Chapter 08

1.7K 68 2
                                    

Chapter 08

MC's POV

"Nagpapatawa ka ba?"

Isang malakas na tawa ang ibinigay ko sa kanya dahil hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng tibay ng loob para sabihin 'yon. Siya? Sinusundo ako? Sinong niloloko n'ya? Hindi bagay sa kanya ang nagbibiro dahil hindi naman siya mukhang clown. Ang gwapong clown naman n'yan kung sakali.

Nakita ko ang pag tiim bagang niya sa akin. Inirapan ko lang din siya dahil sino ba nagsabing pumayag akong mag-audition? Wala rin naman siyang sinabi sa akin kaya hindi ako aware! At kahit na aware ako, ayoko pa rin. Kung pupunta ako duon ay para lang mag-usap at hindi mag audition. Hindi ako interisado.

"You should be happy that I picked you." he scoffed. "There are tons of girls trying to win me and here you are...rejecting my offer?"

Umirap na naman ako. Wala akong pakealam kung sumakit ang mata ko kakairap, deserve naman n'ya ang irap ko!

"First of all, sino ba kasing nagsabing ako ang piliin mo para mag-audition? Pangalawa, wala ka namang sinabi sa akin na mag o-audition ako. Ang akala ko mag-uusap lang tayo—"

"And why would we talk?"

"—Dahil duon kay Agatha. Gusto ko sanang magpasalamat dahil sabi nila ay ikaw ang gumawa ng paraan para hindi na makarating sa office ang nangyari pero sa nakikita ko ngayon, parang hindi mo na rin deserve ang thank you ko."

"Oh, so you owe me one?" he smirked. "Even if you thank me for what I did, hindi ko tatanggapin ang thank you mo."

"Wala na sa 'kin kung tatanggapin mo o hindi, manigas ka diyan."

"You'll go there and audition or do you want me to tell the headmistress what happened?" dahil duon ay napahinto ako sa paglalakad at napaharap sa kanya. "I can easily go and tell her what happened, you'll be out of this school by the end of the day."

Blackmail-in ba naman ako?! Lalaking ito! Akala ba n'ya matatakot n'ya ako? Pwes oo! Takot nga ako! Alam kong makapangyarihan ito dahil sa sinabi nina Nice pero hindi ko alam na kaya n'yang gamitin ang sitwasyon na iyon sa akin para lang sa isang audition! This is so petty!

"A-Ayoko pa rin." sinubukan kong tumanggi. Baka sakaling nagbibiro lang siya kahit na sobrang seryoso ng mukha n'ya ngayon. "H-Hindi ako sasama—AAAAAAAAAAA!"

Binuhat n'ya ako!

He freaking carried me! Binuhat n'ya ako na parang isa akong sako! Nakaharap ako ngayon sa likod n'ya habang nakasabit ako sa balikat n'ya.

"Ibaba mo ako!" inis na untal ko at saka tinampal ang kanyang likod. Narinig ko ang daing n'ya at mahinang napamura pero patuloy pa rin siya sa paglalakad.

Alam kong nakatingin na ang mga tao sa amin pero hindi ko na napapansin iyon. Ayaw akong ibaba ng lalaking ito!

"Maverick, isa! Ibaba mo ako!" sigaw ko pang muli at sinubukang ipadyak ang mga paa ko pero hinawakan n'ya lang ito nang mahigpit at walang sinabi sabay patuloy sa paglalakad.

Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung nasaan na kami pero alam kong papunta kami sa club room nila. 'Yun lang naman ang dahilan kung bakit n'ya ako kinakaladkad ngayon!

"Hoy! Sabi na kasing ibaba mo ako e!" gumiling-giling pa ako para lumuwag ang hawak n'ya sa akin.

"Stop wiggling woman!" he hissed pero hindi ako natahimik dahil duon, mas ginalaw ko pa ang sarili ko kaya narinig ko nanaman ang mura niya. "I said stop moving or I'll slap your butt!" sigaw niya pabalik kaya sandali akong natigilan.

Prinoseso ko sa utak ko ang sinabi niya at nang marealize ko kung ano ang sinabi niya ay nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napa–awang ang labi ko. I silently hissed before slapping his back again but did not move nor say anything.

Twilight's EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon