Chapter 20

1.5K 39 0
                                    

Chapter 20

MC's POV

Dalawang linggo na simula nung magkasakit ako at bumabalik na ang lahat sa normal. At least, that's what I thought. Ako na ang nagluluto para sa Twilight, naglilinis ng dorm at ng kwarto nila. Ako na rin ang gumagawa ng mga labada kahit na minsan ay nag-i-insist sila na sila nalang. Hindi na rin ako gumigising sa kanila araw-araw dahil natuto silang gumamit ng alarm clocks, but I still do knock on their doors kapag nakita kong hindi pa sila bumabangon.

Nalaman ko rin na ayaw nila ng mga typical western food kapag breakfast. Gustong gusto nila 'yung mga iba't ibang silog dahil mas masarap daw 'yun at kahit na diet sila ay ayos lang daw kumain ng madami sa agahan. Sa lunch at dinner lang kakaunti ang kinakain nila.

Minsan kapag lunch ay sa cafeteria nalang kami kumakain kapag gusto nila ang nakahain. Kaunti lang din naman ang kinakain nila kaya hassle daw kung magluluto pa ako. Sabi ko naman ay ayos lang pero nag-insist parin sila kaya sa dulo ay hindi nalang ako umangal.

I also noticed how they check on me from time to time na parang magkakasakit ako.

"Ayos ka na ba MC?" nandito ako sa kwarto ko at kumatok si James sabay binuksan ang pinto. Nagrereview ako ng exam namin nang itanong n'ya 'yan.

"Yep. Magaan na ang pakiramdam ko." tumango ito at saka isinara ang pinto.

Makalipas ang isang minuto, may kumatok na naman at saka binuksan ang pinto. "Need mo ata uminom ng gamot, 'di ba?" anang ni Kaiden.

Umiling naman ako at ngumiti. "Hindi na, maayos na ang pakiramdam ko."

"Sige." tanging sabi niya at sinara na muli ang pintuan.

Naulit pa ito kay John, Samuel, Joshua at Daniel. Natatawa nalang ako tuwing magtatanong sila pero nang may kumatok na naman muli at binuksan ang pinto ay inunahan ko na ito.

"MC—"

"Ayos na 'ko, 'wag na kayo mag-alala." singit ko kay Maverick.

Kita ko ang pagkunot ng noo nito. "Sinasabi mo? Hindi ko naman tinatanong kung ayos ka na."

Inirap ko ang aking mata at saka lumapit sa kanya. Pahiya ako dun ah! Malay ko ba? Lahat kasi ng kumatok at nagbukas ng pintuan ay 'yun ang tanong! Itong si Maverick, palagi nalang epal!

Naalala ko rin 'yung time na tinanong ako ni Maverick, if I am ready to fight with them in this battle.

"Uhm..." sagot ko matapos ang ilang segundong katahimikan.

Hindi ko alam ang isasagot, hindi ko rin kasi na-gets ang ibig niyang sabihin. Ayoko naman na magbigay sa kanya ng kasagutan na hindi ako sigurado, 'tsaka ayoko rin na baka mamaya mali pala ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam! Naguguluhan ako.

"You don't really have to answer," he smiled. "Just remember that whatever happens, I am here. You can count on me, always."

That left me dumbfounded. I don't know what to say or to react. Parang... bigla akong magkaroon ng assurance na kahit na anong mangyari habang assistant nila ako, may taong laging nandyan para sa akin. Nakakagaan lang ng loob nung sinabi niya 'yon, at hindi ko in-expect na kay Maverick manggagaling ang mga salitang 'yon.

As I spend my time with them, in classroom or in dorm, mas nakikilala ko sila ng husto. They are not the typical campus kings kung tawagin kagaya ng mga sa libro. They are different. Hindi sila arogante kagaya ng inaakala ko, hindi sila masama kagaya ng iniisip ko at hindi rin sila masyadong mayabang kagaya ng palaging nakikita ko, bukod kay Maverick na minsan ay nagiging ipo-ipo na.

They are just the typical high school best friends who want to spend the rest of their days happily and make the most out of it.

"Shaun! Natapos mo na ba?" I asked. Narito kami sa sala at nasa center table dahil may assignment kami sa Math na sinasagutan. We all agreed na sagutan namin ito sabay sabay.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon