CHAPTER 7

5.8K 111 0
                                    



"Oh Anak, hindi ka papasok ngayon?"  Tanong ni Mom dahil nandito ako sa tindahan at nagbabantay.


Kanina ko pa rin pinag iisipan kung papasok ba ko. Pero napag pasyahan kong hindi nalang. Hindi naman siguro masamang mag Day off di ba?!



"Day off ko po Mom." Pagsisinungaling ko pa.



"Wala kang gustong puntahan? Magbakasyon ka kaya."



"Ayoko Mom." Sagot ko pa at bumuga ng usok ng sigarilyo ko. Alam ni Mom na naninigarilyo ako dati ayaw niya pero nung sinabi kong pantagal ko to ng stress pumayag din siya wag lang daw panay panay.



"Pagbilan po Ate Zey." Napatingin pa ko kay Jhing na may hawak na limang piso.



"Ano yon Ganda?" Nakangiting tanong ko pa.


"Ayun po oh." Turo niya pa sa chichirya na hindi niya maabot abot. Natatawa pa kong kumuha ng isa at binigay sa kanya. "Magkano po 'to Ate Zey?"


"Seven pesos Ganda." Sagot ko napanguso naman agad siya.




"Pero five pesos lang ang bigay sakin ni Mama."



"Dahil cute ka." Kinurot ko pa ang Pisnge niya. "Five pesos nalang sayo."



"Yehey! Thank you po Ate Zey." Masayang sabi niya pa at patalon talon pa na naglakad paalis.




"Paano kayo bebenta niyan kung palugi mong binebenta ang paninda niyo?" Nanlaki ang mata kong napatitig sa mukha ni Ranz na nasa tapat ng tindahan namin.



WHAT THE FUCK! Anong ginagawa nito dito?




"Hello Ate Zoey." Napatingin din ako kay Niña na kasama niya pala.



"A-Anong g-ginagawa niyo dito?" Utal pang tanong ko.



"Hindi mo ba kami lalabasin man lang?" Nakangiti pang sabi ni Ranz.



Shit! Masisiraan yata ako ng ulo sa magkapatid na to.



Dali-dali kong inayos ang sarili ko. Binaba ko pa ng bahagya ang fitted kong maong short at inayos ang tee shirt ko. Bakit ba kasi ako nag short.



Pagkalabas ko ng bahay ay gulat na napatingin pa ko sa sapatos ni  Ranz nabputi na nagkulay brown dahil sa putek.




"Wow ate Zoey, ang sexy mo po." Manghang mangha na sabi pa ni Niña. Napatingin pa ko kay Ranz na hindi ko alam kung bakit parang naiilang na nakatingin sa hita ko.




"H-Hm. Susunduin ka namin ni Niña." Naglihis pa ng tingin na sabi niya. Batid ko rin na pinag titinginan na kami ng mga kapit bahay.




"Ha? Bakit? May pupuntahan ba kayo? Kailangan niyo ng Driver? Magbibihis lang ako." Akmang tatalikod na ko ng hawakan ako ni Ranz sa braso. Nakaramdam ako ng kuryente at bumilis ang tibok ng puso ko. Agad din siyang napabitaw at napatingin sa mukha ko. "Mag empake ka ng gamit?"



"Ha? Bakit?"




"Sumama ka samin sa Boracay mag babakasyon tayo."



"Ako?" Laglag ang pangang tanong ko na tinanguan niya lang.



"Anak, sino yang kausap mo?" Wala na kong nagawa ng lumabas si Mommy at nakita sila Ranz. "Oh may bisita ka pala bakit di mo papasukin?"




The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon