"She's good right?" Nakaupo na kami ngayon dito sa pwesto nila Boss Aki, at binibida niya pa ako sa mga kaibigan niya. Pero wala don ang pansin ko hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sakin si Ranz. Ano bang meron dito sa lalakeng to at kung makatingin wagas. "Lagi ko siyang tinatanong kung gusto niyang maging permanent singer dito sa Bar Pero lagi rin siyang tumatanggi." Rinig kong sabi pa ni Boss Aki, umiwas na ko ng tingin kay Ranz dahil hindi ko na kayang tagalan ang tingin niyang ganon.
"Alam mo namang maraming trabaho tong si Zey Boss, Baka hindi niya na kayang i-handle. Nagtataka nga ako dito kay Zey, sa sobrang daming trabaho hindi pa bumili ng bagong Auto. Eh yung sasakyan nito isang tadyak ko lang yata bibigay na." Natatawang sabi ni Vince na umakbay pa sakin.
"Ulul! Nabangga nga yon hindi man lang nag karoon ng damage eh!" Nakangising pag yayabang ko pa.
"Alam mo kung bakit?" Tanong pa ni Vince na tinaasan ko lang ng kilay. "Kasi... Wala ng Pag lagyan yung damage HAHAHAHA!" Inis na siniko ko siya dahil sa pagkalabas lakas na tawa niya. Napaigik pa siya sa sakit at napabitaw ang braso niyang nakaakbay sakin.
"Bakit nga ba hindi ka bumili ng bagong sasakyan Zey?" Tanong din ni Boss Aki, napatingin pa ko kay Ranz na alam Kong nakikinig rin kahit tumutungga ng alak.
"Hindi ko kayang palitan yon Boss, tsaka hindi ko ugaling gumastos ng pera para lang sa sasakyan marami akong binubuhay na pamilya Boss." Nakangisi pang sabi ko.
"Damn! Marami ka ng Anak Zey?" Inis na binatukan ko si Maynard sa walang kakwenta-kwentang sinabi niya. "Aray!"
"ULUL!" Madiing mura ko pa sa kanya.
"Pag pasensyahan niyo na tong mga kaibigan ko, ganito lang talaga sila kakukulit." Napatingin pa kami kay Choi dahil bigla na siyang tumayo. "Boss, balik na po kami sa back stage may dalawang set pa po kami." Magalang pang paalam ni Choi, kaya tumayo na rin ako.
"Choi, ngayon palang sumasaya oh! Bakit ang KJ mo?" Reklamo pa ni Vince.
"Go ahead." Natatawa pang sabi ni Boss Aki.
Hinatak pa ni Choi si Vince at kita ko pa sa gilid ng mata ko ng tignan na naman ako ni Ranz.
"Zey..." Napatingin pa ko kay Choi ng bigla niya kong tawagin. Nandito na kami sa back stage at naghahanda sa pangalawang set. "Napansin mo... Grabe makatingin sayo yung kaibigan ni Boss."
"Oo nga. Napansin ko rin yon Zey yung Anak ni Mayor Samaniego." Pilit ang tawang napailing nalang ako.
"B-Baka lasing lang kayo." Pagdadahilan ko pa. Napansin rin pala nila yon.
"Hindi pa naman ako masyadong nakakainom. Sigurado ako eh! Grabe ka niya tignan." Siguradong sabi pa ni Choi.
"B-Baka i-imagination niyo lang yon." Pangungumbunsi ko pa sa kanila. What the fuck! Imagination? Saan galing yon? "T-Tara-tara set na natin." Nagpatiuna na ko palabas ng back stage at napahawak pa sa dibdib ko sa sobrang kaba.