CHAPTER 24

4.8K 72 0
                                    




Mabilis lumipas araw at dalawang linggo na ang nakakalipas. Kami ni Ranz, ayun lalo siyang naging sweet at the same time possessive pag may mga lalakeng nakatingin sakin pag pumupunta kaming mall o lumalabas para kumain.


Ngayon nasa office siya marami daw kasi siyang naiwang trabaho at ako nandito sa living area nanunuod ng kung ano anong movie, sobrang bored na. Ang sama rin ng pakiramdam ko  hindi ko nga alam pag kagising ko nahihilo na ko hindi ko nalang pinaalam kay Ranz dahil paniguradong mag aalala siya. Suka pa nga ako ng suka pag alis niya. Hindi pa rin ako dinadatnan 1 week na may kutob na ko kumg anong nangyayari sakin pero gusto kong makasigurado bago sabihin kay Ranz baka kasi mamaya false alarm lang.


"Hello?" Sagot ko pa ng makitang number ni Tito ang tumatawag.


"Nasaan ka iha?"


"Nasa bahay lang po Tito, why?" Takang tanong ko pa. Ngayon lang kasi siya nag tanong kung nasaan ako.


"Wag kang aalis dyan. Pupunta ang Daddy mo ng 3 pm, uuwi rin ako para makapag usap tayo." Ha? Pupunta si Daddy dito?! Paano kung makita siya ni Ranz.


"Baka po makita siya ni Ranz Tito."


"Binigyan ko ng maraming trabaho si Ranz, paniguradong gagabihin yon." Napabuntobg hininga ako. Ano naman kayang pag uusapan namin.


"Sige po Tito." Sagot ko pa. Nang maibaba na niya ang linya ay napatingin pa ko sa oras.


1:30 pm makakabalik naman siguro ako bago mag 3.


Dali-daling nagpalit ako ng damit at mabilis na pumunta sa parking. Mabilis pang nag drive papunta sa hospital at agad na bumaba pag ka-park ko.


Naghintay pa ko ng ilang minuto bago ako tawagin ng Nurse at pinapasok sa loob.


"Zoey Marie Dela Vega?" Basa pa ng doktora sa pangalan ko.


"Opo." Magalang pang sagot ko. Lumapit pa siya sakin at pinahiga ako sa bed na nandoon. Ginamitan pa niya ko ng Stethoscope at pagkatapos ay sinabit yon sa leeg niya.


"Ilang weeks ka ng hindi dinadatnan?"


"1 week na po akong delay." Tumango-tango pa siya.


"How's your feeling? Any morning sickness?"


"Kanina po pag kagising ko hilong-hilo ako tapos suka po ako ng suka."


"Hmm! Ipapahanda ko ang ultrasound pero hindi mo pa makikita ang Baby kasi dugo palang yon panigurado."


The President's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon