Chapter 49

1.1K 34 5
                                    

Chapter 49

MC's POV

"P-po?"

Hindi ako nakagalaw, inalis ko ang aking phone sa tainga ko dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang number na tinawagan niya.

"M-mali po ata 'yung number-"

["Oh no dear! You are Maria Celistina Xavier right?!"]

"O-opo."

Narinig ko naman ang malakas na halakhak nito, bigla kong naalala 'yung sinabi niya kanina na siya ang kapatid ni Jacob, bigla ko ring naalala 'yung sinabi ni Jacob na ang kapatid niya ay nasa Australia na umalis.

"K-kayo po ba 'yung kapatid ni Jacob?"

["Ah yes! I am Ayesha! As I was saying, nandito ako sa airport ngayon sa Philippines, malapit na ba ang contest? Can't it wait for me a little longer? Chos! HAHAHAHA! Nice meeting you! See you later!"]

Binaba na niya ang tawag kaya napatingin ako sa phone ko ng nagtataka, hindi ako sigurado kung ang Ate ba talaga ni Jacob iyon dahil sobrang magkaiba nila, Ate Ayesha - as she said to be her name - ay sobrang jolly at maingay din siya kahit na nasa phone lang, while.. Jacob, he's more like a serious guy pero may pagkajolly side din, hindi lang visible.

Tinago ko nalang ang cellphone ko at saka ako nag tungo kung nasaan ang Twilight, I cheered them, the show started and just like the first time at muli silang pinakilala.

"So tonight! Ipapakita natin ang on going na botohan! Sino kaya ang nangunguna?" tanong ng mc at biglang naghiyawan ang lahat dahil dito, nakahawak naman ako sa kamay ko dahil maski ako ay kinakabahan habang nakatutok sa screen.

Bigla namang lumabas ang word na "IDOLS" na nakasulat pahaba, hindi nakalagay ang totoong pangalan nila at sa tabi ng bawat letra ay may kaakibat na scores o percentage ng kanilang nakukuhang boto.

"Mga kababayan! Malinaw na malinaw! Nangunguna si I na may 87% na boto! Sumunod naman si D na may 85%! Hindi sila nagkakalayo! Samantalang si O na may 67%, si L na may 56% at si S na may 33%! Nakikita niyo na naman na sobrang higpit ng kanilang labanan!" saad nito at muling naghiyawan ang lahat.

Kaniya kaniya sila ng mga pangalang binibitawan, nakikita ko rin ang ibang banner na may nakalagay na "Twilight" at may iba pa na may bitbit silang mga headbans na may mukha ng Twilight na hindi ko alam kung saan nila nakuha.

Halos nuong nakaraang linggo lang nag-umpisa ang contest pero ganito na kaagad kalawak ang fan base nila kaya hindi na ako magtataka kung magiging successful talaga ang Twilight sa larangan na ito. I can't wait to see them perform on a bigger stage.

"Ngunit! May ngunit mga kababayan, hindi d'yan nagtatapos ang ating kompetisyon! Dahil mismo! Ngayong gabi! Magaganap ang double elimination." saad ng mc at narinig naman ang "aww" ng iba't ibang tao rito. "Nakakalungkot ngunit huwag tayong mag-alala, muling magbubukas ang botohan maya maya lamang."

"Gusto niyo na ba silang makita?" tanong ulit nito at naghiyawan ang lahat, napabalik na ako sa kung nasaan ang Twilight at nakita ko na kaniya kaniya sila ng ginagawa upang mapakalma ang kanilang sarili.

This is their second time performing yet they are still nervous, as they should. Hindi sila dapat maging kampante dahil kapag masyado silang maging relax baka imbis na magalingan ang mga tao ay mas lalo lang nila isipin ang kabaligtaran.

Lumapit naman ako kay Maverick, napansin ko kasi na nakatingin siya saakin kaya bahagya ko siyang nilapitan, nakangiti siya ng malaki kaya inirapan ko siya. "Ano na namang kailangan mo?"

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon