Chapter 04

2.1K 65 3
                                    

Chapter 04

MC's POV

"Ha? Twilight? Ano 'yun?" takang tanong ko sa kanya habang naka–kunot ang noo ko, hindi ko talaga gets 'yung sinabi niya. Kung grupo lang naman ng mga lalaki 'yan bakit ganyan sila magkagulo? Kung tungkol naman sa yaman, they surely can afford this school kaya nga sila nag–aaral dito so the level between them and those guys are just the same... well I guess?

Mukhang nabasa naman ni Nice ang nasa isip ko kaya napabuntong hininga siya. "They are no ordinary rich guys MC." unti-unting lumiwanag ang mukha n'ya. "They are one of the most popular men in this world! Their families are known worldwide and they have a great reputation and name! They are also the heirs of their own company but right now, they are the members of the Twilight club, where there are singers, dancers and many more! They are the aspiring idols of this school! Given the visuals they have!"

Tumango-tango naman ako bilang tugon. Napasulyap ulit tuloy ako sa mga lalaking iyon. Mukhang nalinawan na rin ako sa sinabi ni Nice. Batay pa lang sa pananamit, sa pagtindig, paglalakad at ayos nila ay halatang hindi nga lang sila basta mayaman, may kakaibang aura silang dinadala na kakaiba kung ikukumpara sa ibang lalaki na nag-aaral dito.

At saka, aaminin ko. Hindi kasinungalingan ang sinabi ni Nice na gwapo ang mga ito. Kanina kasi ay mabilis lang na tingin ang ibinigay ko kaya hindi ko napagmasdan ang mga itsura pero ngayon nahahalata ko na, nakikita ko ngang gwapo at kakaiba ang itsura nilang lahat.

May something talaga eh. Hay, iba ata talaga kapag magandang shower ang gamit sa pagligo.

Add na rin siguro sa charm nila bilang lalaki ang marunong kumanta at sumayaw kagaya ng sabi ni Nice. Kakaunti lang kasi ang may ganoong talent at napapabilib rin ako sa mga taong magagaling sa larangan ng musika at pagsasayaw.

Nakita kong umupo sila sa isang mahabang lamesa. The table have 10 chairs at sakto sa kanila iyon. Looks like that's their usual spot dahil kanina pa 'yan bakante at walang nagtangkang umupo duon kanina.

"See what I mean now?" I snapped back when I heard her. "Gwapo nila 'no? No wonder all the girls in here, including me of course, are smitten!"

"Hay, hindi naman kita masisisi pero kailangan ba talagang magsigawan at humawi kapag dadaan sila? Sorry pero pare-parehas lang naman tayong estudyante dito." makapal na mukha na sabi ko.

Siguro nga naaastigan ako sa mga teleserye na may ganito pero kakaiba pala kapag nakita mo sa totoong buhay. Parang napapasabi ka nalang na 'ahh, totoo nga na hindi laging totoo ang nangyayari sa mga teleserye sa totoong buhay' kasi looking at them right now, I don't see the importance and need to shout, scream and squeal when they enter the cafeteria or kahit saan pa man. Baka naman nasasabi ko lang ang mga ito dahil hindi ko nakasanayan?

Sabagay, first day ko pa lang naman dito. Kailangan ko nalang rin sigurong masanay.

"Hindi ka man lang ba naa-attract kahit na isa sa kanila?"

Umiling ako. "Sakto, gwapo naman. Hindi naman kasi ako sa mukha nagbabase, you know, sa ugali din."

"I get it!" ngumiti ito nang malambing. "Pero see that guy on the far right? His name is Dominic, don't ever talk to him because he's really pilosopo and annoying!"

Natawa ako nang mahina dahil sa sinabi nito. Patuloy lang ang pagkukwento n'ya tungkol sa lalaking ang pangalan ay Dominic at kung gaano ito nakakainis, ayon kay Nice. Halata mo sa mukha n'yang inis na inis siya sa binata at bigla kong naalala ang nangyari kahapon. Si Dominic ata ang lalaking unang bumati sa akin, 'yun 'yung naalala kong binaggit ni Nice na pangalan eh.

Payapa naman ang naging agahan ko dito sa One High. Masasabi ko lang na mukhang mababait at mabubuti naman ang mga estudyante dito. They all have manners, respect and humility. Nakakatuwa nga dahil lahat sila ay nagliligpit ng sarili nilang pinagkainan, unlike others na iniiwan lang kasi alam nila na may nagliligpit naman nuon para sa kanila.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon