Chapter 15

1.5K 48 7
                                    

Chapter 15

MC's POV

"So? What's my first task?"

Kaagad ko namang nakita si Maverick na napahawak sa baba niya na parang nag–iisip na siya ng puwede niyang ipagawa saakin para mapahirapan na niya ako kaagad.

Tumayo si John. "For now, you can go back to your dorm and pack all your things because starting tonight, you'll sleep here."

"Yes boss." mahinang saad ko.

"Y-You don't have to call me that."

"At least let me do that. Masyado na akong maraming issue sa eskwelahan na ito and I have to set boundaries now, don't you think? Saka, totoo naman, pinagsisilbihan ko kayo at sinuswelduhan n'yo ako bilang kapalit. Kwits lang."

Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot at saka tumalikod. Sinara ko ang pinto ng dorm nila at napasandal ako habang nanlulumo. Pampalubag loob nalang na wala akong choice at may utang ako na kailangan bayaran para naman hindi ako gumising sa bawat umaga na iniisip kung paano aalis at makakatakas sa pinasok ko.

The mere reason why nasa huli ang pagsisisi at wala sa unahan.

Kagaya nga ng sabi ni John saakin, bumalik na ako sa dorm namin ni Nice, isa pa 'to. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumira kasama nila. Pwede naman akong gumising ng maaga para ipagluto sila at maglinis ng lugar, kaya ko namang gawin 'yon dahil hindi na bago sa akin ang paggising ng sobrang aga. Kailangan ko pa tuloy iwanan si Nice dito. Sino nalang ang roommate n'ya?

Pagkapasok ko sa pinto, I saw her laying on her bed, obviously killing the time para sa susunod na klase namin, kaagad akong napanguso at tumabi sakaniya sa kama at saka siya niyakap.

Nang makita n'ya ako ay agad siyang tumayo at niyakap ako nang mahigpit. Taka ko naman siyang tinignan habang nakakunot pa ang mga noo.

She laughed. "Do you know that I envy you so much? Kasi isipin mo makakasama mo na matulog ang Twilight!" excited niyang sabi.

"Teka, pa'no mo 'yan nalaman?"

"You see MC, this is not the first time Twilight sought an assistant." naupo kaming dalawa sa kama. "They already tried years back para makahanap ng isang assistant na kagaya mo. At first no one really wanted the position, pero nung sinabi ng Twilight ang rules and regulations, alot and when I say a lot, literally almost all of the girls in here wanted to be their assistant. I actually tried to apply though, only if I knew how to do chores." napanguso itong bahagya.

"So matagal na 'tong assistant thingy na ito?" tumango siya. "Pero bakit parang ngayon lang sila nakahanap?"

"It's because they haven't found the right one, until you came!" nagkibit balikat siya. "Well, kagaya ko rin, they only want to get the chance to live with Twilight, but do you think they'll actually do chores, cooking and etcetera? Of course not! They lived the same lifestyle as me and I know that their own parents also treasured their hands like princesses."

Iniangat pa n'ya ang kanyang kamay para ipakita ito sa akin.

"In short, hindi maka-hire ng tamang tao ang Twilight dahil lahat ng nag-aapply ay hindi marunong ng gawaing bahay! They only care about the regulation that they get to live with the boys. Siguro way back hindi pa masyadong urgent pero looking at them na pinursue ka at cinonvince ka ay siguro kailangan na talaga nila. Swerte lang at dumating ka ngayon when they needed someone like you the most!"

"So sinasabi mong hindi iningatan ni tatay ang kamay ko na parang prinsesa kasi marunong ako ng gawaing bahay?" biro ko.

"NO!" tanggi agad ng kaibigan ko kaya mahina akong natawa. "It's not like that. What I meant was that you're different from us. Different in a positive way because you can do something we can't." ngumuso ito.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon