Chapter 05

2.2K 73 5
                                    

Chapter 05

MC's POV

Buong araw kong nasa isip ang ginawa ni Daniel na 'yun. Hindi ko akalain na totoo nga ang sinasabi nina Snow kanina tungkol sa kanya. Is that normal for them? I'd probably assume that yes, it is normal for him and for them.

Wala naman talagang kaso sa akin 'yon. Ni hindi nga ako nakaramdam ng kahit na kaunting kilig man lang sa kalooban ko nang kindatan n'ya ako. Ang weird n'ya lang kaya ako nagtataka.

Akala rin siguro n'ya na magugustuhan ko siya o kaya ay magpapakita ako ng kapareha na reaksyon kagaya ng mga babae na kinikindatan n'ya nuon. Pwes, ibahin nila ako. Hindi ako magpapadala sa simpleng kindat at hinding hindi ako makukuha ng isang lalaki dahil lang duon. Siguro bonus nalang kung sobrang gwapo pero mas mahalaga sa akin ang prinsipyo at ugali pagdating sa mga ganitong bagay.

Kasalukuyan na kaming nandito ulit sa classroom, wala naman masyadong ginagawa at tama nga si Nice nang sabihin n'ya na "Believe me MC, our teachers will do nothing but to make us take exams all day!" at ganoon nga ang nangyari.

Kada subject teacher ata na pumapasok, mapa major o minor man, ay ang bungad walang iba kundi. "Get one half sheet of paper and prepare for our quiz."

Mabuti nalang talaga at nagbasa ako, kung hindi ko man nabasa ay napag-aralan ko na dati kaya naalala ko pa. Malamang sa malamang ay umiiyak na ako kung sakaling hindi ko nasagutan ang mga tanong kanina.

The only downfall that I experienced today and probably will experience the same for the next months of my stay here is that teachers are expecting me to do great in everything. Dahil sa topnotcher ako ng exam na para sa scholarship application, inaasahan nilang matataas ang scores na mukukuha ko.

Wala naman akong pakelam don. Ayos lang rin sa akin 'yon dahil sanay naman na rin ako sa pressure.

Payapa naman ang isang buong araw ko. Isama nalang natin ang maiimpit na tili ng mga kababaihan dito sa classroom namin dahil sa sampung lalaking kaklase namin. But I have to admit, they are all very good too. Ilang beses na kasi silang nahuli na nagtatawanan at nagbubulungan pero tuwing tinatanong sila tungkol sa lesson ay nasasagot naman nila ito. 'Di ko na nga lang alam kung may bulungan na nangyayari pero labas na ako duon.

Ganoon rin ang nangyari kinabukasan. Nag-aaral ako ngayon dito sa loob ng dorm namin ni Nice dahil sobrang aga pa para sa unang subject. "We'll have another major exam sa Chem. I don't know what to freaking review!" dabog ni Nice bago siya matulog kagabi.

Napailing nalang ako tuwing naalala ko iyon dahil sobrang stress na stress siya dahil kahit kailan ay hindi naman daw n'ya nagustuhan ang subject na Chemistry. Sabi ko pa nga sa kanya ay tutulungan ko siya mag review pero tinanggihan n'ya rin ako. "No thanks, I'd rather sleep than memorize those formulas." she remarked.

At dahil kagaya ng sabi niya na mas gugustuhin n'yang matulog ay mahimbing pa nga ang pagkakahiga n'ya sa kama habang ako ay nagbabasa at nire-recall na ang mga ni-review ko kagabi.

It's almost six-thirty in the morning. We'll start our classes today by nine AM dahil inabisuhan na rin kami ni Mrs. Diam kahapon na wala siya ngayong umaga. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko hanggang sa makita kong alas siete na ng umaga.

Oras na rin para maligo at gisingin si Nice dahil mag-aagahan pa kami.

"Seriously? What you did early in the morning is to read and study Chem? Oh my gosh! Sumasakit ang ulo ko!" she exclaimed.

Mahinang tawa nalang ang sinagot ko dahil wala naman akong iba pang sasabihin. Ayoko rin naman sa subject na 'yan, well, hindi naman sa ayaw talaga, talagang hindi lang siya ang cup of tea ko. Hindi ko bet masyado ang mga formula at pagso-solve na part. Sumasakit rin ang ulo ko. Pero wala eh, kailangan kong pagbutihin sa lahat para kay Tatay.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon