Chapter 23

1.1K 45 0
                                    

Chapter 23

MC's POV

"H-huh?"

I asked him out of confusion, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakaniya. Ano nga bang dapat kong isagot?

He's jealous, because of what? I don't really get him and kahit kailan ay hinding hindi ko siya magegets dahil ang weird weird niya kahit kailan!

He tsked, he looks frustrated right now, as if he's going to explode any minute now. "I said, you used too much hips and too sexy, other men around you saw that so I am-"

"Ang sabihin mo nalang kasi, selos ka kasi hindi ka makasayaw ng gano'n." napatingin kaming parehas sa nag salita at nakita namin si Wayden, lumapit siya kay Maverick and he wrapped his arms around his shoulder at saka ako kinindatan.

Maverick rolled his eyes, "Whatever." he said at saka inalis ang pagkakaakbay sakaniya ni Wayden at saka ito nag lakad papalayo saamin.

Mahina kaming natawa ni Wayden nang magtama ang mga tingin namin. "Hinatyin niyo nalang matapos itong niluluto ko." sambit ko at napatango naman siya sabay punta na ulit sa sala.

Nag hiwa lang ako ng mga kakailanganin para sa sisig, matagal na kasi nilang gustong kainin ito at ngayon lang ako nakahanap ng magandang oras para gawin ito.

Madalas kasi sina James at Shaun ang may gusto ng pagkaing ito at nakikisama na rin ang iba. Kaya naman palagi akong nakakangiti tuwing maririnig ko mula mismo sakanila na gusto nila ng mga ganitong klaseng pagkain.

Akala ko talaga puro sosyal lang ang gusto nilang kainin, mabuti nalang hindi sila masyadong food conscious.

Nang matapos akong magluto ay nagsaing na rin ako at saka naghain ng lamesa, nag luto lang ako ng juice para saaming lahat at saka ko sila tinawag lahat. "Kain na!" nakangiti kong sambit at kaagad naman silang lumapit at naupo sakanilang mga usual na upuan.

We prayed before we started eating, napatingin naman saakin sina James and they gave me their beautiful eyes, they blinked their eyes several times kaya mahina naman akong natawa.

"I am spoiling you guys." saad ko sakanila.

Kinuha ko naman ang lalagyan ng kanin at saka ko sila nilagyan isa't isa. Sinunod ko naman ang ulam at nilagyan ko rin sila, pati na rin ata ang juice ay nilagyan ko na rin ang mga baso nila.

Sina Joshua at John na madalas ay seryoso lang ay nakisama na rin at umakto silang parang mga bata na nag palagay na rin saakin. Well, I don't really mind at all dahil mas gusto kong makita ang mga ganitong side ng Twilight.

Sobrang ibang iba kasi talaga sila kapag nasa labas sila ng dorm. I wonder how they are doing it.

"Siguro naman kaya niyo nang kumain mag-isa?" natatawa kong sabi at nagtawanan naman ang lahat, we started eating at nakita ko namang enjoy na enjoy sila.

"MC, oo nga pala. Saan ka natutong sumayaw? Ang sabi mo kasi saamin no'n marunong ka lang sumayaw pero wala ka ng practice, 'yung itsurang ba 'yun walang practice?" sambit ni Shaun at bahagya naman akong napangiti.

"I really don't know. Maybe namana ko kay Tatay dahil palagi niyang sinasabi saakin no'n na palagi siyang sumasali sa mga contest nu'ng highschool sila samantalang si Nanay naman natural singer talaga siya." I told them.

"Ibig bang sabihin nu'n... puwede ka na rin naming maging consultant para sa contest?" biglang tanong ni Kaiden saamin kaya napatingin ang lahat sakaniya at saakin at ang pannghuli ay kay John naman.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon