Chapter 43

1K 25 2
                                    

Chapter 43

MC's POV

"Oh my gosh! This can't be, this can't be!"

Napalingon na naman ako kay Nice matapos kong titigan ang aking telepono nang halos isang minuto, she was now exclaiming and Amara with Celine and Snow are starting to shake their heads as if they are not happy with what they are seeing.

I opened my social media and the moment I opened it and refresh my newsfeed ay iyon kaagad ang nakita ko, ang daming nag share ng video nila kaagad at ang iba pa nga rito ay ang mga kapit bahay ko, I scrolled again hanggang sa mahinto ang aking tingin sa kapit bahay ko na tinatawagan ko palagi upang kamustahin si Tatay.

"Guwapo sila! Pero hindi niyo pa nakikita ang Twilight kaya hindi niyo puwedeng sabihin na sila na magaling hmmp!" #notoclifford

'Yan ang nakalagay sa caption nito habang shinare niya ang video. Napabuntong hininga naman ako bago ko ito ni-like, ang dami na rin kasing nag react at ang dami ding nag tatanong kung nasaan daw ba ang Twilight.

"Nasaan ba 'yang Twilight na sinasabi mo?"

"Ni hindi nga magawang magpakita in person!"

"Baka naman nag-i-imagine ka lang ghorl?"

"Gising gising ka nga HAHAHAHA!"

"Hibang ka na cyst, get some sleep please."

Ang dami dami pa nilang sinasabi and some are saying that she is just making up stories dahil baka talagang may personal hate lang siya sa isa sa mga clifford dahil baka raw binasted lang siya ng isa sakanila.

I shook my head before I turned off my phone, napatingin ako sa Twilight na tahimik lang na nakain, I put my phone on my pocket before continue eating again, binilisan ko lang ang pagkain ko at nang matapos ang Twilight ay nag paalam na rin ako kina Nice, I told them to eat with them at dinner dahil gusto ko talagang bumawi sakanila.

**

"What are you saying MC?" tanong ni John saakin nang makarating kami sa dorm nila, nakaupo silang lahat sa sofa at ako rin ay nakaupo sa arm rest na katabi lang ni Dominic.

"'Yun na nga, I am still confused and not sure but what the headmistress told me is that the contest will be broadcasted live and publicly, so that means hindi lamang ang mga ka schoolmates niyo ang makakanood." I said.

"The text was sent to me just this afternoon, hindi ko nalang sinabi sainyo kanina dahil kumakain pa kayo at baka mamaya ay mawala pa ang focus niyo sa klase," I bit my lower lip, they just forgave me and I am doing another sin to them.

Napahawak naman sa sentido niya si John, narinig ko naman ang buntong hininga ni Dominic na nasa tabi ko lang kaya hinarap ko ito. "I saw Nice exclaiming earlier. Why is she acting like that?"

I gulped, I opened my phone once again at iyon pa rin ang halos laman ng news feed ko, may kumakalat na rin na hashtag na trending ngayon na #Twilightisnotreal #Cliffordisthebest

"Here." I told them and faced the phone at them. The video played at rinig na rinig ko ang boses ng mga babaeng sumisigaw habang nakanta sila. "Clifford attended a show last night at kumalat kaagad iyon."

"Goodness! I told you I was right!" biglang singhal ni James habang nakahawak sakaniyang ulo. "Sabi sainyo tama ako e! Ayaw niyong maniwala!"

Napakunot naman ang noo ko dahil rito, hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi. "Anong ibig mong sabihin na tama ka?"

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon