Chapter 17

1.4K 49 2
                                    

Chapter 17

MC's POV

"Ano na namang pakulo 'to?" I mumbled to myself as soon as I read what's on the paper, maganda ang pagkakasulat at anonymous? Makikipag kita sa backyard nitong sa One High?

Kahit na curious ako ay iniling ko nalang ang ulo ko, wala naman siyang sinabing oras so maybe anytime is okay right? Besides, I still have a lot of workloads ahead of me.

Ngayon ay nakaharap na ako sa Twilight, para silang mga batang nasa field trip at ako ang tour guide nila dahil ako ang nasa harapan. Natawa nalang ako nang mahina sa naisip ko, mukha kasi silang mga kinder na estudyante.

Sa dinami dami nila sa grupo nagawa pa nilang mag hire ng assistant nila.

Pero nagpapasalamat na lang din ako. Siguro ito rin 'yung tinatawag nilang blessing in disguise dahil kung hindi pa ito nangyari ay siguro namomroblema na rin ako ngayon kung paano ko matutulungan si tatay na magkaroon ng dagdag income. At least dito alam kong may kikitain ako at may maibibigay kay tatay pagdating ng panahon.

Kaya imbis na magmaktol at mainis ay pinagpapasalamat ko na lang na naisipan nilang maghanap ng assistant. Napagtanto ko na hindi na rin mahalaga sa akin ang iniisip at sinasabi ng iba tungkol sa akin. Hindi ako naapektuhan nun nuon at hindi ako maapektuhan ng mga nun ngayon. Not this time. I've had enough hurtful words from people before and those won't affect me today.

"Anong gusto n'yong kainin?"

Napalingon naman silang lahat kay Maverick at John. Sila nga lang pala ang halos mapili sa pagkain dito, anything is okay with them basta healthy naman at balance and vegetables, fish, chicken and pork sa isang linggo.

Napataas baba naman ng balikat si John. "Kahit ano, ikaw ang cook."

Napalingon naman ako kay Maverick at bahagya siyang tinaasan ng kilay. Kapag namili pa siya ng kakainin niya hindi ko iluluto 'yon, siya lang naman ang kakain mag–isa!

"Ayaw niyo ba ng pagkain sa canteen?" tanong niya sa mga kaibigan niya.

Napamaywang tuloy ako sa sinabi n'ya. Ayaw ba n'ya sa luto ko kaya nag-sa-suggest siya na kumain sa cafeteria?! Hindi ba masarap?

Umiling iling naman ang Twilight sakaniya, they started to complain na kesyo paulit ulit na raw at nakakaumay na ang lasa dahil 'yun na ng 'yun ang kinakain nila... which I don't believe.

Araw araw kayang iba't ibang putahe ang nasa canteen! Para ngang hindi nauulit 'yun e! Palibhasa kasi mga western food at totoo naman, nakakasawa rin na puro ganun ang kinakain, bihira ang Filipino dishes sa cafeteria.

"MC!" napalingon naman kaming lahat sa tumawag, lumapit sa akin ang babae kong kaklase na naka salamin at medyo magulo ang buhok.

Bahagya siyang napayuko nang mapansin niya sigurong pati ang Twilight ay nakatingin sakaniya, napatawa naman ako nang mahina, Pati pala siya ay tinamaan nitong mga Twilight na 'yun.

"Yes? Ano 'yon?"

Bahagya niyang ini–abot sa akin ang pile ng yellow pads, nagtataka ko naman siyang tinignan. "P–pinapabigay... paki dala raw sa faculty office." she said at napatango naman ako at bahagyang ngumiti.

"Sige, ako na ang bahala rito.." akmang kukunin ko na ang papel mula sakaniya nang biglang may mag salita sa likod namin.

"Can't you do that yourself? Nasayo na ang papel at ang kailangan mo na lang gawin ay mag lakad at pumunta sa faculty room at ibigay sa teacher na 'yan ang mga papel." singit ni Maverick saamin.

Masama ko naman siya tinignan pero parang wala siyang narinig kaya inirapan ko nalang siya. Kinuha ko sa babae ang mga papel na hawak niya at saka hinarap si Maverick.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon