Chapter 45

1.1K 27 3
                                    

Chapter 45

MC's POV

Acceptance, from what I can see, acceptance is what they need right now.

Hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon pero iyon ang napapansin ko from the past few months na kasama ko ang Twilight, they accepted me as their friends not just because for who I am, but because I also accept them as they are.

Hinihintay ko ngayon si Maverick pababa sakaniyang kuwarto, he told me that he will just take a shower, kahit na nahihiya ay bumaba ako at nakasalubong ko naman ang kaninang kasambahay nila na medyo bata, siguro mas matanda lang ito saakin ng ilang taon pero hindi naman ganoon katanda.

She stopped from wiping the vases at saka ito tumingin saakin at ngumiti.

"Kamusta naman po ang pagdalaw niyo kay Sir Mavi?" she asked me at bahagya naman akong napatango sakaniya. Sinabi ko lang sakaniya na ayos naman ay pababa na rin si Maverick mula sakaniyang kuwarto.

I saw the sign of relief on her eyes and looked at me before a wide smile flashed on her face again. "Nakakatuwa lang po kayo." she said and scratched her nape a little, biting her lower lip. "Nasa hospital po kasi si Landon, bukod sa nahulog ito sa hagdan na trauma na kasi ang bata at inaatake ito ng kaniyang hika kapag natataranta o kaya ay nag papanic." she explained to me, almost whispering.

I smiled weakly. "You don't have to tell me the story... Baka mamaya ay mapagalitan ka pa ni Maverick."

Napatango naman siya. "Sorry po Ma'am, masyado na naman po ata akong madaldal." nahihiyang sabi niya at bigla naman siyang napatalon nang bahagya.

Bigla naman kaming may narinig na umubo sa likod namin kaya nakita ko kung paano umatras ang babaeng tagapagsilbi nila dito at bahagyang napayuko. "Goodmorning Sir Maverick." she bowed down.

Tumingin lang sakaniya si Maverick sabay tango, akmang aalis na ang babae nang mag salita ako. "Goodmorning~" I said at pinanlakihan ko nang mata si Maverick.

He raised his brows on me at ganoon rin naman ang ginawa ko, I motioned my head toward the girl and crossed my arms on my chest.

I heard his sigh. "Goodmorning Precious." he said at nakita kong natigilan ang babae, napangiti naman ako kay Precious daw at kumaway ako sakaniya at saka kami lumabas ni Maverick sakanila. Since wala naman akong kotse ay nilabas niya mula sa garahe nila ang kaniyang kotse at sinabi niya na siya na daw ang mag da drive.

Hindi na rin ako umangal at pinagbuksan niya pa ako ng pinto at tanging pasasalamat lang ang sinabi ko at tahimik kaming umalis sakanilang bahay, I was just looking on the window, at pinagmamasdan ang mga puno at naglalakihang bahay na nakapalibot lang dito sa village nila.

Halata mong mga mayayaman rin ang nakatira dito o kaya ay may kaya dahil sa laki ng bahay, I was just admiring the view when I heard Maverick speak.

"Uh.. didiretso na ba tayo du'n?" asked Maverick.

Napakibit balikat naman ako. "May gusto ka pa bang daanan? Puwede naman siguro, you still have the whole day to practice." I said at nakita ko naman ang mahina niyang pagtango saakin.

Niliko niya ang kotse at hinayaan ko nalang siya, kung maliligaw man kami e 'di maganda! Hindi ko pa naman masyadong alam ang daan dito.

Napahinto ako nang mapagtanto kong nakarating kami sa isang hospital, pumasok kami sa parking lot at saka kami lumabas, I was just walking right beside Maverick who's leading the way, nakikita ko ang uneasiness niya habang naglalakad kami so I tapped his shoulders and smiled at him.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon