"Ano ka ba naman Zoey? Bakit kasi hindi ka humingi ng tulong sa Dad mo?" Napabuntong hininga pa ko bago kinuha ang order ko.
"Alam mo naman na ayaw ko siyang makausap kahit makita." Umangkla pa siya sa braso ko at hinila ako palabas ng karindirya.
"Girl madedemolish na kayo sa lugar niyo! Naaawa ka kamo sa mga kalugar niyo bakit ba kasi napaka-hirap sayo humingi ng tulong sa Dad mo?"
Hay! Bakit ba kasi ang kulit ni Samantha?! Ayoko ngang makipag usap sa matandang yon.
Sumakay na kami sa kakarag-karag kong sasakyan at ini-start yon.
"Eto pa... Ang sarap sarap ng buhay mo dati anong nangyare ngayon?! Tignan mo nga tong sasakyan mo Isang turnilyo nalang yata ang matanggal dito bibitaw na to." Tinignan ko pa siya ng masama.
"Ano ba Sam?! Napaka-ingay mo! Hindi ako makapag focus sa Pag dadri----" Gulat na mapatingin kami ni Sam sa harap ng bumangga ang sasakyan ko sa nasa harap naming sasakyan.
"Oh My Gosh! Girl tignan mo kung buhay pa yung nasa loob ng sasakyan dali. Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo."
"SAM PLEASE!" Natahimik naman agad siya. Dali-dali akong bumaba sa sasakyan para Sana i-check yung tao sa loob ng sasakyan na nabangga ko. Pero di pa man ako nakakalapit bumaba na yung nagmamaneho. Hinihimas pa nito ang sariling noo na sa palagay ko ay nauntog.
Napahinto ako sa paglapit ng makilala kung sino 'to. WHAT THE FUCK! Si Ranz Samaniego, Siya yung anak ng Mayor namin na crush na crush ko.
"What the hell! Miss, hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! Shit! Ang sakit ng noo ko." Tinanggal niya pa ang sunglass at cap Niya at tinitigan ako ng masama.
Kikiligin na ba ako o ano? Kinakausap ako ni Ranz Oh My God!
"Ano Miss?! Hindi ka ba magsasalita? Paano tong sasakyan ko?" Halos magkasalubong na ang kilay niya sa sobrang inis, Pero bakit ang gwapo pa rin? "Hey!"
"A-Ahm... A-Ah magkano ba? Bayaran ko nalang." Nauutal pang sagot ko na hindi makatingin sa mata niya. Natatawa siya na tumingin sa sasakyan niya bago ulit tumingin sakin.
Anong nakakatawa? May dumi ba ko sa mukha? Turn off agad siya Zoey.
"Ikaw babayaran mo yung na-damage mo sa sasakyan ko?! Hahahaha! Nagpapatawa ka ba? Kahit ibenta mo pa yang bulok mong sasakyan hindi mo mababayaran yung na-damage mo sa sasakyan ko." Napapahiyang napatingin pa ko sa kanya.
Sabagay! Roll Royce pala sasakyan niya kahit yata kalahati ng damage hindi ko mababayaran.
"Hoy! Masyado kang mayabang hindi mo yata kilala tong kaibigan ko." Sita pa sa kanya ni Sam.
"Shut up! I'm not talking to you." Aroganteng sagot pa ni Ranz. Napabuntong hininga ako na napakamot pa sa kilay ko bago tignan ulit si Ranz.
"A-Ahm! Pwede ko bang hulugan nalang."
"Hahahaha! Nagpapatawa ka ba talaga?!" Tinignan niya pa ko na parang ako na yung pinaka-unbelievable na tao sa mundo.
"Wala kasi akong malaking halaga." Inis na napakamot pa siya sa pisnge niya.
"Ganito nalang, pagtrabahuhan mo nalang." Takang napatingin pa kami ni Sam sa kanya. Anong pagtrabahuhan ba? "Wala akong driver ngayon eh! Ikaw nalang muna ang driver mag simula ka na bukas." Naiwan kaming nakanganga ni Sam. Nagmamadali pa sayang umalis sa harapan namin at pinaharurot ang sasakyan niya.
"What the fuck! Zoey totoo ba yon?" Dahan-dahan pa kong napatingin kay Sam at nakangangang napatango. "Oh my god Zoey! Maging driver ka ng crush mo." Kinikilig pang tili niya sa tenga ko.
Napapailing na bumalik na kami sa sasakyan at ini-start ko 'to ng may maalala ako.
"SAM, HINDI NIYA BINIGAY YUNG NUMBER NIYA."