Special Chapter

1.8K 53 3
                                    

SPECIAL CHAPTER

"Anak! Ang laki naman nito!" bungad ni Tatay nang makapasok kami sa isang mas malaking apartment na nakuha ko, nakangiti kaming dalawa habang si Tatay at tsine–check ang bawat sulok ng bahay.

May hapag kainan ito para sa apat na tao, may kusina at may sala rin naman, ang kaibahan lang ay may second floor ito at nandoon ang kwarto, apat na kwarto ang meron. Sakto lang ang laki para sa aming dalawa, sa totoo n'yan malaki na nga ito para sa dalawang tao lang naman na titira.

"Syempre Tay! Ikaw pa ba? Para sa'yo talaga 'to." sambit ko at nakita ko ang malaking ngiti sa kanyang labi, lumapit saakin si tatay at mabilis akong sinalubong ng yakap, ganoon rin ang ginawa ko sakaniya hanggang sa humiwalay siya at nilapag na namin ang mga gamit namin.

Pinakita ko sa kanya ang alkansya namin na pang Hongkong. Malapit na itong mapuno at pareho kaming excited, we really want this at unti–unti nang natutupad ang aming mga pangarap.

Nilapag na namin ito at nilabas ko naman ang in–order naming pagkain along the way, malayo na ito sa dati naming bahay at mas maayos na ang paligid namin, sobrang iba na ito sa kinalakihan kong lugar.

I am currently undergoing my internship, sobrang busy at hectic ng schedule, katulong ko sa pag–aaral ang mga magulang ni Maverick. They are the ones who helped me with my tuition and supported me as if they were my parents and I'm very thankful for that.

But when I was at my pre–med days, palagi akong tumatanggap ng mga tutoring para sa mga iba't ibang grade, minsan ay kinder, grade school at highschool na rin minsan kung meron man, malaki naman ang bayad sa akin dahil nakikita rin ang improvement sa kanilang anak hanggang sa hindi na nila ako kailanganin.

I also tried to take different part time jobs na may kinalaman sa course na kinuha ko but I always ending up crying in silent on a dark place or getting sick dahil over fatigue, kaya tinigil ko na rin ito lalo na ng malaman nina Tita at Tito.

And as for Mavi? We are still communicating and that's enough for me. When we both parted ways years back, it was not because we will not make our relationship work, but because we want to achieve our aspirations first before getting together. Marami kaming pangarap sa buhay at maraming responsibilidad na kailangan tapusin bago ang pakikipagrelasyon.

Our relationship can wait, we have to set priorities along the way. Basta ang alam naming dalawa, nandito lang kami para sa isa't isa. Hindi man kami officially dating na matatawag, alam kong naghihintay lang kami ng tamang oras para dun.

Tatay and I ate lunch hanggang sa parehas naming inayos ang bahay hanggang sa maayos na ito at sabay na kaming natulog, we decided to sleep together on our new room pero mayroon naman kaming separate room.

~~

The next morning ay maaga akong bumangon, alam kong hindi pa kumpleto ang mga gamit dito pero napagpasyahan namin ni tatay na uunti–untiin namin ito hanggang sa makapag pundar na kaming pareho at makumpleto na namin ang gamit dito sa apartment.

Nag bihis na ako ng aking uniporme at kaagad akong nag pusod ng aking buhok, I applied a light make–up pero sobrang light lang nito at saka ako lumabas ng aming bahay, halos alas kwatro palang pero nandito na ako, hindi rin naman ako halos nakatulog kagabi.

Habang nakasakay sa jeep ay kaagad akong nagbukas ng aking telepono, ito lang ang mga oras na hindi ako busy kaya sinasamantala ko na kung online ba siya, mabuti nalang at nakapag load ako kahapon at kung sakaling online siya ngayon ay baka makatawag pa ako

I searched for his name and smiling waiting for him but then it faded when I saw that he was online 10 minutes ago, pero chinat ko pa rin siya baka sakaling mabasa pa niya ito.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon