CHAPTER 17

4.9K 69 3
                                    


Nagising ako ng maramdaman na may mabigat na nakapatong sa tyan ko. Agad kong iminulat ang mata ko napababa pa ang tingin ko sa tyan ko. Napangiti pa ng makitang mahigpit na nakayakap sakin si Ranz.

Tumagilid pa ko para mapagmasdan ng mabuti ang mukha niya.

"Bakit sobrang gwapo kasi ng mahal ko? Tss! Hindi na ko mag tataka kung isang araw mapapaaway pa ko dahil sa kagwapuhan mo." Mahinang sabi ko. Hinaplos ko pa ang pisnge niya papunta sa mata niya, ilong at napahinto pa ang daliri ko sa mga labi niya. "Itong labi na napakasarap halikan hindi kita matiis pag ginagamitan mo na ko ng labi mo napaka unfair."

"I love you." Napatingin pa ko sa kanya ng makitang gising na siya. Hinawakan niya pa ang kamay ko at hinalikan ang palad ko.

"I love you too Love." Binigyan ko pa siya ng halik sa labi.

"Akin ka lang ha!" Nakangiting tinanguan ko pa siya. "Kahit anong mangyari hinding hindi kita iiwan."

"Thank you for loving me Love."

"And thank you gor loving me too Love." Inangat ko pa ang braso ko para magpabuhat sa kanya.

Hindi ko alam tss! Simula ng minahal ko siya para na kong naging bata. Yung mga nakikita kong couple dati pag nakita kong naglalambingan nandidiri pa ko hindi ko akalain na mangyayari rin sakin.

Agad pa siyang tumayo at binuhat ako na parang bata. Binuksan niya pa ang pinto ng kwarto at akmang lalabas.

"Love san tayo pupunta? Mag shirt ka muna, tsaka tignan mo oh naka shirt lang ako at boyleg."

"Solo natin ang bahay Love."

"Ha? Eh ang dami niyo ngang maids." Takang sabi ko pa.

"Si Butler Nato ay wala kasama ni Dad, si Niña ay paniguradong nasa school na." Nginuso niya pa ang orasan at nakitang 10 am na. "Ang mga maids paniguradong nasa quarter nila at nagkekwentuhan kasi wala naman silang pag sisilbihan. Paniguradong si Aling Senny lang ang nasa kitchen at pinaghanda na tayo ng breakfast." Mahaba pang paliwanag niya.

"Okay then we'll go to the dining Area." Parang batang sabi ko pa.

"May sawa ka ba sa tyan Love? Parang lagi kang gutom. Hahahaha!" Natatawang sabi niya pa habang pababa kami ng hagdanan. Natawa rin ako sa sinabi niya.

Pagkarating namin sa dining area ay tama nga si Ranz miski si Aling Senny nga ay wala naabutan nalang namin ang breakfast na nakahanda na.

Kinandong niya pa ako sa kanya ng maupo na siya sa upuan at isang plato nalang ang ginamit namin.

"Love anong oras nga pala yung Party?" Ngumunguyang tanong ko pa.

"3 pm Love, so... may 3 hours pa tayong quality time dito sa bahay." Pilyong sabi niya pa.

"Ayan ka na naman Love. Pero bakit quality time? Magiging busy ka ba sa party at mawawalan ka ng oras sakin?" Maayos pang tanong ko.

"Hindi naman darating sa point na mawawalan na ko ng oras sayo. May mga times lang na may mga kakausap sakin na business partner ni Dad, pero syempre dapat nasa tabi lang kita." Pinunasan niya pa ng daliri niya ang catsup na nasa gilid ng labi ko at saka sinubo ang daliri niya.

"Ahm. Okay Love, hihintayin kita sa table natin pag may importante kang kakausapin."

"Basta wag kang aalis ng hindi nagpapaalam sakin ha!"

The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon