EPILOGUE

1.9K 37 3
                                    

EPILOGUE

MC's POV

"Maverick naman!" I squinted my eyes and scowled at him when he hugged me from behind, nasa loob kami ng libary and he's so being clingy!

Pabulong ko lang siyang sinisigawan kaya naririnig ko rin ang munti niyang tawa, napapailing nalang ako tuwing mararamdaman ko ang mukha ko na nag-iinit, I am mad but my face says otherwise.

"Shush Celistina, baka may makarinig sa'yo." bulong niya sa tapat ng tainga niya at napaiwas naman ako ng ulo ko dahil bahagya akong nakiliti sa ginawa niya.

I pushed his face away from me at lumitaw naman ang kaniyang ngipin dahil sa lawak ng kaniyang ngiti, I rolled my eyes on him and gave him the book I am reading, malapit na kasi ang finals namin kaya wala kaming ibang ginagawa kundi ang mag-aral.

Since the Twilight knew about our status, they decided to let me sleep inside Nice's dorm which was my dorm before I became their assistant, wala raw kasi silang tiwala kay Maverick. Muntikan pa nga silang mag-away nuon dahil ayaw pumayag ni Maverick pero sumuko na rin siya.

Kaya ngayon eto, buntot ng buntot saakin kahit na saan ako mag punta, kahit na maghapon daw ako dito sa library ay ayos lang daw sakaniya, baliw na talaga.

Binuklat niya ang libro at nakita kong mabilis niya itong binubuklat, titigil siya sandali pagkatapos ay ililipat na naman niya sa kabilang page hanggang sa matapos siya sa pinakadulo at ngumiti saakin.

"Ayan, nakapag-aral na ako, okay na ba?"

I shook my head and just gave him a small smile, lumapit na naman siya saakin at saka niya ako niyakap na naman mula saakin likod at ako naman ay kahit medyo distracted ay nag-aral nalang.

Lumipas ang ilang minuto at nasa ganoong pwesto lang kami hanggang sa bumitaw si Maverick sa pagkakayakap saakin at saka siya nag tungo sa tabi ko, inihiga niya ang kaniyang ulo sa lamesa habang hawak hawak ng isang kamay niya ang kamay ko at pinagsiklop ito.

I smiled by the sigh of him, binitawan ko ang libro na hawak ko sa isang kamay ko at iyon ang ginamit ko na pangsuklay sakaniyang buhok na magulo na naman. Alam kong ayaw niya itong ipaayos pero may magagawa ba siya kung ako ang nag-ayos?

Habang ginagawa ko iyon ay idinilat niya ang kaniyang isang mata at nakita niya ako, ngumiti siya saakin at ganoon rin ang ginawa ko sakaniya, hinuli niya ang aking kamay na nasa buhok niya at saka nya ito hinawakan at marahang pinisil.

"Do you have something to do on 25th?" he asked.

Napakunot naman ang noo ko at sinubukang isipin kung ano ang meron sa March 25, napailing naman ako sakaniya dahil wala naman talaga akong gagawin duon.. bukod nalang sa birthday ko na March 27 pa naman.

"Then we'll go somewhere, I'll pick you up." saad niya at pinalo ko naman ang kaniyang braso.

"Huwag mong planuhin baka hindi matuloy."

"But I'm a Tanideo." nakangusong sabi niya at nabigla pa ako nang bigla niya akong halikan sa pisngi kaya pinalo ko siya sakaniyang dibdib dahil baka may makakita saamin at nasa loob kami ng school!

"Shush!" I placed my finger on my lips at sinabihan ko siyang manahimik, tanging tawa lang ang binigay niya saakin at nagpatuloy na kami sa pag-aaral.

**



"Maria Celistina Xavier, with high honors... Salutatorian." narinig ko naman ang samu't saring palakpakan, nangunguna ruon ang Twilight at sina Nice na walang ginawa kundi ang isigaw ang pangalan ko.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon