Chapter 46

1.1K 33 3
                                    

Chapter 46

MC's POV

"Let's go get drunk tonight!" aya saakin nina Amara the moment they got out of the pool, siguro ay napagod na rin sila kakalublob.

Hinila na nila ako so I just let myself get drag by them, nakarating kami sa cottage, nang makarating ako duon ay kaagad akong napatingin kay Maverick, hindi naman sa sinadya kong tumingin sakaniya, kusa nalang tumingin ang aking mga mata sakaniya at nakita kong ganoon rin siya.

I felt my face heated kaya kaagad kong iniwas ang mukha ko at kinuha nalang ang baso na iniabot saakin ni Amara, they are mixing beer with juice at sinabi naman nila na mas mataas ang amount of juice kaysa sa alcohol and a little drink would not hurt me right?

Tinanggap ko nalang ito dahil ayoko rin naman na makipaglabanan ng titigan kay Maverick, hindi ko alam, after what he said to me.. I shouldn't feel this way right?

We ate, talk and drink, nakaisang baso lang ako kahit na anong pilit saakin ng mga kaibigan ko, good thing is Twilight isn't interfering with us, they are letting my friends, and I can see that they are enjoying their company too, kung kami kami lang siguro ang magkakasama ay baka mabilis kaming mag sawa dahil halos araw araw na namin kasama ang isa't isa.

Amara was the one handling the speaker and she's opting everyone to dance, dahil nasa dulong cottage kami ay wala masyadong tao dito so no one would be bothered sa ingay ng mga kaibigan ko. Snow and Celine are just laughing their assess off habang tinitignan si Amara, may hawak itong baso at sumasayaw sayaw pa na parang baliw.

But then later on ay dinamayan na rin nila si Amara at nakisayaw na rin silang dalawa, while Nice... she's currently bragging about her "future husband" to everyone. Nakaupo siya sa tabi ko at nakailang baso na rin siya, nuong una ay mas mataas ang juice na iniinom niya pero unti-unting nawawala ang juice hanggang sa alcohol nalang ang iniinom nito.

She kept on talking and talking hanggang sa wala nang nagawa ang Twilight kundi ang makinig nalang sakaniya habang nainom din sila.

"Nakilala mo na ba siya?" mapang-asar na tanong ni Daniel habang nakasandal ang kaniyang ulo sakaniyang kamay at nakangiting nakatingin kay Nice, he's fascinated with how talkative she is.. I guess?

Tumango naman si Nice habang uminom pa ng isang baso nang diretso. Napapikit pa ito nang gumuhit sakaniyang lalamunan ang kaniyang ininom. "Hindi pa! Pero soon! Alam kong makikilala ko na siya!" natatawa niyang sabi.

She asked me for another drink pero iniling ko lang ang ulo ko. She know what she's doing dahil diretso pa naman siya mag salita.

"Paano mo nasisigurong gwapo siya e hindi mo pa naman nakikita?" tanong naman ni Joshua na natatawa na rin sa hitsura ni Nice,

I'm pretty sure she would regret this night, when she realize all of this tomorrow. Maaring magkaroon siya ng hangover pero alam kong alam pa rin niya kung ano ang ginagawa niya.

Nice waved her hand in the air as a sign of dismissal. "Duh! My dad won't get me a cheap and ugly one! Kahit papaano naman may pakialam pa rin ang tatay ko sa lahi namin!"

Natawa naman kaming lahat dahil duon at saka siya humiling sa balikat ko at niyakap ako. "Kaya ikaw best friend, ang ganda ganda mo tapos ang gwapo gwapo pa ng mga nagkakagusto sa'yo-" tinakpan ko na kaagad ang bibig niya.

Tinignan niya ako at nakita ko ang pagngiti ng kaniyang mga mata, pinanlakihan ko siya at saka ako bumulong at sinabing manahimik na siya.

Inalis niya ang kamay ko, nang hindi niya ito magawa ay umarte pa siyang iiyak kaya binitawan ko na rin at narinig ko ang maliit niyang tawa.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon