Chapter 13

1.5K 58 2
                                    

Chapter 13

MC's POV

"Tito, mauuna na po ako." paalam ni Jacob at nagmano pa siya kay Tatay.

"Nako sige iho, mabuti pa nga. Baka masyado na kaming naka–abala sayo."

Nakita ko ang isang ngiti sa labi ni Jacob. "Wala lang po 'yun. Besides, I just did what I could as a friend of your daughter." agad naman akong natigilan na sinabi n'ya.

Kami? Magkaibigan? Totoo ba 'yang sinasabi niya?

I want to object from what he said pero wala namang lumabas sa bibig ko hanggang sa makalabas na kaming dalawa sa bahay namin. Parang hindi ko rin matanggi ang sinabi n'ya. Matapos kasi ng ginawa n'yang tulong sa amin ay nawalan na ako ng lakas at tapang na awayin at tarayan siya. He somehow saved us, though. Baka mamaya kung hindi n'ya ginawa 'yun ay nasa baranggay na kami ni Tatay at nagpapaliwanag kay Cap. Wala pa 'man din kaming pambayad kahit katiting lang.

Samakatuwid, hindi rin ako makatingin sa mga mata n'ya ngayon. Para akong nahihiya dahil siya pa ang nagbayad na dapat kami ang nagbigay kay Manang Portia. Akin dapat ang responsibilidad na 'yun pero hindi ko nagawa kasi wala rin akong maibigay.

"You want to say something?"

I was caught off guard. Hinatid ko na kasi siya sa sasakyan n'ya at akala ko nakaalis na siya pero masyado atang malalim ang iniisip ko at hindi napansin na hindi pa pala siya lumilisan.

"Wala naman, nahihiya pa rin ako." pag-amin ko.

"I told you, that's help and not debt. But if you insist on paying for it then you can by accepting our offer."

"Paano kung hindi ko na tanggapin?"

"Then that's my help. You don't have to pay for it and I won't even accept anything from you as a payment for that." he said. Firmly.

Mukhang kumbinsido naman na siya na ayaw niyang mag pabayad kaya napatango nalang ako. On the outside I looked like agreed with him na hindi ko na ito babayaran but my brain says otherwise. I am still willing to pay for the debt.

Nang makaalis si Jacob ay bumalik ako sa loob. Sumalubong ang tingin sa akin ni tatay habang nakangisi pa.

"Anong tingin 'yan tatay ha?" tanong ko, halatang may malisya ang tingin n'ya pero hindi ko 'yon pinahalata na alam ko. Naupo nalang ako sa tabi n'ya.

Nakangisi pa siya sa akin habang unti–unti itong naging ngiti. Itinaas baba pa n'ya ang kanyang kilay habang malawak ang ngiti. Kinamot ko ang ulo ko at bahagyang tinampal ang kanyang braso.

"Tay! Mukha ka namang ewan e! Ano ba 'yang ngiting 'yan?" I hissed.

Natawa naman siya pero nang maubo siya ay inabutan ko siya ng tubig. "'Yan kasi!" sisi ko pa sakaniya but he just laughed again.

"E bakit ba? Masama na bang maging masaya para sa anak ko?" he asked. His voice was obviously teasing me.

"Masaya? Bakit naman?"

"Boyfriend mo?" he asked out of the blue and I looked at him with wide eyes and my lips parted a little. "Oh? Gulat na gulat naman, napaghahalataan ka tuloy." mahina ko na namang tinampal ang kanyang braso.

"Hindi ah!" deny ko dahil hindi naman talaga. "Kaibigan lang talaga siya, 'Tay. Issue ka masyado."

'Di pa rin ako sigurado tuwing sasabihin ko na kaibigan ko si Jacob. Nung nasa One High ako ay halos isumpa ko sila dahil palagi nila akong iniinis at palagi akong napipikon sa kanila, pero dito sa labas kulang nalang at best friend na ang itawag ko sa kanya.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon