Chapter 50

1.3K 41 10
                                    

Chapter 50

THIRD PERSON

"Ano na naman bang pakana ito Dwayne?" Kaiden's mother asked, she's sitting comfortable inside the conference room of Dwayne's company, Dominic's parents.

Napatikom naman ng bibig si Dwayne, he don't know what's gotten into his own mind at kung bakit nga ba talaga niya pinatawag ang kaniyang mga kaibigan, ang iba ay ang kanilang mga asawa lang ang nakarating dahil may sari-sarili silang mga ginagawa sakanilang kumpanya.

"Istorbo ka alam mo 'yon?" sambit naman ni Eugene, ang tatay ni Maverick,

Napa "tsk" naman si Dwayne at sinamaan ng tingin si Eugene na tinawanan lang siya, ang iba ay napailing nalang rin.

Silang mga magulang ay dati na ring magkakaibigan, simula nu'ng highschool hanggang college, magkakakilala rin silang lahat dahil nagmula rin sila sa marangyang pamilya na sila rin ang tagapag mana ng kaniya-kaniyang mga kumpanya nuong mga kaedaran nila ang kanilang mga anak.

"E kasi naman eto na nga!" sambit ni Dwayne, bahagya itong ngumiti. "Susuportahan na natin ang mga anak natin ha! Wala ng magrereklamo!"

Napailing naman ang iba. "Ilang beses na ba nating napag-usapan ito?" tanong naman ni Francine, ang nanay ni Wayden. "Wayden may not be my son, pero naniniwala ako sakaniyang kaya niyang pamahalaan ang kumpanya, he can work with his brother."

Napa "tsk" na naman si Dwayne. "Kung may tiwala ka sa anak mo na pamahalaan ang kumpanya niyo sana may tiwala ka rin na magiging successful rin siya sa larangan na gusto niya."

Naningkit naman ang mga mata ni Jeremy, ang tatay ni Joshua. "Akala mo ba hindi ko nahahalata na patago mong sinusuportahan ang mga bata?" tanong nito at kaagad na nanlaki ang mga mata ni Dwayne pero itinago niya ito.

"E ano naman?"

"Tsk! Baliw ka na talaga Dwayne pare!" sabat na naman ni Jeremy.

"Kung sana kasi hindi niyo pinamana sa mga anak niyo ang mga talento natin sa pagkanta at pagsayaw sana hindi nila maiisipan ang ganitong larangan ngayon tsk." sabat naman ni Dwayne na sinang-ayunan naman ni Gino, ang tatay ni James.

"Kasalanan pa natin ngayon?"

"MISMO!" sabay sabay na sigaw nilang lahat at 'di kalaunan ay nagtawanan rin naman sila.

They just can't really be serious about something, nagiging seryoso lang sila sa harapan ng kanilang mga anak pero kapag wala na ang mga ito ay ganito lang sila mag-usap, parang mga batang na animo'y akala ay mga teenager pa sila.

"Ang susungit niyo kasi! Kung nakausap niyo lang talaga MC! Matutuwa kayo sa batang 'yun naku!" pamamalita ni Dwayne, nakangiti ito habang inaalala ang kanilang usapan ng dalaga, sobrang natutuwa siya rito dahil kung kausap mo ito ay parang matanda rin.

"'Wag mong sabihin na gusto mo si MC? Isusumbong kita sa asawa mo!" sigaw naman ni Isko na ama naman ni Shaun, sinamaan lang ito ng tingin ni Dwayne bago binato ng water bottle na nasa harapan niya.

"I hated her first," pag-amin ng nanay ni Kaiden.

Tumango naman si Rhea. "Oo, sinampal mo pa nga." natatawang tugon nito at sinamaan naman siya ng tingin ni Kath na nanay ni Kaiden.

"I'm sorry okay! Hindi ko naman sinasadya! Mainit lang talaga ang ulo ko no'n since I just came from a meeting!" depensa niya sa sarili pero tinawanan nalang siya ng iba.

"Seriously, even though they can't see it. Our children can't see it, I am so proud of them because of the talent they have, because of how brave they can be that they can even defy us." saad naman ni Patricia na nanay naman ni Samuel.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon