil sa ginawa ko sa kaibigan ng girlfriend niya. Baka kaya n'ya ako "tinulungan" na hindi mapatalsik sa eskwelahan na ito ay dahil gusto ng binata na siya mismo ang magpaparusa sa akin dahil sa ginawa ko.

Bahagya akong napailing sa naisip. Pero simula nun ay hindi na mawala sa isip ko na baka ganoon nga ang dahilan kung bakit n'ya ako pinapapunta. Binuga ko ang isang malalim na hininga at hindi na mapakali. Umpisa palang ng araw pero nasa kinabukasan na agad ang utak ko.

At saka, hindi ba at may klase bukas? Bakit alas nueve ako gustong papuntahin eh oras ng klase iyon? Wala na bang ibang oras? Natawa nalang ako sa naiisip. Ang lakas pa ng loob kong mag-aalala sa kung anong oras ako mabubugbog at mapaparusahan.

Siguro mas gugustuhin ko nalang rin na maparusahan nung Maverick na 'yun bukas kaysa mapatalsik sa school. At least hindi mamomroblema sa akin si Tatay. Sana nga at marami siyang pasahero ngayon at sa susunod pang mga araw.

"Hello to Earth, MC." bumalik ako sa sarili nang marinig si Nice.

Nasa loob kami ng classroom at iniintay ang student teacher na proxy sa English teacher namin.

"Bakit?"

"Looks like you're carrying the whole world with your face. Ang lalim ng iniisip mo. Mas malalim pa sa Mariana trench."

Bahagya akong natawa. "Wala naman."

Hindi na ako nag-abala na sabihin sa kanya. Ayoko rin naman na mag-alala pa siya at malaman n'ya na baka katapusan ko na bukas. Nice is not the type of friend who will abandon you. Sasamahan ka n'ya sa kahit na anong laban o kaya ay giyera.

I saw her relationship with Agatha at masasabi kong parehas na kumukulo ang dugo namin sa dalaga so kapag nalaman n'ya ang sinabi ni Maverick ay baka hindi palampasin ng kaibigan ko.

"Come on! Spill it. I want to know. Please." nag puppy eyes pa nga.

Sighing, I faced her. "Maverick wants to meet me tomorrow."

Bumagsak ang kanyang panga. Mabilis ko naman itong iniangat ulit dahil hindi pa ako tapos magsalita.

"Room fifteen, second floor sa club building, pagpatak ng alas nueve kailangan nandoon na daw ako."

Nalaglag na naman ang kanyang panga kaya iniangat ko ito ulit.

"Pakiramdam ko ipaghihiganti n'ya ang girlfriend n'ya dahil sa ginawa ko sa mga kaibigan nito. Napahiya ko rin si Agatha—"

"Woah, wait." naputol ako nang sa wakas ay magsalita na siya. "Do you really think that Maverick wants to avenge Agatha for what you've done?" tumango ako. She scoffed. "He might rather hug you than punch you in the face for that."

"Eh 'di ba naalala mo sa canteen kanina habang kumakain. Parang galit siya sa ginawa ko dahil tutol siya sa sinabi kong ginawa ko lang naman 'yon bilang self-defense dahil ayaw nila akong bitawan. Basta, alam kong galit siya."

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon