Chapter 21

1.2K 40 2
                                    

Chapter 21

MC's POV

"Cliffords are joining." John uttered. Almost whispering as if he doesn't want anyone to hear him.

Napalingon rin ako sa iba pa, lahat sila ay seryoso ang mukha at ang iba ay mukhang binagsakan ng langit at lupa. Hindi ko naintindihan ang akto nila kaya mahina akong natawa.

"Oh? Ano naman ngayon kung sasali sila?" I shrugged. "May iba rin namang schools na sasali."

"They... uh... also joined last year? 2 years ago? Ever since our first year..." saad ni Samuel. Akmang magsasalita na sana ako ulit nang unahan niya 'ko. "And they keep on winning. Every time we go against them, they'll win in the end. Whatever happens."

Umawanng ang bibig ko nang maliit. Kung ganun nga ang parating nangyayari, ibig sabihin lang nun ay... mas magaling ang Cliffords sa kanila?! Galing naman nila!

"Takot na kayo sa kanila?" tanong ko.

Lumipas ang ilang segundo at wala akong narinig na kahit na anong tugon mula sa kanila kaya nakuha ko na ang sagot sa tanong ko. Sino ba namang hindi matatakot kung ilang beses na pala silang tinalo ng grupong 'yon? Kahit ako rin naman ay matatakot 'no!

"Kung ano man ang nararamdaman n'yo ngayon, normal lang 'yan." dagdag ko. Tumingin na sila ngayon sa akin lahat. "Normal lang naman matakot sa grupong palagi na kayong tinatalo, normal lang na matakot sa kanila kasi sabi n'yo ay hindi kayo nananalo tuwing kasama sila sa mga magiging kalaban n'yo." bumuntong hininga ako.

"Kailangan talagang ulit-ulitin na hindi kami nanano sa kanila?" pamimilosopong singit ni Maverick.

"Patapusin mo ako." inirapan ko siya. "Ayos lang na matakot pero hindi ibig sabihin nun ay panghihinaan na rin kayo ng loob. Nung makita niyo kasi ang pangalan ng Cliffords sa listahan ay para kayong nagluluksa!"

Nobody talked and just looked down. Lumapag ang gawi ko kay Jacob, he silently gave ma small smile. Si John naman ay walang emosyon sa mukha, ang tatlo na sina James, Shaun at Dominic ay napakamot sa ulo at napakagat naman ng labi ang iba. Huli kong tinignan si Maverick but he raised a brow on me. Tarayan ba naman ako?

"You don't understand MC, we have to win this contest this time. We can't afford to lose again. We always exert our best whenever we go against them... but nothing seems to work. We always lose, it feels like the results were already announced even though the contest isn't starting yet." saad naman ni Kaiden kaya napatango ako.

"That's the reason why you're not winning." I smiled. "Kasi palagi niyong iniisip na kapag kalaban sila, wala na agad pag-asa. Parang nagpe-perform nalang kayo for formality sake sa judges at sa audience, hindi para manalo sa contest. What I meant by what I said, it's normal for you to be scared, just don't give up. You have to keep your goal. 'Wag niyo hahayaang may sumira ng number one goal niyo sa buhay."

Nagbuntong-hininga ako at saka tinignan sila isa-sai.

"Tuwing nakikita ko kayong nag-uusap tungkol sa contest habang nagluluto ako, habang naghuhugas ako, habang kumakain tayo, kitang kita ko 'yung determinasyon sa mga mata niyo. Kitang kita ko kung gaano kayo ka-seryoso sa ginagawa niyo at napabilib niyo ako dun." pag-amin ko.

Hindi ko akalain na masasabi ko 'to sa kanila. Wala akong balak na sabihin ito kahit na sino at nangako na para sa akin lang ang mga thoughts na ito. Pakiramdam ko lang talaga ngayon na kailangan nilang marinig ang mga nasa isip ko.

"I saw burning passion in your eyes. Somehow, that gave me motivation to do better." I chuckled. "Pakiramdam ko tuloy hindi ko pa masyadong sineseryoso ang buhay ko nung nakita ko kung gaano kayo ka-passionate sa ginagawa niyo ngayon."

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon