CHAPTER 3

6.7K 130 12
                                    



"And you know what Nato, she didn't cry Ate Zoey is a strong woman." Pakiramdam ko binging-bingi na ang mga tao dito sa bahay ng Samaniego bidang-bida ba naman ako sa kwento ni Niña, nakailang ulit na rin siya sa pag kekwento sa mga kasambahay at sa Butler nila.


Napatingin sakin si Niña at nilapitan ako at nginitian pa.


"Thank you for saving me Ate Zoey, I like you a lot na po." Yumakap pa siya sa'kin ng mahigpit.


"You're welcome Niña." Nakangiting Sabi ko at gumanti rin ng yakap.


"Joan, iakyat mo na si Niña palitan mo ng damit para makapag pahinga na." Rinig naming Sabi ni Ranz sa tumatayong yata ni Niña.


"But Ranz, I still want to talk to Ate Zoey."


"Enough Niña!" Tila nauubusan ng pasensya na humawak pa siya sa bridge ng ilong niya. Walang nagawa na nag paalam na sakin si Niña at sumama na sa yata niya.


"A-Ah... Sir, may pupuntahan ka pa ba?" Alanganing tanong ko. Gutom na gutom na talaga ako. Hindi naman ako makapag sabi dahil binigyan ako ni Ranz kanina ng pang lunch.

"Wala na why?"


"Ahm... Pwede na po ba kong umuwi?" Nahihiyang tanong ko pa.


"Go on, but you need to comeback here tomorrow morning."


"Yes Sir." Sumaludo pa ko sa kanya. Akmang aalis na ko ng mag salita ulit siya.


"Ipapahatid na kita."


"Po? Nako Sir, wag na po kaya ko namang umuwi." Tinaliman na naman niya ko ng tingin sa hindi ko malaman na dahilan.

"How old are you?"

"H-Ha?"


"Damn! Do I need to repeat my self?" Ang ikli naman ng pasensya nito parang kinukumpirma lang kung tama pagkakarinig ko eh.


"24 Sir."

"That's it! Stop saying po, mag kaedad lang tayo." Parang nag po lang bilang pag galang na mas mataas siya sakin may pagkawirdo din tong taong to. "Nato." Tawag niya pa sa Butler nila.

"Yes Sir?"


"Hatid mo si Zoey pauwi."


"Yes Sir." Sinenyas niya pa ang kamay niya at batid kong pinapaalis niya na kami. Yumuko pa ko bilang paalam Pero hindi man lang ako kinibo.


Kanina pinakilig ako ngayon naman sobrang sunget bipolar amp!


The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon