Chapter 06

1.8K 75 1
                                    

Chapter 06

MC's POV

"Hay, Idol ka na talaga namin." Amara said with a thumbs up. "I don't know how to do martial arts! I guess I should've took my mom's advice, baka sakaling nakuha ko na rin atensyon nila ngayon." nakangusong dagdag pa nito.

"Hindi mo naman kailangan matuto nun para lang makuha mo atensyon nila. You have your beauty, use it."

"Thank you, MC, for that inspiring message pero matagal na akong maganda pero negative pa rin!"

"Calm down! Maybe we can ask MC to be our martial arts instructor? It's not too late to learn, right?" sabay sabay silang tumingin sa akin. Taka kong tinignan si Snow dahil siya ang nag suhestiyon nun.

"Sigurado kayo?"

"Yes!" iisang sambit nila at napangisi naman ako.

"There's no backing out!" Amara.

"I will never give up!" Snow

"For Twilight!" Celine

"Uhm, can I pass?" lumingon kaming lahat kay Nice. "You know what guys, it's really easy to say but...those things are not my cup of tea. I can't even jog for a minute!"

"Well, you have a point. I've changed my mind." sagot ni Amara na sinang-ayunan naman ni Celine.

"Guys?!" Snow remarked and we all laughed. 'Yung mukha n'ya kasi ay sumisigaw na parang natraydor siya ng mga napagkakatiwalaan n'yang kaibigan.

Naiiling nalang ako tuwing naalala ko ang pag-uusap namin tungkol dun kahapon. Sobrang game na game pa sila pero dahil sa sinabi ni Nice ay bigla silang umatras. Kahit ako rin naman, tinanong ko rin sila kung sigurado ba sila dahil alam kong baka hindi nila kayanin. Hindi naman sa inaalis ko ang potensyal pero para lang makasiguro. Baka mamaya ay masaktan pa sila at hindi ko hahayaan 'yon.

They are my friends now and once someone becomes my friend, I swear to myself that I'll protect them as much as I protect my father. Kahit na ano pa 'yan, ayokong malalagay sila sa panganib.

Tumayo na ako sa higaan ko at saka inayos ang higaan ko. As usual, tulog pa rin si Nice hanggang ngayon. Ako naman ang laging nauunang magising sa aming dalawa.

I yawned after scrolling through my socmeds. Wala naman kaming assignment na kailangang ipasa at pakiramdam ko naman ay hindi magiging hectic ang sched dahil wala naman sinabi na may exams o quiz na magaganap.

Hindi rin nag tagal ay nakaramdam na rin ako ng galaw mula sa higaan niya, baka gising na rin siya. "MC? Bakit ang aga mo magising?" pupungas pungas na tanong niya saakin.

Nginitian ko siya. "Good morning. Hindi lang talaga ako sanay na tanghali na gumising. Maaga pa naman, mukhang inaantok ka pa."

"Inaantok pa ako at nakaka–inggit 'yung kasipagan mo hay." kinusot n'ya ang kanyang mata at mahinang tumawa. "Pero maliligo na ako then we will have our breakfast."

Tumango naman ako. "Okay, hintayin kita."

Medyo nasasanay na rin ako sa paligid ko at nakakabisado ko na rin ang pasikot sikot ng school kaya hindi na rin ako maliligaw kung sakali. Nakarating na kami ng cafeteria and the rest of routine was the same as before.

"Good morning MC!" sandali kaming natigilan ni Nice dahil sa sumigaw and I heard her groan in frustration kaya kilala ko na kaagad kung sino ang tumawag saakin, si Dominic lang naman ang nakakapag pagigil kay Nice ng ganito hindi ko nga lang alam kung bakit.

"Good morning." nakangiting bati ko sakanya at pumagitna naman siya saamin ni Nice, resulting to the two of them bicker at each other. "Huwag ka nga dito! Dun ka sa mga kaibigan mong gwapo!" inis na sigaw ni Nice at tinulak–tulak pa si Dom paalis.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon